Normal lang po ba sa laptop nang uminit ng sobra kapag continous na ginagamit, like playing valorant? Medyo luma na rin naman kasi tong laptop ko, 2014 hp model po yung laptop ko. Any tips at suggestion naman po.
Yes po, normal na normal yong mag iinit kahit anong electronics naman po mag iinit pag matagal ginagamit. Ang tips ko lang ay wag mo ikulob yong fan nong laptop mo kasi may tendency na mag overheat yong board at pahingahan mo kahit 1-2 hours lang.
Normal lang yan pero you should consider na baka yung init na nilalabas nyan ay mas mainit dahil kung 2014 pa yang laptop mo at hindi pa nabubuksan kahit minsan ay posibleng puro alikabhok na yung fan nyan at hindi pa napapalitan yung thermal paste ng processor mo depende na rin sa kung gaano ka kabigat gumamit ng laptop mo
Palinis mo laptop mo sir, possible na puno na ng alikabok loob ng laptop mo di na maka circulate ng maayos hangin kaya nagoover heat, tska baka palitin na thermal paste nyan
kung 2014 payang laptop mo, better have it check and have the cooling elements cleaned. baka madumi na yun cooling fins, di na maka passthrough ng maayos yun hangin kaya ineffective na pag dissipate ng heat kaya umiinit maxado yun laptop mo. mag lagay ka din temp monitor app sa laptop mo.