- Joined
- Jun 11, 2016
- Posts
- 1,950
- Reaction
- 1,615
- Points
- 687
I feel useless kasi nga, parang wala nang tiwala yung partner ko sakin. Parang hindi na niya ako kailangan. Kasi minsan nalang kami nag-uusap. Kasi busy daw siya sa work niya maraming meetings daw. Sa weekend, magkasama na man kami pero physically present but mentally absent kasi palaging nakatitig sa cp. Hindi na siya nag oopen up sa kin. Halos mga gawain sa bahay ako na lahat ang gumagawa, pati sa anak namin ako parin. Siya laging nakahiga on her cp. Para akong kasambahay na tatawagin lang kung may kailangan. Nung nag LQ kami tungkol sa hindi siya umuwi ng isang buong araw pagkatapos ng duty niya, dun niya nilalabas lahat ng sama ng loob niya sakin, pinagsabihan pa niya ako na, hindi ko nga kaya pagbuhayin siya at 1 anak namin, tapos nung nanganak siya wala akong binigay ni piso sa kanyang pagpanganak kasi nga maliit lang sweldo ko. Tapos sa mga kailangan ng baby, lahat lahat siya ang gumagastos mula sa gatas, diaper at ano ano pa. Tapos may lakas pa ako pagalitan siya kung hindi uuwi ng bahay kasi daw karapatan niya yun. Ang babang baba ng tingin niya sakin, pinagbantaan pa niya ako na kaya niya akong iwanan, hindi ko sila kayang buhayin sa maliit kong sweldo. Almost 8yrs na kasi siya sa BPO, at ako bago palang mag 3yrs sa Car Dealership Company. Ang laki ng agwat ng aming sahod. Nasa 20k+ ang sinasahud niya samantala ako, nasa 13k ang buwanan. Ang laki laki ng pinagbago niya simula nalipat siya sa bagong posisyon at bagong team. Wala na akong silbi sa kanya, parang hindi na ako parte ng buhay niya. Hindi na nga siya humingi ng tulong sakin di tulad ng dati. Para akong kasambahay na taga luto, taga laba, taga alaga ng anak namin. Samantala, paguwi niya galing trabaho, matutulog, tapos pag gising kumain at going to work. Ako paguwi ko galing trabaho, ako ang mamroblema anong lulutuin kasi ang choosy niya sa kung anong uulamin, mag alaga ng bata at pakainin, at ano ano pa pagawa niya sakin. Ako pala ang gagastos sa lulutuin everyday at sa konsumo na bigas namin every week. Tas minsan pinagtatawanan pa niya ako kasi kulang lang daw sahod ko sa isang kinsena para umabot sa sunod na sahuran kasi umuutang pa ako sa kanya para lang may ipapakain sa kanila at may matitira pang perang umabot sa next sahod ko. Actually Tinipid ko hanggat makakaya ang sahod ko para lang may ipapakain ko sa kanila. Hindi na ko nagko-commute papuntang trabaho kasi nilalakad ko nalang araw2 vice versa nakakapagod. Hindi na ako bumibili ng pagkain sa canteen kasi may baon na man ako galing bahay. Kaya ngayon, masyadong baba na ang tingin ko sa sarili ko dahil sa kanya.
Minsan napatanong ako sa sarili ko, ano pa ba ang silbi ko sa pamilya namin? At sa kanya? Bat pinagbantaan niya ako na kaya niya akong iwan?
Minsan napatanong ako sa sarili ko, ano pa ba ang silbi ko sa pamilya namin? At sa kanya? Bat pinagbantaan niya ako na kaya niya akong iwan?