What's new

Trivia Jehova ba ang tamang tawag sa Dios?

[XX='SADRACH PHC, c: 924635, m: 1832433'][/XX] Sige nga Sadrac ..

Ayon sa tekstong ito ng Matthew 4:10, ng King James, Sino yung tinukoy dito ni Jesus na dapat sambahin?

Nasa open close parentheses naman, naka-include .. Baka itanggi mo pa yan ...
 

Attachments

Nuong hindi pa ginagamit ni martini ang pangalang Jehova

ibig bang sabihin non hindi pa alam ng tao ang banal ng pangalan ng Dios nun?

Hihintayin ko sagot mo kahit matagal 😂
 
Mga bro makasingit na nga noh....
Bakit pa ninyo pag talunan ang hindi naman nila sigurado lalo na nung mga nag salin.. na katunayan ay nilagyan pa ng parethesis yung name na yun kung yun nga ba ang pangalan ng Ama..

Muuwe lang kayo sa pagtataltalang walang kabuluhan at magiging kapangahasan pa yan sa inyo..Dahil panay ang bigkas nyo dyan...At nadadamay ang manlilikha na makapangyarihan sa lahat....Hindi ba dapat maghinay hinay kayo...

Baka nakakagawa na kayo ng paglabag sa kalooban nya....

Hindi nga angkop sa Ama ang gawan sya ng templo na mababasa sa kasulatan...Dahil hindi naman kakasya and Dios sa templong gawa lang tao....

Ang hirap kasi sa mga nagsalin....Porket mga matatalino sa karunungang pang tao... Eh akala na nila kaya na nilang gawin lahat....which is mali.

Dapat matuto tayong magpakumbaba at sumunod sa kung ano lang ang nakasulat huwag babawasan at huwag dadagdagan para hundi magkaroon ng lebadura.

Kaya nga may habilin sa mga Kristyano... na may Darating na Espiritu na syang mag gagabay sa mga mananampalataya upang hindi tayo magpalalo O magyabang sa kakaunti nating kaalaman.

At may tagubilin satin na mga Kristyano ...Na ang Kristo lamang ang syang ating paniniwalaan , pakikinggan sa pamamagitan ng mga alagad nya...Na sila talaga ang lehitimong mga saksi.. Hndi yung mga bagong labas lang sa panahong ito....Na mga saksing bulaan.

Kaya nga may tagubilin din na suriin sila.. At hindi dapat agad paniwalaan.
 
Mga bro makasingit na nga noh....
Bakit pa ninyo pag talunan ang hindi naman nila sigurado lalo na nung mga nag salin.. na katunayan ay nilagyan pa ng parethesis yung name na yun kung yun nga ba ang pangalan ng Ama..

Muuwe lang kayo sa pagtataltalang walang kabuluhan at magiging kapangahasan pa yan sa inyo..Dahil panay ang bigkas nyo dyan...At nadadamay ang manlilikha na makapangyarihan sa lahat....Hindi ba dapat maghinay hinay kayo...

Baka nakakagawa na kayo ng paglabag sa kalooban nya....

Hindi nga angkop sa Ama ang gawan sya ng templo na mababasa sa kasulatan...Dahil hindi naman kakasya and Dios sa templong gawa lang tao....

Ang hirap kasi sa mga nagsalin....Porket mga matatalino sa karunungang pang tao... Eh akala na nila kaya na nilang gawin lahat....which is mali.

Dapat matuto tayong magpakumbaba at sumunod sa kung ano lang ang nakasulat huwag babawasan at huwag dadagdagan para hundi magkaroon ng lebadura.

Kaya nga may habilin sa mga Kristyano... na may Darating na Espiritu na syang mag gagabay sa mga mananampalataya upang hindi tayo magpalalo O magyabang sa kakaunti nating kaalaman.

At may tagubilin satin na mga Kristyano ...Na ang Kristo lamang ang syang ating paniniwalaan , pakikinggan sa pamamagitan ng mga alagad nya...Na sila talaga ang lehitimong mga saksi.. Hndi yung mga bagong labas lang sa panahong ito....Na mga saksing bulaan.

Kaya nga may tagubilin din na suriin sila.. At hindi dapat agad paniwalaan.

Sana magsisi kayo sa pagiging mapangahas na ugali.

Mga bro concern lang ako sa mga kaluluwa ninyo.

Huwag ninyong masamain.
 
[XX='SADRACH PHC, c: 924672, m: 1832433'][/XX] Tinawag ng mga apostol ang pangalan ng Diyos sa wika na sinasalita nila noon.

Kung paano man nila binigkas ang pangalan ng Diyos noon, sila lang ang nakakaalam. Gets mo?

That's my simple answer ..
 
Hindi mo ba naitanong sa sarili mo to

Paano nuong panahong wala pang KJV na bible


Ano kaya banal na pangalan ng Dios?

Di mo ba tinatanong sa sarili mo yan 😂😂
 
PARA PO SA MGA NAGBABASA NG THREAD NA ITO

Ito po yung mga naunang paragraph na hindi isinama ni Mr. Sadrach sa kaniyang post .. Basta lamang siya nagquote nang hindi isinasaalang-alang ang buong artikulo at ang mga naunang paragraph ...

