What's new

Jesus Is The One True God

Nagkatawang tao ang Salita

Isa ring karaniwang paniniwala na si Cristo ay Diyos na nagkatawang-tao dahil sinasabi sa Juan 1:14 na, "nagkatawang-tao ang berbo" Para sa mga taong nagtataglay ng ganitong paniniwala, may dalawang likas na kalagayan si Jesucristo:Taong totoo at Diyos na totoo. Ito ay maling pagkaunawa sa nakasulat sa Biblia.
Una- walang nakasulat sa Juan 1:14 na ang Diyos ay nagkatawang tao.

Pangalawa- Hindi lamang wala, kundi labag pa sa biblia ang paniniwalang ito sapagkat ang diyos ay hindi tao.
Oseas 11:9
Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: sapagka't ako'y Dios, at hindi tao; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit.
At ang tao ay hindi pwedeng maging Diyos!
Ezekiel 28:9
Sabihin mo pa kaya sa harap niya na pumapatay sa iyo, Ako'y Dios? nguni't ikaw ay tao, at hindi Dios, sa kamay niya na sumusugat sa iyo.
Ikatlo- kapag tinanggap ang paniniwala na ang Diyos ay nagkatawang tao, na mula sa kalagayang Espiritu, walang laman at mga buto.
Juan 4:24
Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan
Lucas 24:39
Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin
At ito ang Diyos ay naging tao, labag din ito sa aral ng Biblia sapagkat ang Diyos ay di magbabago ni may anino man ng pag-iiba.
Malakias 3:6
Sapagka't ako, ang Panginoon, ay hindi nababago, kaya't kayo, Oh mga anak na lalake ni Jacob ay hindi nangauubos.
Santiago 1:17
Ang bawa't mabuting kaloob at ang bawa't sakdal na kaloob ay pawang buhat sa itaas, na bumababa mula sa Ama ng mga ilaw, na walang pagbabago, ni kahit anino man ng pagiiba.
Kung gayon, paano natin dapat unawain ang Juan 1:14 " Na nagkatawang-tao ang Berbo''? Natupad ang salita ng Diyos o pangako ng Diyos na magkakaroon ng Cristo, at tao ang katuparan nito. Ganito ang ating mababasa sa:
Mateo 1:18,20
" Ang pagkapanganak nga kay Jesucristo ay ganito: nang si Maria na kaniyang ina ay magaasawa kay Jose, bago sila magsama ay nasumpungang siya'y nagdadalang tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo, ...Datapuwa't samantalang pinag-iisip niya ito, narito ang isang anghel ng panginoon ay nagpakita sa kaniya sa panaginip, na nagsasabi: Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagka't ang kaniyang dinadalang tao ay sa Espiritu Santo."
Ang Diyos ba na nagsalita o ang kinaroroonan ng salita ang nagkatawang-tao gaya ng ibinibigay na pakahulugan ng iba? Hindi. Ang nakasulat sa Juan 1:14 ay maliwanag: na " nagkatawang-tao ang salita (NPV) Walang sinabi sa talata na ang Diyos na nagsalita ang nagkatawang tao!. Kaya sa King James Version ang pagkakasalin ay ganito " and the word was made Flesh'' ( at ang salita ay ginawang laman).
Kung may isang tao na nagpaplano na siya ay magtatayo nang bahay, may bahay naba? wala pa dahil plano o salita pa lamang. Ang salita o planong iyon ay kaisipan niya at sumasa kaniya sapagkat siya ang nagbalak at pinagmula niyon. Kailan nagkaroon ng bahay? Nang matupad ang plano ukol sa kayarian nito. Nang maitayo na ang bahay, siya ba, na nagsalita, ang naging bahay? Hindi. Kaya hindi rin ang Diyos na nagsalita ang nagkatawang tao. Kundi ang sinalita, panukala,o ang plano niya ang nagkatawang tao.
Kung gayon sinu ang katumbas ng sinasabi sa Juan 1:14 na "nagkatawang tao ang salita"? Natupad ang plano, balak o salita ng Diyos tungkol sa pagkakaroon ng Cristo na sa pasimula'y salita (berbo) pa lamang ng Diyos-ang katuparan ay tao sa likas na kalagayan.

