What's new

Help Hassle mag apply (hassle din pamilya ko) stressed sa buhay

arsenal1205

Intel® Xeon® Gold
Contributor
may nag post na nitong same title ng thread pero ito naman ang version ko. halos kasama na ako sa mga walang trabaho noong 2020 pandemic (former LGU employee) hanggang ngayon kasama narin ang ka-PHC ko rito na walang work. TARA EB TAYO MGA JABLESS HAHAHA

since january 2020 ako walang work. halos isang taon na. this is my first time na walang work ng halos 1 year na! kaya nabahala na ang aking mga "toxic" na kapatid pati na rin nanay ko pinupush akong mag kawork.

sa mga sumusabaybay sa threads ko alam ninyong may naranasan akong fake recruiter sa fb group ng mga online jobs hanapan. nag send pa ako ng resume desedidong mag karoon na ng work bilang encoder, anong nangyari? ang binigay lang sakin eh yung potangenang .xyz site na crypto bullshet something na scam site!!! Nasakanya pa ang resume ko kaya nabahala ako kung anong gagawin niya sa resume ko?! baka iimpersonate ako online. wala namang nangarying impersonation o kahit anong masama sakin ang nasakanya lang naman email, number ko, pati na rin pangalan ko. but still im worried.


halos nanay ko pati na rin mga kapatid ko (na toxic at dagdag stress sa buhay) pinipilit na mag katrabaho ako kahit nag aaply apply na rin wala paring tumatawag sa cp ko. ang dami ko narin inapplyan mga nakaraang jobfairs sa site na ito:
1625022656233.png

sayang yung LBC. unqualified daw ako. 😖 😖 LBC. WE LIKE TO MOVE YOUR LIFE FULL IN MISERY. HARI NG PADALA SA BUHAY NG KALUNGUTAN.

ito yung site na mga You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. meron pa naman nitong july 6. IDK kung may makahuli sakin na company na gusto nila akong ipasok.


maitatanong mo bakit nakakastress ang nanay ko pati na rin mga kapatid ko? dahil ito ang mga reasons nila sakin:

  • matanda na daw ako. (i'm 26 years old malapit lapit na rin mag trenta kaya ayun.) sabi nila MAHIRAP NA DAW MAKAHANAP NG TRABAHO PAG NASA THIRTY'S KA NA. TAMA BA YUN? WALANG TATANGGAP NA COMPANY SAYO NA 30+ YEARS OLD KA NA? I am not sure kung totoo itong sinabi nila, pero i believe na kahit more than 30's makakahanap at makakapasok ka parin sa work na inaplyan mo. Kayo ba mga ka-PHC can you confim na bawal na makapasok ang mga more than 30 years old na nag aaply sa isang companya? drop your comments below.

  • nasa ibang bansa ang mga kapatid ko. MAY possiblity na makuha magulang ko sa ibang bansa. so siyempre sabihin nyo na "bakit di ka na lang mag pakuha sa mga kapatid mo" same din pag nag kuwento ako sa mga kaibigan at sa mga ibang taong nakasama ko. at siyempre maiiwan lang ako dito kasi hindi na ako mabata bata pa para makuha lang dun as simple ngkapatid o kamaganak doon. so siyempre maiiwan ako dito at mag ooverthinking sila na "paano sa si...doon"?... need ng work para sa ipon at makapasok dun.. na wala pa sa ngayon.

  • senior citizens na ang mga parents ko. matanda na sila in short. (nasa 60s na ang age nila.) nanay ko mag 60 pa lang next year. mas overthinking ang nanay ko kasi nasa stage na sila na puede na silang mamatay. lalo na wala akong work. naiistress siya sakin kasi lagi nasa utak niya "paano mabubuhay si... pag namatay na kami.." ganun. mas istress naman ako dahil nag ooverthinking ako na walang trabaho parin na lumalaipt sakin kahit apply na ng apply.

