- Joined
- Sep 19, 2016
- Posts
- 3,567
- Reaction
- 7,225
- Points
- 2,573
Hindi kulto ang mga Saksi ni Jehova. Sa halip, bilang mga Kristiyano, ginagawa namin ang lahat para tularan ang halimbawa ni Jesu-Kristo at mamuhay ayon sa kaniyang mga turo.
Ano ang kulto?
Iba’t iba ang kahulugan ng terminong “kulto” para sa iba’t ibang tao. Gayunman, isaalang-alang ang dalawang karaniwang ideya tungkol sa kulto at kung bakit hindi ito kumakapit sa amin.
- Iniisip ng ilan na ang kulto ay isang bago o di-karaniwang relihiyon. Ang mga Saksi ni Jehova ay hindi nag-imbento ng bagong relihiyon. Sa kabaligtaran, tinutularan namin ang paraan ng pagsamba ng mga Kristiyano noong unang siglo, na ang halimbawa at mga turo ay nakaulat sa Bibliya. (You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.) Naniniwala kami na ang Banal na Kasulatan ang dapat magtakda ng pamantayan kung ano ang katanggap-tanggap na paraan ng pagsamba.
- Iniisip ng ilan na ang isang kulto ay mapanganib na sekta ng relihiyong may lider na tao. Ang mga Saksi ni Jehova ay walang kinikilalang tao bilang kanilang lider. Sa halip, sumusunod kami sa pamantayang ibinigay ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod nang sabihin niya: “Ang inyong Lider ay iisa, ang Kristo.”—You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now..
Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.