Bilang pangwakas, napatunayan natin na nagkamali ng pagkaunawa sa Juan 1:1,14 ang mga gumagamit ng talatang ito upang patunayan na si Cristo diumano ay Diyos na nagkatawang tao. Labag sa aral ng Biblia ang paniniwalang ang Diyos ay nagkatawang-tao. Labag din sa aral ng Biblia ang paniniwalang si Cristo ay Diyos na totoo at tao pang totoo. Ang Ama ang kaisa-isang tunay na Diyos at ang Panginoong Jesucristo ay sugo ng Diyos-ito ang pagkakilalang may buhay na walang hanggan...
Juan 17:1,3 (Salita ng Buhay)
Sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito at tumingin siya sa langit at nagsabi:
Ama ang oras ay dumating na. Luwalhatiin mo ang
iyong Anak at nang luwalhatiin ka rin naman ng Anak.

Ito ang buhay na walang hanggan: Ang makilala
ka nila, ang tanging Diyos na totoo at si Jesucristo na
iyong sinugo.
 
I ped.1:10 Tungkol sa pagkaligtas na ito ay nagsikap at nagsiyasat na maigi ang mga propeta, na nangagsihula tungkol sa biyayang dadating sa inyo:

I ped. 1:11 Na sinisiyasat ang kahulugan kung ano at kailang panahon itinuro ng Espiritu ni Cristo na sumasa kanila, nang patotohanan nang una ang mga pagbabata ni Cristo, at ang mga kaluwalhatiang hahalili sa mga ito.

Paanong walang kalagayan si cristo eh panahon pa lang ng mga propeta nagtuturo na ang espiritu niya kasama na nila.

Kanino salin ito?

1 Pedro 1:20:
" Nasa isip na siya ng Diyos bago pa lalangin ang daigdig ngunit ipinakilala siya ngayong huling panahon dahil sa inyo."

Ito ang KJV

I Ped. 1:20 Na nakilala nga nang una bago itinatag ang sanglibutan, nguni't inihayag sa mga huling panahon dahil sa inyo,

Diba sabi ng pasugo niyo ang mga protestante at katoliko ay mga sa demonio.ngayon kanino salin ito:

1 Pedro 1:20:
" Nasa isip na siya ng Diyos bago pa lalangin ang daigdig ngunit ipinakilala siya ngayong huling panahon dahil sa inyo."

Ang layo oh "nasa isip na siya" vs "nakilala" sa King James Version

At sa original na salin sa interliniar bible ang nakasulat doon "foreknown"
 

Attachments

Last edited:
Dios si kristo "begotten God"nga eh ito yong original na salin sa interlinear


Nanganak ang Ama.ang Ama ay espiritu ang Anak niya espiritu din.ang Anak na NAGKATAWANG-TAO.kasama na ng Ama yan bago pa lalangin ang sanglibutan
 

Attachments

Last edited:
Ito pa isa sabi niya:
"
Pangalawa- Hindi lamang wala, kundi labag pa sa biblia ang paniniwalang ito sapagkat ang diyos ay hindi tao."



Hindi naman talaga tao lang si kristo kundi NAGKATAWANG-TAO.siya ay pumasok sa mundo na nasa katawang tao pero doon sa loob ng katawang tao nanahan doon ang pagka-Dios niya.

Col. 2:9 Sapagka't sa kaniya'y nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman,

Ang laman na yan o katawan ay inihanda na ng Dios pagpasok niya sa sanglibutan

Heb. 10:5 Kaya't pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinasabi, Hain at handog ay hindi mo ibig. Nguni't isang katawan ang sa akin ay inihanda mo;

Kapag pinaniwalaan mo na tao lang si kristo eh anti-cristo ka

II jn. 1:7 Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at ang anticristo.

