What's new

Hihingi sana ako ng mga payo sainyo. about... confession

WhiteLancelot

Forum Veteran
Joined
Jun 18, 2020
Posts
2,570
Reaction
3,413
Points
895
Salamat sa pag bisita sa thread ko kaibigan. sa mga kaibigan ko dito sa phc hihingi sana ako ng payo na mula sa puso tungkol sa pag amin ng nararamdaman.
so the story goes like this,

Meron akong katrabaho, maganda sya. yung tipo na hindi nakakasawa kahit titigan mo ng matagal. sa madaling salita, simple. hindi katabaan hindi din ganun katangkaran. mabait at napakalambing kung magsalita na tipong kahit anong sabihin nyapapayag ka nalang. halos sabay kaming pumasok sa kumpanya. siguro nauna lang ako ng isa o dalawang linggo. nung una parang oo maganda sya, pero hindi ko masyado pinansin ang kanyang simpleng kagandahan at natatangi nyang kabaitan. hanggang sa hindi ko napapansin ang sarili ko na napapatitig ako sa tuwing makikita at dadaan sya. titig na purong katapatan lang at walang halong kasamaan. hindi ako sigurado at hindi ko din maamin sa sarili ko na gusto ko na sya. sa kadahilanang baka kung anong masabi ng mga tao, saka iniisip ko din dahil nasa middle class ang pamilya nila at galing sya sa isang prestihiyosong unibersidad. samantalang ako ay galing lamang sa isang unibersidad sa aming probinsya. wala sya kaideideya na gusto ko sya pagdating kasi sa opisina medyo sinusupladuhan ko at di pinapansin masyado syempre para hindi halata. haha iniisip ko din dati na pano kung kami nga then kung saan kami mag fofor good. mas gusto ko sana kasi na tumira sa lupang sinilangan ko sa probinsya kung saan namulat yung kamalayan ko. isang taon ko pinag isipan lahat. pero ngayon sigurado na ako. dito man o sa probinsya, hindi na mahalaga. basta makasama ko yung babaeng minsan kong pinangarap. at naniniwala ako ng walang nagkataon lang. lahat nakasulat na at nakatakda nang mangyare.
kung nakaabot ka man dito kaibigan, salamat sa pagbabasa. ngayon ay humuhingi ako ng opinyon at payo nyo kung paano ko sisimulan ilahad sakanya ang nararamdaman ko. hindi ko naman po first time pero sa tagal nang pagiging single at nung sinubukan manligaw ay nabigo. kaya medyo nakakababa ng self confidence. may ideya naman ako kung paano ngunit gusto ko lang marinig ang opinyon ng mga kaibigan ko dito sa phc. :)
 
Kaibiganin mo muna siya, TS. Nagsu-suplado ka pala sa kanya. Hahaha. Tapos huwag mong biglain ang confession mo. Nag-uusap ba kayo or hindi? Kasi baka mabigla din siya kung mag-confess ka agad, kilalanin mo muna baka may jowa na rin siya tapos hindi mo lang alam. Hahahaha. Pero if comfortable na kayo sa isa't isa, saka mo na sabihin sa kanya na may gusto ka sa kanya. Tapos saka na ninyo pag-usapan ang hinaharap pag okay na kayo sa present. 😁
 
dito papasok ts ung sense of humor mo at bilang isang manliligaw. siyempre sa una try to establish rapport muna sknya. kung ikaw e suplado sknya, unti untiin mo ng maging nice sknya. dapat malaman mo kung ano un mga gusto niya at the same time weaknesses sa part niya. pano? siyempre sesegweyan mo siya ng mga linyahan mo. at dapat wag bababa ang self confidence mo kasi manliligaw ka eh.

i suggest mas maaga mo siya gagawin, mas maganda.. tandaan mo hindi lang ikaw ang lalaki jan sa company niyo.. goodluck ts, and always pray first sa lahat ng mga bagay na gagawin mo.
 
