What's new

I might help in this forum.. :D

paano po tumaba?
Hello! Kumain ka ng mas marami kaysa sa normal mong kain. Simple as that. :D
Hindi mo kailangang biglain yung sarili mo na madami ka agad kakainin mo.
Halimbawa sa mga meals mo 1 cup of rice ka lagi, start mong dagdagan ng 1/2 cup. then kung sanay ka na, gawin mo nang 2 cups yung 1 cup na usual mong kain. :)
AND mag-meryenda ka. :D so at least 5-6 cups a day kang kakain. yun lang muna :D
 
  • Like
Reactions: IUU
Pano po pumayat (kahit physically fit ako) mematanong lang hahaha
Hello! Okay nga yan eh. Kung sa tingin mo fit ka na and gusto mo pa rin mag-shed ng ilang kilos, try mong bawasan lang yung kinakain mo than the usual. Same principle lang din naman. Saka case to case basis pa rin, lalo na kung may ine-aim kang goal. Saka kung ano ba yung gusto mong-lose, kung fat ba, or muscle, water etc.
 
Hello! Kumain ka ng mas marami kaysa sa normal mong kain. Simple as that. :D
Hindi mo kailangang biglain yung sarili mo na madami ka agad kakainin mo.
Halimbawa sa mga meals mo 1 cup of rice ka lagi, start mong dagdagan ng 1/2 cup. then kung sanay ka na, gawin mo nang 2 cups yung 1 cup na usual mong kain. :)
AND mag-meryenda ka. :D so at least 5-6 cups a day kang kakain. yun lang muna :D
salamat po! try ko yan hahahaha
 
doc, gusto ko mapaliit ang Ab ko. ("s" is missing error 404) may masa suggest ba kayo na foods na hindi nakakagutom. kasi whenever i eat small piece of meal para mag diet sobrang gutom ko naman at nanghihina ako.. any advise po? TIA.
 
Hello! Okay nga yan eh. Kung sa tingin mo fit ka na and gusto mo pa rin mag-shed ng ilang kilos, try mong bawasan lang yung kinakain mo than the usual. Same principle lang din naman. Saka case to case basis pa rin, lalo na kung may ine-aim kang goal. Saka kung ano ba yung gusto mong-lose, kung fat ba, or muscle, water etc.

Salamat! pano of gusto ko lang mawala belly fats, ank yung marerecommend mong foods, or sched ng pagkain ganern
 
my pagkaen po ba para mapalaki ung hita at binti ? walang time mag punta sa gym eh
Hello! Haha parehas tayo struggle sir, maliit ang binti! Hahaha sadly, walang pagkain na ang main purpose is papalakihin ang binti/hita natin. Kailangan niyan sir training talaga.kasi exercise ang stimuli para lumaki ang muscle.


On the other hand, pwede naman lumaki ang binti/hita mo sa pag-kain ng marami, kaso lang hindi lang binti mo ang pwede lumaki. Buong katawan hahaha. 😂

Ang pinakamaaadvice ko na lang siguro sayo ay kung wala kang time magworkout, try aiming for 10,000 steps a day for your leg workout, or jogging. Then right after ng ganong activity, kain ka para at least may recovery ang legs. Para kung hindi man lumaki ang legs, at least may workout siya to make it stronger. Training coach din ang need mo sir para sa spcific goals. Yun lang!!!! 😂
 
Ano ba dapat kainin para mawala ying taba sa tiyan???
Hello there! Kung gusto mo lumiit/lumaki ang isang specific body part mo (like tummy, to lose fat), need mo rin ng coach for training.

Para sa akin siguro para mabawasan ang tummy fat mo, try mo munang magBAWAS (take note, bawas lang hindi tanggal 😁) ng any food item kung saan ka spoiled haha whether fatty food, fastfood, sugary drinks like juices softdrinks etc, sugary food, in short yung alam mong makakapagpataba sayo hahaha

Kung kaya mong tanggalin muna sa daily kain mo, then very good. Kung hindi kaya, at least bawasan. Tandaan mo, wala namang bawal na pagkain/inumin. Wag mo lang sobrahan. Kung may matitira ka man sa food mo, wag ka na manghinayang at wag mo na ubusin haha kasi ugaling pinoy basta may matira, iisipin nila sayang kaya uubusin tapos tataba hahaha. Just learn your lesson na next time, kaunti na lang ang kukunin/bibilhin na pagkain para nakatipid ka na, pumayat ka pa.


Well, sobrang daming sabihin sayo pero yan na lang muna. Hit me up pag may questions pa. Salamat! Sana makatulog. 😅
 
doc, gusto ko mapaliit ang Ab ko. ("s" is missing error 404) may masa suggest ba kayo na foods na hindi nakakagutom. kasi whenever i eat small piece of meal para mag diet sobrang gutom ko naman at nanghihina ako.. any advise po? TIA.
Hahahaha like that "ab". 😂 Parusa ba everytime na magdidiet? Hahahaha ganito na lang siguro MUNA gawin mo.

Try mo small frequent meals. Hmm siguro 6 to 8 time ka kakain a day (including meryendas). Madaming beses ka kakain, pero sobrang controlled ang portion ng food.

Or

Sa food naman, ganito na lang. Go for high fiber food items. Get your veggies, get your fruits. Sa veggies, green leafy vegetables ang best. Sa fruits, mga pineapples, apples, melon, anything na alam mong mangunguya mo at may hibla-hibla pag kinakain mo. 😂
And get your GOOD source of protein. Good proteins are LEAN MEAT. Yes, without that skin and taba hahahhaha. Okay lang mag pork din, basta scrape that fat out. Imagine the size of your palm (palm lang ha, di kasama daliri 😂😂😂) yan ang size ng meat mo per meal. Again, WITHOUT THE FAT hahaha. Kung wala meat, fish pwedeng pwedeeeee mas maganda.


Eto lang tandaan mo rin lagi. in weight loss, hindi necessary na magpagutom ka. Proper timing at proper food lang. many more to discuss, but thats all muna. 😁
 
aq po di po aq tumataba kahit damihan q kinakain q.
Hahaha ilang beses ka ba kumakain sa isang araw? Saka ano ang mga kinakain mo? Ano rin ang mga activities mo? Yan ang ilook up mo rin. Baka yan yung mga pwede nating tignan na angles sa hindi mo pagtaba 😊
 
Back
Top