M msstar Forum Veteran Joined Mar 10, 2016 Posts 2,869 Reaction 1,430 Points 930 Nov 30, 2017 #1 Paano na? Paano na? Paano kung wala na? Lahat ng saya Lahat ng pagsinta. Gusto kong maniwala Kailanma'y hindi ka mawawala Pero walang nakakaalam sa bawat nakatala Kung kaya ako ri'y nababahala Kaya aking gagawin Habang kasama, ikaw ang mamahalin Hindi ko alam kung mananatiling akin O kung kailan mo ako lilisanin. Hindi ko maisip, kay hirap mabatid Paano nga ba kung maputol ating lubid? Kakayanin mo ba? O kakayanin ko ba? Magiging katapusan sa ating dalawa. Paano nga ba? Paano ba? Hangga't kaya mo, ipaglaban mo pa Hindi habang buhay ay kanya ka At hindi habang buhay kasama mo sya. Wag mo na akong gayahin Mahirap mabalot sa "anong gagawin"? Baka kakaisip hindi na mapansin Ang lahat ng nasimulan matapos sa "paano na?" lang din.
Paano na? Paano na? Paano kung wala na? Lahat ng saya Lahat ng pagsinta. Gusto kong maniwala Kailanma'y hindi ka mawawala Pero walang nakakaalam sa bawat nakatala Kung kaya ako ri'y nababahala Kaya aking gagawin Habang kasama, ikaw ang mamahalin Hindi ko alam kung mananatiling akin O kung kailan mo ako lilisanin. Hindi ko maisip, kay hirap mabatid Paano nga ba kung maputol ating lubid? Kakayanin mo ba? O kakayanin ko ba? Magiging katapusan sa ating dalawa. Paano nga ba? Paano ba? Hangga't kaya mo, ipaglaban mo pa Hindi habang buhay ay kanya ka At hindi habang buhay kasama mo sya. Wag mo na akong gayahin Mahirap mabalot sa "anong gagawin"? Baka kakaisip hindi na mapansin Ang lahat ng nasimulan matapos sa "paano na?" lang din.