What's new

Help Help sa sakit na nerbyos

Supalpal

Forum Veteran
Ang hirap talaga, kapag may ganitong sakit, dati wala naman ito. Ngayon lang nangyari.
Lagi ako inaatake ng nerbyos, hindi naman madalas. Peru pag dumadalaw na naman, grabi hindi ako makahinga ng maayos, lahat ng katawan ko nanghihina at sinasabayan ng antok na parang gusto ko itulog, hindi ko ginawa matulog dahil alam ko kahihonatnan nito. Baka hindi na ako magising.
Naalala ko pa dati yung nakaraang buwan ata yun yung dinalaw na naman ako, halos hindi na ako makapagsalita nanghihina na talaga katawan ko, parang matutumba na ako, hindi ko alam baka himatyin ako o baka mamatay na,, kaya nilabanan ko kinalma ko sarili ko, dahil pag sinabayan ko ng panic. TAPOS AKO. kaya naisipan kong lumabas ng bahay. Upang libangin ang sarili ko. Upang kumalma ang isip ko. Ayon effective naman. Hanggang paunti unti nagiging normal na... ,Ang tanging alam ko lang na paraan para labanan ito, maghanap ng libangan at mag inom ng maligamgam na tubig.. effective po yan sa may mga nerbyos... Patulong din po kung may ibang way pa para labanan ito at paano mawala ito...salamat.
 
iwas ka sa kape, wag ka magpapagutom. think positive lang always yung tipong masaya ka, wag magiisip ng kung ano-ano, punta ka sa lugar na ikaw lang magisa like dagat. Unwind lang katapat nyan.
 
mukhang provided lahat ng needs mo kaya wala ka ng ibang pinagkakaabalahan, subukan mong mag stand on your own para wala ka na time sa mga ganyan
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top