Maliwanag na kapag hindi mo tinanggap na si kristo naparitong NASA LAMAN at para sayo LAMAN lang siya o tao eh.. ANTI-CRISTO ka.
 
Last edited:
Ito boss, i-analyze mo lang ito talagang may kalagayan si kristo hindi mo ito mapipilipit

New american standard version

Jn1:18 No one has seen God at any time; the only begotten God who is in the bosom of the Father, He has explained Him.

Pag sinabing "NO ONE HAS SEEN GOD" dapat mong maintindihan na nangangailangan yan ng may KALAGAYAN para mangyari yan.kung PLANO lang si kristo ayon sayo paanong nangyari yan eh sabi nga dyan "NO ONE".

Ang matindi si kristo galing mismo sa SINAPUPUNAN NG AMA na may kalagayang espiritu bakit si Kristo walang kalagayan noong ipanganak eh ang liwanag "NO ONE HAS SEEN GOD"at yan nga si Kristo na" the only begotten God"

May kalagayan talaga si Kristo bilang isang espiritu tulad ng sa Ama at kalaunan NAGKATAWANG-TAO.
 
Last edited:
Hebreo 1:8 “ Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi, ANG IYONG LUKLUKAN, OH DIOS, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian.”


ang pinaka Key word nila jan ay "Tungkol sa anak ay sinabi" Ganyan agad mag haka haka karamihan para palabasin na Dios talaga si Cristo.Ganito ang payo ng Biblia :


Roma 12:16 “ Mangagkaisa kayo ng pagiisip. Huwag ninyong ilagak ang inyong pagiisip
sa mga bagay na kapalaluan, kundi makiayon kayo sa mga bagay na may kapakumbabaan.
Huwag kayong mga pantas sa inyong sariling mga haka. ”




Para di tayo magkarun ng haka haka. kung kinikilala ba talaga ng AMA na Dios ang ANAK nya. ay dapat walang kontradiksyon..Kung sa Ibang salin naman ng Biblia, ano kaya ang mas malinaw na nakasulat?narito po.:


Hebrews 1:8
"But of the Son he says, GOD IS YOUR THRONE forever and ever! And a righteous sceptre is the sceptre of his kingdom! " ( Goodspeed)


Hebrews 1:8
"He says of the Son, GOD IS THY THRONE for ever and ever, thy royal sceptre is the sceptre of equity." ( Moffat Translation)



Maliwanag ang banggit sa mga verse na ito: “ GOD IS YOUR THRONE” o “GOD IS THY THRONE” na sa tagalog ay “ANG DIYOS AY IYONG LUKLUKAN” Mas lalong pinalinaw sa atin.

Alam po ba kaya nila na ang talatang yan ay quoted po mula sa AWIT 45:6.? Dapat nating malaman na ang sinasabi sa Hebreo 1:8 ay isang propesiya o hula tungkol sa pagdating ng Mesias na mababasa sa Lumang Tipan na sinipi mula sa Mga Awit 45:6 na nagsasabi ng ganito: Ating pong basahin ang nasabing talata sa Bibliang isinalin ng mga Judio sa panahon natin ngayon:



Psalms 45:6 "THY THRONE, GIVEN OF GOD, endureth for ever and ever; the sceptre of thy kingdom." (Jewish Publications Society of America Translation )



Maliwanag na sinasabi sa talatang iyan na isinalin ng mga Judio na: “ THY THRONE, GIVEN OF GOD” o sa Filipino ay“ANG IYONG LUKLUKAN, BIGAY NG DIYOS”

Malinaw na malinaw po na "ANG IYONG LUKLUKAN AY BIGAY NG DIOS?."At ito ay binigyang linaw naman sa unahan ng kapitulo na ang Diyos ay magbibigay ng kaniyang kaharian sa isang HARI.

