Pagod na ako sa pagiging simp. Tinatawag na akong under ng iba dahil sa pagiging obsessed ko sa kaniya. Actually, napuno na ako kaya kami nag-away kanina lang. Tama namang magsalita kung may mali at ayaw mong masanay siyang gawin yun palagi, 'di ba? Sa mga may partner diyan, pabor ba kayong hindi nagpapaalam sa inyo partner niyo? Tapos mahuhuli niyo na lang na andun siya or may ginagawa siyang bagay na dapat/pwede namang ipaalam muna? And ito nga, nag-away kami and parang okay lang sa kanya yung nangyari at ginawa niya. Palaro-laro lang, patulog-tulog and wala na rin atang gana makipag-ayos. Lalo ko tuloy naramdaman na ayos lang sa kaniyang wala ako. Tama pa bang mag-stay sa ganitong relasyon? Ang hirap pala maging seryoso 'no? Ikaw talaga palaging talo.