  • they are pusing more on online jobs. AGAIN. AND AGAIN. TUWING PAGUUSAPAN NILA AKO sa mga video chat nila iyan ang suhesyon ng ate ko. di ko favor yang online jobs kasi di ako qualified. nahirapan na nga ako sa remotask kahit sa mga assessments na putangena yan. kaya ITS A BIG NO PAG DATING SA ONLINE JOBS. SABI PA NG ATE KO KANINA " bakit hindi ka mag virual assistant" etc. ganun ganun. sana naman may isang serbisyo na tutulong sayo (FIXER?) makapasok sa isang online job application na may ibang tao na gagawa ng mga assessments sayo at pag nakapasa ibibigay na sayo yung trabaho para makapagsimula ka na.. MERON KAYANG GANUN? KAHIT MAG BABAYAD NA LANG AKO SA TIGA SAGOT NG MGA EXAMS DUN HEHEH. SANA MERON.

  • Kuya ko ganun din ang mentality. "matanda na ikaw. magtrabaho ka na." kaya di ako nag pa pakita sa mga video chats nila sa messenger or whatsapp. iyan lang ang tanging comuunication nila para makapiling ang mga "toxic" nilang anak sa ibang bansa. or para makita nila ang mga kanilang apo. wala pa akong maibigay na apo sa kanila. ako lang ang tanging walang asawa at anak sa kanila. pati na rin... DRUMROLL... TRABAHO SINCE 2020.

  • WALANG NATAWAG NIISANG KUMPANYA SAKIN. NAKITA NYO NAMAN na kung paano ako nireject ni LBC kanina sa screenshot bilang support? wala pang interview nireject agad! kahit yung mga inaplyan ko na before wala akong narinig sa kanila. sobrang tahimik ng CP ko ang tanging natawag lang sa CP ko eh ang nanay ko pag nasa labas ako ng bahay. kaka stress diba?

  • HINDI MAKAINTAY NG DARATING NA PAG ASA. Malapit lapit na ang halalan sa susunod na taon. bagong mayor uli sa amin. kaya may chance ako makabalik sa LGU na pinasukan ko noong 2018. Pero matagal pa nag kaunti kahit ako rin natatagalan. Pero sa kasamaang palad hindi ko pa alam kung anong strategy para kumapit sa tatakbong mayor o suporta para makapasok uli sa work na I have always loved and wanted.

o baka nga nag kalat ng masamang balita sa mga companya na huwag akong tatanggapin sa kanila ng sinendang ko na resume last year para sa encoder yun pala sa katapusan yung poutanginang .xyz? kung talagang ginawa niya yun MAG SUICIDE NA TALAGA AKO. dahil sinayang niya ang pagkatao ko. 😫


kaya sa mga followers ko, napansin nyo na walang dumarating na ayuda dahil masyadong stressfull ako sa buhay. Pati sa telegram na sinalhan ko naiistress at inggit lang ang naabot dun pa flex flex pa ng paypal na nahit galing sa ibang tao tapos ipambili mo lang ng maganda gandang spec na PC?! SANA ALL. tapos pag tuturuan at hihingi ng tulong pag dadamutan lang dahil "ρáíd" daw yung config. KAYA DI NA KO BUMALIK SA GC NILA.

necromancer-ninyo-pagod-.png


malaking pasasalamat sa mga contributors (HINDI PHC HA?! 😅) sa gobyerno sa pag lala ng covid pandemic (ahem!) hulot dulot sa pagbagsak ng mga trabaho ng lahat ng Pilipino. Ginusto nila iyun? Halos ibang bansa unti unting bumabangon as early as last year tulad ng Vietnam.
 

Attachments

i feel you bro, alam ko mga pinagdaanan mo, pero wag kang susuko sa buhay, darating din yung tamang panahon para maka ahon din tayo, sobrang hirap din maka hanap ng trabaho ngayon dahil dito sa pandemic na ito, dahil kung hindi nag bawas ng empleyado ang mga kompanya ay ginagawang skeletal ang mga duties ng kanilang mga empleyado, matagal na din sana akong umalis dito sa work ko kaso wala pang nahahanap na ibang work kaya tiis na lang muna
 
i feel you paps ganang ganan din ako hirap na ako makahanap ng work minsan nga kakapanuod ko ng isekai anime sana pag namatay ako mapunta ako sa ibang mundo mga ganung bagay na naiisip ko pero hindi ako nawalan ng pag asa nag kawork ako paps kahit below minimum ang sahod okey lang atleast may work na
 
