What's new

Ito na ba ang mga huling araw na ayon sa bible?

ferdz67

Eternal Poster
Joined
Jul 15, 2018
Posts
1,132
Reaction
360
Points
327
Ayon sa bible sa huling araw bibigyan ng tatak ang bawat tao at hindi ka makakabili ng pagkain kapag wala kang tatak ?
Kamakailan lamang sa SM nag hahanap kami ng kakainan ng asawa ko,,nagkataon na dun sa isang restaurant nandun ang pag kain na gusto namin,,pero hindi pwede kumain doon kapag walang kang vaccine card ,,yung kasunod namin walang vaccine card hindi pinapasok ,
Ito na kaya yun ??o malapit na??
 
hindi pa ito huling araw marami pang di nagaganap , sa noo ung tintukoy doon at sa palad di sa balikat👍
malapit palang po mangyareh
 
My plan na other elites sa US na sakupin ang Planet Mars bossing, pero kung patungkol naman sa mark of the beast, ang sinabe sa bible is symbolism, it may refer anything po that will lead to destruction of humanity or the coming of false prophet. Signs lang po mga nangyayare ngayun na naeexperience mu boss, hehe. BTW Agnostic po ako and this is my opinion.
 
Sa Austria nagpaplano na pagmumultahin ng halos USD 4000 yung tatangging magpabakuna doon.

Sa Israel naman February pa last year nabalitang kailangan ng parang "vaccine passport" para makapasok sa isang mall.

6943717_FB_IMG_1613660981397.jpg
 
Attachments

malapit na. Dito sa ilocos norte maging sa mga grocery at palengke eh banned ang unvaxxed. Ayaw na nila pakainin ang mga unvaxxed haha
 
Wala pong makakapagsabi kung katapusan na. Sabi nga ni Jesus sa bibliya, I will come like a thief in the night...
Best to just be prepared at all times.
 
Kalagayan ng sangkatauhan ngayon...
2 Timoteo 3:1-4
1 Datapuwa't alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib.
2 Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan,
3 Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti,
4 Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios;
 
Kung nung panahon ng mga apostol, 2000 years ago, sinasabi nilang mga huling araw na, mas lalo naman ngayon panahon natin.

Hebreo 1:2 Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan;

Kaya ang payo ng Dios :
2 Pedro 3:3-4, 9
3 Na maalaman muna ito, na sa mga huling araw ay magsisiparito ang mga manunuya na may pagtuya, na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita,
4 At magsisipagsabi, Saan naroon ang pangako ng kaniyang pagparito? sapagka't, buhat nang araw na mangatulog ang mga magulang, ay nangananatili ang lahat ng mga bagay na gaya ng kalagayan nila mula nang pasimulan ang paglalang.
9 Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi.
 
Amen!

Back
Top