Sa Filipino na:



Awit 45:1-3 “Mga magagandang salita ang pumupuno sa aking isipan, habang aking
isinusulat ang awit para sa Hari. Katulad ng panulat ng isang magaling na manunulat
ang aking dila ay nahahanda sa isang tula. Ikaw ang painakamakisig sa lahat ng mga tao;
ikaw ay mahusay magsalita. ANG DIYOS AY PINAGPAPALA KANG PALAGI.
ISUKBIT MO ANG IYONG TABAK, DAKILANG HARI; IKAW AY MALUWALHATI AT MARILAG .” (Today's English Version)




At paano natupad ang propesiyang ito kay Jesus na pinagbigyan ng Diyos ng Trono o Luklukan ni David? narito po.


Lucas 1:31-33 “At narito, maglilihi ka sa iyong tiyan, at manganganak ka ng isang lalake,
at tatawagin mo ang kaniyang pangalang JESUS. SIYA'Y MAGIGING DAKILA, AT TATAWAGING ANAK NG KATAASTAASAN: AT SA KANIYA'Y IBIBIGAY NG PANGINOONG DIOS ANG LUKLUKAN NI DAVID na kaniyang ama: At siya'y maghahari sa angkan ni Jacob magpakailan man; at hindi magkakawakas ang kaniyang kaharian.”



Kaya maliwanag na ang kapangyarihan ni Jesus at ang kaniyang karapatang tinataglay ay hindi lihitimo sa kaniya kundi ito ay ibinigay lamang sa kaniya. At ito ay kaniyang ipinahayag sa kaniyang mga alagad:



Mateo 28:18 “At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, ANG LAHAT NG KAPAMAHALAAN SA LANGIT AT SA IBABAW NG LUPA AY NAIBIGAY NA SA AKIN.”


At ang nagbigay sa kaniya ng lahat ng ito ay ang Ama, narito ang kaniyang pagtatapat:


Mateo 11:27 “ANG LAHAT NG MGA BAGAY AY IBINIGAY SA AKIN NG AKING AMA:
at sinoma'y hindi nakakakilala sa Anak kundi ang Ama; at sinoma'y hindi nakakakilala sa Ama, kundi ang Anak, at yaong ibiging pagpahayagan ng Anak.”



At pagkatapos nga na maibigay sa kaniya ang lahat ng bagay, ang ANAK ay papailalim sa kapangyarihan ng Ama na nagbigay ng lahat ng bagay sa kaniya, at ito ay magaganap sa ARAW NG PAGHUHUKOM:


1 Corinto 15:27-28
“Ganito ang sinasabi ng kasulatan, “Ang lahat ng bagay ay lubusang ipinailalim ng Diyos sa kaniyang kapangyarihan.” Ngunit sa salitang “lahat ng bagay” maliwanag na hindi kasama rito ang Diyos na siyang naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo. At kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Cristo, ANG ANAK NAMAN ANG PAPAILALIM SA KAPANGYARIHAN NG DIYOS NA NAGLAGAY NG LAHAT NG BAGAY SA ILALIM NG KAPANGYARIHAN NIYA. Sa gayon lubusang maghahari ang Diyos sa lahat.” [MBB ]



Malinaw po sa atin ngayun Kung PaanO naibigay kay Cristo ang luklukan ng Dios.
kung patuloy parin nilang ipipilit na talagang tinawag ng AMA na Dios din ang ANAk. .ay may malalabag na naman silang aral,sapagkat ang Tunay na Dios ay walang kinikilalang ibang Dios. narito po ang mga katunayan:



"Bayang Israel, ikaw ang saksi ko, pinili kita upang maging lingkod ko, upang makilala
mo ako at manalig ka sa akin. Walang ibang Diyos maliban sa akin, walang nauna at wala ring papalit ." Isa. 43:10



"Noong una pa man ako'y nagpahayag na. Ako ang nagligtas sa iyo, at ang nagbalita ng lahat ng ito. Noon ay wala pa kayong kinikilalang ibang diyos; kayo ang mga saksi ko" Isa. 43:12