no offense sayo ts, but I'd say yung (mga) kapatid mo... is/are assholes just like mine, yun bang tipong dakdak lang ng dakdak like "you should do this, you should do that" at ako naman eh "t4n****nyo! kayo ang naka-isip then kayo ang gumawa" yun bang tipong dada lang ng dada hindi rin naman nakakatulong samantalang sila ang nasa posisyon na makatulong

totoo yung about mahirap maghanap ng work kapag 30 and up ka na pero hindi rin naman lahat, kung sa BPO pa eh kahit senior citizen ka na basta kaya mo eh pwede ka matanggap

but all in all my dear ts... buhay kapa, buhay pa kayo at nakakaraos din diba? so what's the rush and what's the big fuss?
 
yes for me ok to, ganun din ako noon kahit na mababa ang sahod basta meron lang matwag na trabaho, actually nag umpisa ako sa sahod na 130-150 ata yun 8 hours na tayuan din yun pero tiniis ko para lang may matawag na trabaho at masahod
 
[XX='ICE Coffee, c: 1331569, m: 1620315'][/XX] salamat sir mahirAP mawalan ng work lalo pag 2 na anak mo nakakapanghina nakakadepress pero sabi nga nila wag daw mawalan ng pag asa subok lang ng subok
 
[XX='eureka0929, c: 1331583, m: 1048094'][/XX] yes agree ako sayo jan, sige lang ng sige para may maihain sa lamesa, kahit na hirap ka na at kulang ang sinasahod sige lang para sa pamilya dahil mas masakit makita na walang makain ang pamilya mo :)
 
i feel you. same ng problema pero magkaiba ng sitwasyon. my mom died back in year 2012 and sumunod naman 'yung lola ko na nagpalaki ko nung year 2017. daming problema, hanggang sa naapektuhan na 'yung pag-aaral ako. actually nakakasunod naman ako sa lessons, nakakaperfect at mataas ang score sa quizzes pero bagsak dahil sa attendance. napaliwanag ko sa teacher ko 'yung situation ko that time. i thought s'yan'yung makakaintindi sa'kin pero 'di. "wala 'kong paki, problema ko ba 'yan?" 'yang 'yung word na mas lalong nagpababa sa'kin. then ilang araw lang, na dropped out na 'ko. next school year, nag aral ulit ako. pero mukhang malas 'ata ako sa teacher na napupuntahan ko. simula non nawalan ako ng gana mag aral. then i worked as a part-timer, ta's naisipan ko na maghanap ng full time job which is very difficult for me kase 'di ko natapos junior high ko. grabe 'yung mental-breakdown at anxiety ko gabi-gabi. nag attempt din ako na mag pakamatay pero 'di ko kaya. napepressure ako sa mga taong finoforce ako na magtrabaho. btw, buhay pa 'yung papa ko. pero nung namatay 'yunh mama ko, nakalimutan n'ya na responsibilidad n'ya sa'min. parang namatayan din s'ya ng anak. ngayon nagcocomplete ako ng requirements, then magtatry ako ulit. sa ngayon, kumukuha ako ng lakas ng loob sa jowa ko. ginagawa ko lahat, kase ayokong humarap sa family n'ya ng wala akong trabaho. wala na nga 'kong maayos na pamilya, wala pa 'kong trabaho.
 
mas mabuting mag tiis kaysa walang trabaho paps. payo ko na lang sayo yun. nag sisising dapat di ako umalis noon sa department ko sa cityhall sa amin. Di ko inexpect na mauuwi lang ito sa mas malalang sitwasyon ngayon..dapat pala mag tiis ako noon sa department ko. ito na ang pinakamalaking maling nagawa ko sa buong buhay ko. feeling ko parang namatayan ako ng taong pinaka importante sa buhay.
 
Wag susuko idol, kuya ko nga undergrad kaya hirap din siya humanap ng trabaho dati, halos lahat ng trabahong pinasukan niya di siya tumatagal dahil undergrad siya pero salamat sa Diyos dahil nakahanap siya ng stable na trabaho ngayon kahit undergrad siya, kaya idol wag ka sumuko kasi may plano ang Diyos sa bawat isa saatin.

