What's new

Closed Hangaan ang Disenyo; Kilalanin ang Disenyador

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,217
Points
2,570
MALAMANG na narinig mo na ang pangalang Michelangelo, isang Italyanong pintor at eskultor. Wala ka pa sigurong nakikitang orihinal niyang obra-maestra, pero malamang na sasang-ayon ka sa isang istoryador ng sining na nagsabing ang henyong ito ng Italya ay isang “kahanga-hanga at walang-kaparis na alagad ng sining.” Hindi nga maikakaila ang talento ni Michelangelo. Hahangaan ba natin ang mga obra-maestra ni Michelangelo at kasabay nito’y ikakaila na isa siyang napakagaling na alagad ng sining?


Pag-isipan naman natin ngayon ang kagila-gilalas na pagkamasalimuot at pagkakasari-sari ng mga bagay na nabubuhay sa lupa. Angkop lamang na sipiin ng The New York Times ang sinabi ng isang propesor sa biyolohiya: “Makikita ang ebidensiya ng disenyo sa iba’t ibang aspekto ng biyolohiya.” Dagdag pa niya: “Napakarami nating nakikitang disenyo sa mga nabubuhay na bagay.” Makatuwiran bang hangaan ang disenyo pero ikinakaila naman ang disenyador nito?


Binanggit ng mapagmasid na si apostol Pablo ang tungkol sa mga ‘sumamba at naglingkod sa mga bagay na nilalang sa halip na sa Lumalang.’ (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino) Palibhasa’y naimpluwensiyahan ng laganap na mga ideya tungkol sa ebolusyon, ayaw nang kilalanin o hindi nauunawaan ng ilan na ang disenyo ay katibayan na may disenyador. Pero tunay na siyensiya nga ba ang ebolusyon? Pansinin ang konklusyon ni Christoph Schönborn, arsobispong Katoliko sa Vienna, na inilathala sa The New York Times: “Anumang teoriyang nagkakaila o nagwawalang-bahala sa napakaraming ebidensiya ng disenyo sa biyolohiya ay isang ideolohiya, at hindi siyensiya.”


Ang Wakas ng Siyensiya?


May mga nag-iisip naman na kapag kinilalang umiiral ang Maylalang, ito’y “pipigil sa pagsasaliksik.” Ipinahayag sa isang artikulo sa magasing New Scientist ang pangambang ito, anupat sinasabing “ang siyensiya na isang walang-katapusang pagtuklas ay magwawakas, dahil sasabihin na lamang nilang ‘ganiyan kasi ang pagkakagawa ng disenyador.’” Dapat nga ba silang mangamba? Hindi naman. Sa katunayan, mali ang iniisip nila. Bakit?


Kung naniniwala tayo na ang uniberso at ang nabubuhay na mga bagay sa lupa ay nagkataon lamang at sumulong dahil sa ebolusyon, hindi na tayo magsisikap na alamin pa ang ibang makabuluhang paliwanag. Sa kabilang dako, kung naniniwala tayo na isang matalinong Maylalang ang nasa likod ng mga bagay na ating nakikita, mauudyukan tayo nito na tuklasin ang kalikasan at kung paano niya ginamit ang kaniyang talino na nakikita sa pisikal na uniberso. Pag-isipan ito: Alam ng mga istoryador ng sining na si Leonardo da Vinci ang nagpinta ng “Mona Lisa,” pero hindi ito naging hadlang upang tuklasin nila ang mga pamamaraan at materyales na ginamit niya. Sa katulad na paraan, kahit maniwala tayong may Disenyador, hindi ito makapipigil sa atin na suriin ang mga detalye at pagkamasalimuot ng kaniyang mga disenyo at nilalang.