"Huwag kayong matakot, bayan ko! Alam mong sa pasimula pa'y ipinahayag ko na ang mga mangyayari; kayo'y mga saksi sa lahat ng ito. Mayroon pa bang diyos maliban sa akin? Wala nang hihigit pa sa aking kapangyarihan!" Isa. 44: 8


"Ako si Yahweh, ako lamang ang Diyos at wala nang iba; palalakasin kita, kahit hindi mo ako nakikilala. Ginawa ko ito upang ako ay makilala mula sa silangan hanggang kanluran,
at makilala nila na ako si Yahweh ako lamang ang Diyos at wala nang iba." Isa. 45: 5-6


"Alalahanin ninyo ang mga nakaraang pangyayari.Inyong kilalaning ako lamang ang Diyos,
at maliban sa akin ay wala nang iba." Isa. 46:9


"Ipagtanggol ninyo ang inyong panig. Magsanggunian kayo. Sino ang makakapagsabi ng mga bagay na magaganap? Hindi ba akong si Yahweh, ang Diyos na nagliligtas sa kanyang bayan? Walang ibang diyos maliban sa akin." Isa. 45:21



maraming talatala po ang nagpapatunay.na talagang ang Dios. walang kinilalang Dios. .e Kung si cristo kaya. wala rin kayang Kinikilalang Dios? basahin po natin :


Nang ikatlo na ng hapon, sumigaw si Jesus, "Eloi, Eloi, lema sabachthani?" na ang kahulugan ay, "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?" Marcos 15:43


Nang mag-aalas tres na ng hapon, sumigaw si Jesus, "Eli, Eli, lema sabachthani ?" na ang ibig sabihi'y "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?"Mateo 27:46


"Sabi ni Jesus, Huwag mo akong hawakan sapagkat hindi pa ako nakakapunta sa Ama. Sa halip, pumunta ka sa aking mga kapatid at sabihin mo sa kanila na aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos." Juan 20:17



at maging ang karugtong ng Heb.1:8 sa talatang 9 ito ating basahin.:


Hebreo 1:9 “Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang kasamaan; KAYA'T ANG DIOS, ANG DIOS MO, ay nagbuhos sa iyo, Ng langis ng kasayahang higit sa iyong mga kasamahan”.



Pansinin ang banggit na: “ANG DIOS MO” . Kung si Cristo na Anak ay ang Diyos, lalabas ngayon na ang Diyos ay may kinikilalang isa pang Diyos maliban sa kaniya, magkakaroon na ngayon ng DALAWANG DIYOS na ito ay aral na labag sa Biblia. Maliwanag na katotohanan na kung ang Diyos, ang Ama ay walang kinikilalang iba pang Diyos, si Cristo sa kabilang dako ay kinikilala ang Ama bilang kaniyang Diyos. Makikita po natin ang ka baluktotan ng kanilang Aral.

Ang maling aral ng karamihan,may Dios pang malaki,may Dios na maliit.at maging sila nga Dios na tunay pa.May tatlo pang persona daw ang Dios.Mali maling pag iisip. tama talaga ang ating mababasa.


"Sapagkat bagamat mayroong mga tinatawag na mga dios, maging sa langit o maging sa lupa; gaya nang may maraming dios atmaraming panginoon;" (I Cor.8:5)


Pero bilang tunay na Hinirang ng Dios.sa ganang kanila, ilan lamang ba at sino lamang ang Dios ?


"Ngunit sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kanya ang lahat ng bagay at tayo'y sa kanya..." ( 1cor. 8:6 )


Tama nga ang paliwanag ng mga apostol. sa ganang Amin lamang na naniniwala sa isang Dios lamang na ang AMA.. kaya pala wala sa kanila ang mga kaalamang iyan. gaya ng ating mababasa sa karugtong na mga talata.