Panget din sistema sa Pin4s haha Ang baba ng Job salary pero ang taas ng qualifications (not all companies) tas pag kukuha ka valid ID yung requirements is valid ID din HAHAHA
 
gabi gabi na nga kami nag daadasal nag rorosaryo pa lods.. always think positive naman pero nagiging negative nang paguusapan na ng mga kapatid ang jobless status ko. lalo naman sa nanay ko. pero lumalaban lang kung ano ang makakaya. 💪
 
[XX='arsenal1205, c: 1331760, m: 1107779'][/XX] yun na nga ginagawa ko, nag titiis ako habang wala pang ibang work na mahanap, di bale try lang ng try paps makakahanap ka din, alam ko kung gaano na katagal yan problem mo sa trabaho
 
I feel you paps. 🤗 halos magkasing edad tayo lods. at kaparehas pa ng nararamdaman at situwasyon. may naiiaambag naman ako sa kanila noon pero di kasing laki ng nagawa na ng mga kapatid ko. gusto ko na nga rin mag kaanak na pero di sa ngayon. iniisip ko rin na sana mag kaanak na ako bago pa silang mamatay. pero priorotity ko muna mag katrabaho at maging financially stable sa buhay..
 
iyun nga ih di ko na realize kasi na nung nag palipat ako ng department na hulot dulot tanggal sa serbisyo ang katapusan. maraming nag hahanap ng ganitong trabaho at mahirap nang mag hanap. kahit makapasok sa company na mababa pag pasahod ayos lang sakin.
 
Lahat tayo ay dumadanas ng crisis ngaun marami sa atin ang nawalan ng hanap buhay. Ganun pa man mas maigi ng humanap tayo ng pagkakakitaan habang nasa bahay lang. Maging positibo ang ating pag iisip wag tayo mag isip ng makakasira o makaka disapointed sa ating buhay. Think positive lang tayo kapatid at samahan ng dasal.
 
so what's the rush and what's the big fuss?
nakakaraos din kasi mga kapatid ko most likely yung ate ko ang nag bibigay sa amin ng pagkain at ibang pang pangagangailangan. in short pera padala. kaya since 2020 na walag work ang gusto nila na ako naman ang mag ambag ng mga lahat ng pangangalang namin dito. at isa pa. mga ilang taon na lang 30 na ako. 😖

totoo yung about mahirap maghanap ng work kapag 30 and up ka na pero hindi rin naman lahat, kung sa BPO pa eh kahit senior citizen ka na basta kaya mo eh pwede ka matanggap
masakit pala na totoo iyun kasi ito ang PINAKA REASON nila na bakit nimamadali akong mag ka work agad. yung tatay ko tried applying sa ACADSOC bilang online teacher di natanggap kasi malapit na rin mag 70 siya. pero sana naman wag limitahan ang pag apply due to age of 30+. marami din na jobless na more than 30 years old.

(mga) kapatid mo... is/are assholes just like mine, yun bang tipong dakdak lang ng dakdak like "you should do this, you should do that" at ako naman eh "t4n****nyo! kayo ang naka-isip then kayo ang gumawa" yun bang tipong dada lang ng dada hindi rin naman nakakatulong samantalang sila ang nasa posisyon na makatulong
yes ganyan na ganyan ugali nila pag naging HOT SEAT TOPIC ako. noong nandito pa yung kuya ko noong lang last january-feb nitong taon, parang feeling ko ang sama ng pasok nitong taon. noong nag tatalo kami ng kuya ko noon halos maiyak na nanay ko dahil paano naman ako na maiiwan ka lang dito mag isa pag namatay na kami ng tatay mo...

same din sa ate ko noon last december 8 sama ng gising at araw ko noon na naging hot seat topic ako bilang jobless.

kaya IWAS AKO LAGI SA VIDEO CHAT NILANG MAG KAKAPATID tumatawag kasi sila para tingnan yung mga anak nila sa magulang (ko) nila na nandito sa pinas. sumsilp lang din minsan sa kanila.
 

Similar threads

Back
Top