What's new

Help! Shortness of breathe

Nagkaganyan din ako nung 2019 nagpacheck up ako sa doctor sabi nya heart asthma daw tapos binigyan nya ako ng gamot na sinliit lang ng anti *******cy pill pero heart shape sya,tas ayon nawala na,masakit sa ****** yang ganyan
 
Heto payo ko sa mga tulad mo na may hika. Nagpatingin ka na pala sa duktor. Normally, sensitive ang may asthma sa maraming bagay like allergens and allergic triggers tulad ng alikabok, dust mites, balahibo ng hayop, pagbabago ng panahon, sobrang pag-ehersisyo na di kaya ng iyong katawan, atbp. Alamin mo kung ano ang mga bagay na dapat mong iwasan o bawasan para di ka kapusin sa paghinga. Kaya ka binigyan ng inhaler to suppress your shortness of breath when you least expected - as maintenance. Walang natural cure ang asthma, kaya treatment lang ang iyong kailangan to control the symptoms. Kaya ibayong disiplina ang kailangan mo to limit the attack. Mag-umpisa kang gumawa ng iyong action plan (together with your trusted doctor) para sa iyong lingering problem na di natin alam kung kailan lilitaw at mawawala. Iba-iba kasi ang antas ng epekto ng asthma sa katawan ng bawat taong meron nito. Merong malala, at meron namang hindi. Meron din habambuhay at merong temporary lang. Sana ay temporary lang, kaya best is know what's good and bad for you - simple!

This is based on my experience with my 2 brothers and 2 sisters. Yung isang brother ko dyan ang lifetime na yung sakit pero he managed it thru proper medication ang healthy lifestyle. The rest only experience dyspnea once in a blue moon. I think your doctor will agree with me 100%.

That's it.
 
Hi same to sakin nag pa check up din Ako sa doktor dahil sa hirap pag hinga
Nag pa check up Ako na merong ubo na di mawala Wala at nahihirapan huminga Lalo pag nag umpisa na ubo ko sumasabay to sa allergy rhinitis ko once na mag bahing bahing na Ako susunod na pag ubo ubo ko na may plema na kulay white na tumatalsik sa bibig ko. Ang ginawa Ng doktor ay check lang tru stethoscope walang x-ray na ginawa nag reseta Ng nasal spray na may steroids at inhaler na pagka mahal 700+ Lalo na Ang spray 🥲 2019 ko pa nararanasan Yung allergy right rhinitis ko na sinasabayan minsan Ng pag ubo kaya kinakapos Ng pag hinga Ang hirap sobra pag umoobo Ako tuloy tuloy tapos nag didilim na paningin ko kaka ubo at nahihilo minsan mawawalan pa Ako Malay 😭 tataka lang Ako walang ni reseta gamot pang ubo Ang nakikita nila ay dahil sa allergies daw Yung ubo ko medyo nakakainis lang dapat Kasi talaga may ginawa silang pag x-ray para lalong Makita dahilan.
Since 2019 pa Ako laging puyat dahil sa sakit ko Isa sa dahilan kaya di Ako nag tatagal sa trabaho last week lang din Ako nag start mag inhaler nakakalungkot lang di ko na naranasan huminga Ng maluwag at maayos.

Kamusta kana? Yung Sayo ok naba?
 
Naku. Ang normal way to maintain health is to do an annual physical and medical exam lalo pa kung parati kayong may nararamdamang sakit, like x-ray, blood tests, urine tests, BMI, disease screening, etc.. Consult your doctor for the possible tests you need. Ako, taun-taon may x-ray, blood at urine tests kahit wala akong nararamdaman. Gawin ninyong regular health exams and tests yan para sa sarili ninyo. You need it as you grow older.
Ang norm kung hindi kayo satisfied sa analysis at prescription ng duktor is find another one for 2nd or third opinion hanggang makuha na yung solusyon sa sakit ninyo. ASAP yan, hindi kung malala na.
Ang mga steroid inhalers ay ginagamit para makahinga kayo ng maluwag especially doon sa mga may asthma attacks o hirap huminga or kung ang prognosis ng duktor is chronic obstructive pulmonary disease (COPD) flares. Lung related yan na makikita rin sa x-ray/ct scan kung kinakailangan. Kung magaling yung duktor, stethoscope lang kuha na nya yan. May time na inaatake din ako nyan sa sobrang paninigarilyo or some respiratory allergy. Wala yang cure maging ang asthma. Maintenance lang thru meds during random attacks. Kung long-term na yan seek advice agad. Baka makuha sa oxygen therapy or surgery.
Mahirap ang ubo ng ubo. Kaya tayo halos manghihimatay ay dahil nawawalan ng dugo yung ating brain during this event. It's a natural thing to happen, kaya huwag ninyong patagalin or else magkaroon kayo ng complications.
 

Similar threads

Back
Top