"Gayon ma'y wala sa lahat ng mga tao ang kaalamang iyan, ..." (I Cor. 8:7)
 
Nakakatuwa din itong thread na ito. Magbi-bible spam yung isa. Gaganti yung isa ng mas maraming spams. They one up each other by spamming. Bible spammers! hehehe
 
Malinaw ba boss?pinalabo niyo nga eh

Hebreo 1:8 “ Nguni't tungkol
sa Anak ay sinasabi, ANG IYONG
LUKLUKAN, OH DIOS, ay magpakailan man; At ang setro ng
katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian.”

"NGUNIT TUNGKOL SA ANAK AY SINASABI" ang alin?ano ang sinasabi tungkol s Anak?

"ANG IYONG LUKLUKAN, OH DIOS, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian.”

eh Dios naman pala yong Anak eh... ang iyong luklukan daw oh Dios... Paano nangyari na ang Dios naging LUKLUKAN imbis na yong NAKAUPO ang maging Dios.ginawa niyo namang upuan yong Dios hindi ba pueding ang Dios ang umupo sa luklukan kaysa sa Dios ang gagawin nyong luklukan o upuan?

Kaya nga tama yong bigay mong talata:

Psalms 45:6 "THY THRONE, GIVEN OF GOD, endureth for ever and ever; the sceptre of thy kingdom." (Jewish Publications Society of America Translation )

Yong THY THRONE(kaninong throne, syempre kay kristo) GIVEN OF GOD, (ang Ama ang nagbigay)

Ang liwanag niyan bakit pupunta ka pa kay moffat?hindi lumiwanag naging lalong lumabo kamo.

Eh tanong? may luklukan ba talaga si kristo?

Col.3:1 Kung kayo nga'y muling binuhay na kalakip ni Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay na nangasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Dios.

May luklukan naman pala si kristo... nasa kanan siya ng Dios bakit ang Dios ang gagawin niyong luklukan? bakit hindi si kristo na nakaupo dyan mabuti pa si haring david eh alam na dalawa ang nakaupo doon

Mar. 12:36 Si David din ang nagsabi sa pamamagitan ng Espiritu Santo, Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, Maupo ka sa aking kanan, Hanggang sa gawin ko ang iyong mga kaaway na tungtungan ng iyong mga paa.

Aw. 110:1 Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon, umupo ka sa aking kanan, hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.

Ang labo talaga ng mga ministro mo boss!!! Pumunta pa kay moffat para malinaw daw?eh lalong lumabo nga eh... Yong Dios daw yong LUKLUKAN imbis yong NAKAUPO para iwasan lang nila na Dios si Kristo.

Yan ang hirap sa INC kukuha sila ng mga publikasyon na papabor lang sa doktrina nila para nilang sinabi hindi kayang magpaliwanag ang biblia ng sarili niya at kailangan ng isang moffat para ipaliwanag ang sarili niyong dokrina.Kapilya na lang talaga ang nakatayo sa inyo tsk...tsk...tsk
 
Last edited:
Mateo 11:27 “ANG LAHAT NG MGA BAGAY AY IBINIGAY SA AKIN NG AKING AMA:
at sinoma'y hindi nakakakilala sa Anak kundi ang Ama; at sinoma'y hindi nakakakilala sa Ama, kundi ang Anak, at yaong ibiging pagpahayagan ng Anak.”



At pagkatapos nga na maibigay sa kaniya ang lahat ng bagay, ang ANAK ay papailalim sa kapangyarihan ng Ama na nagbigay ng lahat ng bagay sa kaniya, at ito ay magaganap sa ARAW NG PAGHUHUKOM:


1 Corinto 15:27-28
“Ganito ang sinasabi ng kasulatan, “Ang lahat ng bagay ay lubusang ipinailalim ng Diyos sa kaniyang kapangyarihan.” Ngunit sa salitang “lahat ng bagay” maliwanag na hindi kasama rito ang Diyos na siyang naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo. At kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Cristo, ANG ANAK NAMAN ANG PAPAILALIM SA KAPANGYARIHAN NG DIYOS NA NAGLAGAY NG LAHAT NG BAGAY SA ILALIM NG KAPANGYARIHAN NIYA. Sa gayon lubusang maghahari ang Diyos sa lahat.” [MBB ]
 
Alam mo boss!!!ang ganda ng verse mo pinatunayan mo na Dios si kristo

Mateo 11:27 “ANG LAHAT NG MGA BAGAY AY IBINIGAY SA AKIN NG AKING AMA:
at sinoma'y hindi nakakakilala sa Anak kundi ang Ama; at sinoma'y hindi nakakakilala sa Ama, kundi ang Anak, at yaong ibiging pagpahayagan ng Anak.”