Actually magkaibigan naman kami paps. hindi nga lang kami ganun kaclose. alam ko naman na wala syang jowa. alam ko din naman kasi mga taste nya sa mga guy. madami din nagkakagusto sakanya e. pero alam ko wala naman papasa sakanila. haha bihira din kami makapag usap. haha
 
[XX='WhiteLancelot, c: 1320470, m: 1732905'][/XX] Sa tingin mo papasa ka sa kanya? Akala ko di kayo nagkakausap kasi nagsu-suplado ka lang. Hehehe
 
[XX='jncndlcpa, c: 1320472, m: 1832526'][/XX] nag uusap naman paps kaso hindi madalas hehe. sa tingin ko naman oo? buhat bangko na. haha siguro pasado naman na mga qualifications ko.
 
oo paps hindi nga lang ako. meron yung same dept nya tas madalas sila mag usap may gusto yun sakanya. pero tingin ko wala lang naman yun. may tiwala ako sakanya haha
 
maging malapit ka muna sa kanya ts gaya nga ng sinabi mo na sinusupladuhan mo sya..baguhin mo yung pakikitungo mo sa kanya paramdam mo muna na gusto mo sya pero wag mo sasabihin directly na gusto mo sya...bilisan mo lang ts baka mabingwit pa ng iba yan...update mo kami ha
 
Dina down mo pa sarili mo eh. Kase middle class sya samantalang ako blah blah blah. Wag negative mindset paps.
Wala naman mawawala sayo pag nag confess ka eh. Mas maganda kung mas maaga pero need pa talaga ng closure para maka confess ka sa kanya. Syempre need mo ng date o dapat merong pagkakataon na masolo mo sya. At jan ka mag aamin. Wag ka matakot sa rejection. Ang katakutan mo ay dun kapa nag confess na meron na syang bf. O nag aksaya ka pa ng panahon pero in the end rejected ka 😁👌 Easy lang yan paps
 
Pangitiin mo lang araw-araw paps, ang babae pag alam nilang napapasaya sila ng lalaki may possiblity na mahulog yan, hindi na hadlang sa kanila kung san ka nang galing, ano itsura mo or mahirap ka. Pag napasaya mo sila may possibility na manalo ka at makuha mo damdamin nya.
 
oo paps. nag aantay lang din talaga ako ng maganda gandang pagkakataon. hirap kasi yung out of nowhere lang na sasabihin basta basta.
 
Parang hindi ka lalake pre. Kung ako yan eh iimbitahin ko nayan mag date. Kahit streetfoods lang sa tabi o manood ng netflix sa bahay. Aminin mo na habang maaga pa. Kung may pagkakataon kayo mag usap grab mo na ang oppurtunity without being creepy. Anong prob sa "June foodtrip tayo o netflix sa bahay.May pets rin ako doon alam ko pet lover ka rin."Ayan yung line ko eh nung nag confess ako at sinagot ako hahahaha. Walang timing timing jan pre. Aabutin pa ng buwan? Taon bago ka mag confess? Tapos nalaman mo may bf na pala? Better to be rejected early kesa yung inaaksaya mo yung panahon mo pag fa fantasize sa kanya.
 
before confessing something else you need to accept the fact that there's 2 possible result it either she will accept you or she will reject you, and as a guy i've been with girl or women what i observe is iparamdam mo sa kanya yung gusto mo iparamdam like gusto mo sya wag mo bibiglain kase para sakin mas malaki ung chance na i reject ka lalo na hindi mo ata sure kung ano ung background nya if ever meron nan liligaw sa kanya or wala pag tapos mo iparamdam at close na kayo mag usap kayo ayain mo sya for dinner maganda yung hindi masyado mahal kasi baka ma intimidate sya ung tama lng then tell her kung gaano mo sya ka gusto then ready mo sarili mo sa possible outcome kapg inaccept ka nya then good for you balato hahah jk kapag reject naman accept is as a blessing malay mo may much better women para sayo.
 
Back
Top