Update: Wala na kami, mga paps. Mga 1:23am kaninang madaling araw, nag-usap na kami at doon na rin ako humingi ng pabor sa kaniya na sagutin mga tanong ko nang walang halong biro at totoo. I ask her kung gusto niya pa ba, masaya pa ba siya sa piling ko. She said "yea." but, ang sinasabi daw ng isip niya "ba't ko pa ipagpipilitan sarili ko sayo e HAHA ang hirap baguhin ng ugali ko. Ayoko naman lagi kang saktan.'' Then, ginawa ko na mga dapat kong gawin. I said "Well, pagod na rin ako sa'yo at sa'tin. Aaminin ko ding nasasakal na ako ng sobra sa'yo. I'm being a good partner/boyfriend sa'yo pero ba't gan'to binabalik mo't pinaparamdam sa'kin? Saan ba ako nag-kulang? T****na, kung forever ka nang ganyan, wala tayong patutunguhan nito. Ang toxic mo sa'kin. Inaabuso mo na kabaitan ko. Nawalan ka na din ng respeto. Kung gan'to rin lang pala, magbreak na lang tayo. Sa total, ako na lang din naman gumagawa, may gusto at mag-isang lumalaban sa'tin eh. Hindi na ako yung nakilala mong paulit-ulit magpapakatanga sa'yo. I know my worth and I deserve better than this. Mahal kita pero hindi ko na kaya. 'wag mo na ring asahang babalik pa ako sa'yo. Natuto na ako. Masaya akong nakilala kita at minahal kita ng gan'to pero ngayon, suko na 'ko. Sorry. Hindi ko gusto gawin 'to pero nasisira na ako. Hanggang dito na lang lahat. I loved you." Wala na siyang sinabi pagkatapos ko sabihin yan. Siguro nga'y ready na siya bago pa ako sumuko. Ansakit.