- Joined
- Jun 18, 2020
- Posts
- 2,572
- Reaction
- 3,417
- Points
- 895
Salamat sa pag bisita sa thread ko kaibigan. sa mga kaibigan ko dito sa phc hihingi sana ako ng payo na mula sa puso tungkol sa pag amin ng nararamdaman.
so the story goes like this,
Meron akong katrabaho, maganda sya. yung tipo na hindi nakakasawa kahit titigan mo ng matagal. sa madaling salita, simple. hindi katabaan hindi din ganun katangkaran. mabait at napakalambing kung magsalita na tipong kahit anong sabihin nyapapayag ka nalang. halos sabay kaming pumasok sa kumpanya. siguro nauna lang ako ng isa o dalawang linggo. nung una parang oo maganda sya, pero hindi ko masyado pinansin ang kanyang simpleng kagandahan at natatangi nyang kabaitan. hanggang sa hindi ko napapansin ang sarili ko na napapatitig ako sa tuwing makikita at dadaan sya. titig na purong katapatan lang at walang halong kasamaan. hindi ako sigurado at hindi ko din maamin sa sarili ko na gusto ko na sya. sa kadahilanang baka kung anong masabi ng mga tao, saka iniisip ko din dahil nasa middle class ang pamilya nila at galing sya sa isang prestihiyosong unibersidad. samantalang ako ay galing lamang sa isang unibersidad sa aming probinsya. wala sya kaideideya na gusto ko sya pagdating kasi sa opisina medyo sinusupladuhan ko at di pinapansin masyado syempre para hindi halata. haha iniisip ko din dati na pano kung kami nga then kung saan kami mag fofor good. mas gusto ko sana kasi na tumira sa lupang sinilangan ko sa probinsya kung saan namulat yung kamalayan ko. isang taon ko pinag isipan lahat. pero ngayon sigurado na ako. dito man o sa probinsya, hindi na mahalaga. basta makasama ko yung babaeng minsan kong pinangarap. at naniniwala ako ng walang nagkataon lang. lahat nakasulat na at nakatakda nang mangyare.
kung nakaabot ka man dito kaibigan, salamat sa pagbabasa. ngayon ay humuhingi ako ng opinyon at payo nyo kung paano ko sisimulan ilahad sakanya ang nararamdaman ko. hindi ko naman po first time pero sa tagal nang pagiging single at nung sinubukan manligaw ay nabigo. kaya medyo nakakababa ng self confidence. may ideya naman ako kung paano ngunit gusto ko lang marinig ang opinyon ng mga kaibigan ko dito sa phc.