Sa pagquote niya sa sinabi ni Martini, na si Martini ang unang gumamit ng Jehova .. Maling-mali po ito at baluktot na impormasyon gaya ng makikita ninyo sa artikulong ito na nasa ibaba ..

Sa artikulong ito ay ipinaliliwanag lamang kung paano inalis ng unang mga translator ang pangalan ng Diyos sa Bibliya at kung paano ito unti-unting ginamit muli ...

Hindi po itinuturo ng mga saksi ni Jehovah na ginamit lamang ang pangalan ng Diyos noong 1270 gaya ng may kasinungalingang sinasabi sa post ni Mr. Sadrach ..

Pakisuyong basahin po ninyo itong artikulong ito ↓↓↓


Ang Pangalan ng Diyos at ang mga Tagapagsalin ng Bibliya

MAAGA noong ikalawang siglo, nang mamatay na ang huli sa mga apostol, nagsimula ang paghiwalay sa pananampalatayang Kristiyano na inihula ni Jesus at ng kaniyang mga tagasunod. Ang paganong mga pilosopya at doktrina ay sumingit sa kongregasyon; bumangon ang mga sekta at pagkakabaha-bahagi, at ang dating dalisay na pananampalataya ay nahaluan. Ang pangalan ng Diyos ay hindi na ginamit.

Samantalang lumalaganap ang apostatang pagka-Kristiyanong ito, kinailangan na ang Bibliya sa orihinal na Hebreo at Griego ay mapasalin sa mga ibang wika. Papaano ba isinalin ng mga tagapagsalin ang pangalan ng Diyos? Kadalasan, kanilang ginagamit ang katumbas ng “Panginoon.” Totoong popular noon ang Latin Vulgate, ang Bibliyang isinalin ni Jerome sa araw-araw na Latin. Sa pagsasalin, ang Tetragrammaton (YHWH) ay hinalinhan ni Jerome ng Dominus, “Panginoon.”

Sa wakas, mga bagong wika, tulad baga ng Pranses, Ingles at Kastila, ang bumangon sa Europa. Subali’t hinadlangan ng Iglesya Katolika ang pagsasalin ng Bibliya sa mga bagong wikang ito. Samantalang ang mga Judio na gumagamit ng Bibliya sa orihinal na wikang Hebreo ay tumangging bigkasin ang pangalan ng Diyos pagka nakita nila iyon, karamihan ng “Kristiyano” ay nakinig sa pagbasa sa Bibliya sa mga saling Latin na di gumagamit ng pangalan.

Dumating ang panahon na ang pangalan ng Diyos ay muli na namang ginamit. Noong 1278 ay lumitaw iyon sa Latin sa akdang Pugio fidei (Balaraw ng Pananampalataya), ni Raymundus Martini, isang mongheng Kastila. Ang ispeling na YohouaYou do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ang ginamit ni Raymundus Martini. Pagkatapos, noong 1303, tinapos ni Porchetus de Salvaticis ang isang akda na pinamagatang Victoria Porcheti adversus impios Hebraeos (Ang Tagumpay ni Porchetus Laban sa Balakyot na mga Hebreo). Dito’y binanggit din niya ang pangalan ng Diyos, at iba’t-iba ang ispeling, Iohouah, Iohoua at Ihouah. Noong 1518, si Petrus Galatinus ay naglathala ng isang akda na pinamagatang De arcanis catholicae veritatis (Tungkol sa mga Lihim ng Pansansinukob na Katotohanan) at doo’y Iehoua ang kaniyang ispeling sa pangalan ng Diyos.

- - -



Pinutol ko na dito ang pagcopy sa article upang hindi macopyright ... Kaya, sa artikulong ito, mapapansin na tinatalakay lamang dito kung paano inalis ang pangalan ng Diyos sa mga unang salin ng Bibliya pagkamatay ng mga apostol, at kung paanong unti-unting ginamit itong muli hanggang sa panahon natin ...


Huwag po sana kayong basta maniwala sa mga tao na naninira lamang at hindi kinukuha ang lahat ng impormasyon ..
 
Tagalog wika mo diba?
Dapat ang tawag mo sa Dios mo ay Yaweh

Nasa pilipinas kao dapat pala ang tawag sa inyo ay mga Saksi ni Yaweh

Sabi nyo rin kasi English yun Jehova diba
Eh Tagalog wika mo

Kaya dapat Yaweh tawag mo sa Dios mo
 
[XX='SADRACH PHC, c: 924765, m: 1832433'][/XX] Kasi ito ay itinranslate sa modernong wika .. Bagaman hindi ito ang original na bigkas, pero, gaya ng nabasa mo sa post ko, sinang-ayunan ng Diyos na maisalin ang pangalan niya sa napakaraming wika .. Hindi iningatan ng Diyos ang orihinal na bigkas sa pangalan niya kundi ang pangalan lamang niya na isinalin sa iba't-ibang wika ...