Tama walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang Anak sa kanyang Ama kaya nga hindi lang tao yan kundi nagkatawang - tao.hindi tao bakit?

Jn.1:18 Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya.

Ayan boss!!!maliwanag"WALANG TAONG NAKAKITA KAILAN MAN SA DIOS"kundi ang alin? Yong nasa sinapupunan daw ng Ama, siya(si kristo) ang nagpakilala sa kanya(sa Ama)

Wala bang kalagayan yan?ang liwanag niyan maliban na lang kung palabuin niyo.sasabihin niyo nanaman hindi lang basta tao si kristo kundi special na tao eh walang tao nga eh pero si kristo nakakita eh di hindi nga siya tao dahil wala pa ngang tao na nakakita kaylanman sa Dios.
 
Kanya-kanyang papel lang yan mga boss!!!hayaan gawin ang kanyang parte.ika nga nila "di lahat mapapalugod natin"sa bukid laging magkasama ang trigo at panirang damo hindi pa panahon ng pag-aani kaya kung ano ang buti na bigay ng lupa parihas silang nakikinabang pero ang di maitatanggi... May pagaani.

Mat.13:26 Datapuwa't nang sumibol ang usbong at mamunga, ay lumitaw nga rin ang mga pangsirang damo.

Mat.13:27 At ang mga alipin ng puno ng sangbahayan ay nagsiparoon at nangagsabi sa kaniya, Ginoo, hindi baga naghasik ka ng mabuting binhi sa iyong bukid? saan kaya nangagmula ang mga pangsirang damo?

Mat.13:28 At sinabi niya sa kanila, Isang kaaway ang gumawa nito. At sinabi sa kaniya ng mga alipin, Ibig mo baga na kami nga'y magsiparoon at ang mga yao'y pagtipunin?

Mat.13:29 Datapuwa't sinabi niya, Huwag; baka sa pagtitipon ninyo ng mga pangsirang damo, ay inyong mabunot pati ng trigo.

Mat.13:30 Pabayaan ninyong magsitubo kapuwa hanggang sa panahon ng pagaani: at sa panahon ng pagaani ay sasabihin ko sa mga mangaani, Tipunin muna ninyo ang mga pangsirang damo, at inyong pagbibigkisin upang sunugin; datapuwa't tipunin ninyo ang trigo sa aking bangan.

Ang ganda ng talinghaga pero tagingting sa taenga ng iba.tulad nga ng sabi natin"we cannot please everybody"tama ba english(bahala kayo diyan)

Mat.19:11 Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Hindi matatanggap ng lahat ng mga tao ang pananalitang ito, kundi niyaong mga pinagkalooban.

Bible po usapan mga boss!!! Ito topic

"JESUS IS GOD"
 
Last edited:
Kanya-kanyang papel lang yan mga boss!!!hayaan gawin ang kanyang parte.ika nga nila "di lahat mapapalugod natin"sa bukid laging magkasama ang trigo at panirang damo hindi pa panahon ng pag-aani kaya kung ano ang buti na bigay ng lupa parihas silang nakikinabang pero ang di maitatanggi... May pagaani.

Mat.13:26 Datapuwa't nang sumibol ang usbong at mamunga, ay lumitaw nga rin ang mga pangsirang damo.