Gets mo?
 
[XX='SADRACH PHC, c: 924774, m: 1832433'][/XX] Sa Ang Dating Biblia, 1905,

"Jehova" ang ginamit na salin sa Tagalog .. Kaya, kahit na may salin na Yahweh, mas pinili namin na gamitin ang pangalang "Jehova"
 
[XX='SADRACH PHC, c: 924792, m: 1832433'][/XX] Tandaan mo, SADRACH, ang pangalang "Jehova" ay salin sa Tagalog ..

Ngayon kung ang tinatanong mo kung sino ang unang gumamit ng "Jehova”, tatanungin muna kita ..

Ang tinutukoy mo ba dito ay ang original na pgkakasulat na pangalan ng Diyos sa Hebreo or ang letra por letra na "Jehova"?
 
Kitams 😂

Eh Hindi pala original na bigkas yan eh
Eh di imbento nga lang yan

Kasi ang orihinal hindi talaga mabigkas ng mga naunang lingkod ng Dios

Nakapagtataka ka nga na kayo ng mga JW nabigkas nyo eh samantalang yung mga israelita nuon ay hindi mabigkas yan

Tapos kayo nabigkas nyo
Ang tinde 😂😂
 
Kung ang Jehova pala ay salin sa Tagalog

Eh yung Yaweh saan pala salin yon😂

Pasensya na tawa ko ng tawa
Tawa ka rin kasi ng tawa kanina eh 😂😂
 
[XX='SADRACH PHC, c: 924833, m: 1832433'][/XX] Hindi mo ba na-gets ang sinabi ko?

Uulitin ko, HINDI ININGATAN NG DIYOS ANG ORIHINAL NA BIGKAS SA PANGALAN NIYA, BAGKUS, ANG PANGALAN NIYA ANG ININGATAN NIYA.

Alam ng Diyos na isasalin sa iba't-ibang wika ang pangalan niya gaya nga ng ipinapakita ng Pahayag 14:6, 7

At nakita ko ang ibang anghel na lumilipad sa gitna ng langit, na may mabuting balita na walang hanggan upang ibalita sa mga nananahan sa lupa, at sa bawa't bansa at angkan at wika at bayan; At sinasabi niya ng malakas na tinig, Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa kaniya;


. . .

Kaya, kung issue sayo na bigkasin ang original na name ng Diyos, ikaw ang may issue doon, hindi ang Diyos. Dahil, gaya ng paulit-ulit kong sagot sa iyo, hindi iningatan ng Diyos ang orihinal na bigkas sa pangalan niya, kundi, ang pangalan niya ang iningatan niya, na isasalin sa iba't-ibang wika.
 
Sa original wala ngang Jehova

YHWH lang yan

Siningitan ng vowel kaya naging ganon diba?

Kaya naman ganong vowel ang isiningit ay dahil ganun ang bigkas diba? Base yan sa nilatag mo kanina


Ngayon eto nakapagtataka bakit kayo nabigkas nyo eh yung mga israelita hindi kayang bigkasin
 
[XX='SADRACH PHC, c: 924855, m: 1832433'][/XX] Yah·weh /ˈyäˌwā/

a form of the Hebrew name of God used in the Bible. (According kay Google)
- - -
Kaya, ang Yahweh, ay isang anyo ng Hebreo ng pangalan ng Diyos.

Ganito din ang paliwanag ng Brittanica

Yahweh, the god of the Israelites, whose name was revealed to Moses as four Hebrew consonants (YHWH) called the tetragrammaton. ... Although Christian scholars after the Renaissance and Reformation periods used the term Jehovah for YHWH, in the 19th and 20th centuries biblical scholars again began to use the form Yahweh.

Sabi jan, bagaman ginamit noong panahon ng Renaissance and Reformation ang "Jehovah", muli, noong mga 19th at 20th centuries, ginamit ng mga Biblical scholars ang anyo na "Yahweh"

Ngayon, ang tanong, pano naman naging "Jehovah"?

Ganito nman ang sabi ng Oxford Dictionary,

the Hebrew name of God transliterated in four letters as YHWH or JHVH and articulated as Yahweh or Jehovah

Pag sinabi pong articulated, ibig sabihin, binibigkas ....
kaya yung YHWH or JHVH ay binibigkas na Yahweh o Jehovah ..

Now, yung English name na "Jehovah” mula sa JHVH, ay isinalin naman sa Tagalog bilang "Jehova”, kung kaya, ito ang dahilan kung bakit iyan ang ginagamit namin sa pangalan ng Diyos ..

Kaya, hanggang sa panahon natin, naingatan, hindi ang original na bigkas sa pangalan ng Diyos, kundi ang pangalan lamang ng Diyos na naitranslate sa ating wikang Filipino ...

Okay po? Malinaw po ba ito?
 

About this Thread

  • 186
    Replies
  • 6K
    Views
  • 33
    Participants
Last reply from:
Fury5048

Online statistics

Members online
833
Guests online
1,837
Total visitors
2,670
Back
Top