Mat.13:27 At ang mga alipin ng puno ng sangbahayan ay nagsiparoon at nangagsabi sa kaniya, Ginoo, hindi baga naghasik ka ng mabuting binhi sa iyong bukid? saan kaya nangagmula ang mga pangsirang damo?

Mat.13:28 At sinabi niya sa kanila, Isang kaaway ang gumawa nito. At sinabi sa kaniya ng mga alipin, Ibig mo baga na kami nga'y magsiparoon at ang mga yao'y pagtipunin?

Mat.13:29 Datapuwa't sinabi niya, Huwag; baka sa pagtitipon ninyo ng mga pangsirang damo, ay inyong mabunot pati ng trigo.

Mat.13:30 Pabayaan ninyong magsitubo kapuwa hanggang sa panahon ng pagaani: at sa panahon ng pagaani ay sasabihin ko sa mga mangaani, Tipunin muna ninyo ang mga pangsirang damo, at inyong pagbibigkisin upang sunugin; datapuwa't tipunin ninyo ang trigo sa aking bangan.

Ang ganda ng talinghaga pero tagingting sa taenga ng iba.tulad nga ng sabi natin"we cannot please everybody"tama ba english(bahala kayo diyan)

Mat.19:11 Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Hindi matatanggap ng lahat ng mga tao ang pananalitang ito, kundi niyaong mga pinagkalooban.

Bible po usapan mga boss!!! Ito topic

"JESUS IS GOD"

Pero kayo mismong may kanya-kanyang interpretasyon at paniniwala kung sino ang "THE ONE". Bawat isa sa inyo ang nagsasabi o naniniwala na sila ang tumatahak sa "TAMANG DAAN". May makapag-sasabi ba sa inyo kung ano mangyayari sa next minute, lest the future?

Eniwey, keep the spams coming. Keep on regurgitating what have been fed to you.

jesus is what???!!!
 
Yong topic boss!!!

JESUS IS GOD

Pakitingnan na lang sa taas... Kumusta boss, yong pagpaparoot-parito mo nakatisod ka ba ng kaligayahan?

Job. 2:2 At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Saan ka nanggaling? At si Satanas ay sumagot sa Panginoon, at nagsabi, Sa pagpaparoo't parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon.

Dalaw muna kayo sa ibang thread boss!!!magbaon na rin kayo ng popcorn habang nangingisda...wag niyo lang ipa close yong thread...he..he..he.

Salamat sa pagdalaw.... Pasensiya na at hindi nyo nagustuhan ang inihain sa thread ni ts...baka sa ibang thread boss!!! Masiyahan kayo... Yong mga andito kasi mga walang kwenta... Wag mo na kaming pansinin..... Masayang pagpaparoot-parito sayo boss!!!
 
Yong topic boss!!!

JESUS IS GOD

Pakitingnan na lang sa taas... Kumusta boss, yong pagpaparoot-parito mo nakatisod ka ba ng kaligayahan?

Job. 2:2 At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Saan ka nanggaling? At si Satanas ay sumagot sa Panginoon, at nagsabi, Sa pagpaparoo't parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon.

Dalaw muna kayo sa ibang thread boss!!!magbaon na rin kayo ng popcorn habang nangingisda...wag niyo lang ipa close yong thread...he..he..he.

Salamat sa pagdalaw.... Pasensiya na at hindi nyo nagustuhan ang inihain sa thread ni ts...baka sa ibang thread boss!!! Masiyahan kayo... Yong mga andito kasi mga walang kwenta... Wag mo na kaming pansinin..... Masayang pagpaparoot-parito sayo boss!!!
You calling me Satan? Oh, hello baby jesus, how are you? But there are others here who might be calling themselves as the real jesus? So how can really tell that you are the genuine, true and one and only jesus? Can you?

You bet, I'm being entertained challenging your non-sense.
 
Last edited:

About this Thread

  • 115
    Replies
  • 3K
    Views
  • 23
    Participants
Last reply from:
Graphmaster

Online statistics

Members online
1,416
Guests online
4,098
Total visitors
5,514
Back
Top