Sa halip na pigilin ang higit pang pagsasaliksik, hinihimok tayo ng Bibliya na hanapin ang sagot sa mga tanong may kinalaman sa siyensiya at sa Diyos. Binulay-bulay ng sinaunang haring si David ang napakagandang kayarian ng kaniyang katawan. Dahil dito, sinabi niya: “Sa kakila-kilabot na paraan ay kamangha-mangha ang pagkakagawa sa akin. Ang iyong mga gawa ay kamangha-mangha, gaya ng lubos na nababatid ng aking kaluluwa.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa katunayan, iniulat sa Bibliya na tinanong ng Maylalang ang patriyarkang si Job: “Napag-isipan mo ba nang may katalinuhan ang malalawak na dako ng lupa?” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Maliwanag na hindi sinasabi ritong huwag nang magsiyasat at magsaliksik. Sa kabaligtaran, inaanyayahan pa nga tayo ng Dalubhasang Disenyador na pag-aralan ang kaniyang mga gawa. Pag-isipan din ang paanyayang isinulat ni propeta Isaias na nagsasabing palawakin ang ating kaunawaan tungkol sa Isa na lumalang sa lahat ng bagay: “Itingin ninyo ang inyong mga mata sa itaas at masdan. Sino ang lumalang ng mga bagay na ito?” Sa katunayan, sinasabi sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. na ang uniberso ay ginawa ng isang pinagmumulan ng dinamikong lakas at kapangyarihan. Kasuwato iyan ng mga tuklas sa siyensiya.


Oo nga’t hindi palaging nasasagot ang mga tanong tungkol sa paglalang. Ang isang dahilan ay sapagkat limitado ang ating kakayahang umunawa at hindi sapat ang ating nalalaman tungkol sa daigdig na ito. Batid ito ni Job. Pinuri niya ang Maylalang na kumokontrol upang manatiling nakalutang ang globo sa kalawakan at manatili namang nasa ibabaw ng lupa ang mga ulap na may tubig. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Gayunpaman, batid ni Job na ang kamangha-manghang bagay na iyon ay ‘mga gilid lamang ng mga daan ng Maylalang.’ (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Tiyak na gusto pang matutuhan ni Job ang tungkol sa daigdig. At inamin naman ni David ang kaniyang mga limitasyon, anupat sumulat siya: “Ang gayong kaalaman ay lubhang kamangha-mangha para sa akin. Napakataas niyaon anupat hindi ko maabot.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


Hindi nakapipigil sa pagsulong ng siyensiya ang paniniwalang umiiral ang isang Maylalang. Wala ngang limitasyon at walang katapusan ang paghahanap ng mas malawak na kaalaman tungkol sa pisikal at espirituwal na mga bagay. Isang sinaunang hari na kilalang may malawak na kaalaman ang may-kapakumbabaang sumulat: “Naglagay . . . siya ng kawalang-hanggan sa puso ng mga tao; gayunman, hindi nila natarok kung ano ang ginawa ng Dios mula sa simula hanggang sa wakas.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino.


“Diyos-na-Panakip-Butas”?


May mga nagsasabing basta na lamang daw isinisingit ang Diyos “bilang solusyon” kapag may mga bagay na hindi na maipaliwanag ng siyensiya. Sa ibang salita, sinasabing ang gayong banal na Disenyador ay nagiging “Diyos-na-panakip-butas,” na para bang huling solusyon ang “Diyos” kapag hindi na maipaliwanag ng mga tao ang mga bagay-bagay. Pero ano nga ba ang mga butas na tinutukoy rito? Maliliit ba lamang at walang halaga ang mga butas, o kakulangang ito, sa ating kaalaman? Hindi, malalaking butas ito, o mga kakulangan, na nagpahina sa kredibilidad ng teoriya ni Darwin tungkol sa ebolusyon. Malalaking butas ito sa aspekto ng biyolohiya na hindi kayang takpan, o ipaliwanag, ng teoriya ng ebolusyon. Ang totoo, masasabing ang teoriya ni Darwin ang ginagamit ng mga ebolusyonistang umaasa sa walang-basehang opinyon bilang kanilang “Diyos-na-panakip-butas.”


Ang Maylalang na binabanggit sa Bibliya ay hindi isang “Diyos-na-panakip-butas.” Sa halip, sangkot sa kaniyang gawain ang lahat ng yugto, aspekto, at detalye ng paglalang. Idiniin ng salmista na si Jehova ang lumalang ng lahat ng bagay: “Sa iyo rin nagmumula yaong lahat na may buhay, ang liwanag na taglay mo ay sa amin umaakay.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., Magandang Balita Biblia) Napakalinaw ng pagkakalarawan sa kaniya bilang ang Isa na “gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng lahat ng bagay na nasa mga iyon.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Angkop lamang na isulat ng isang guro noong unang siglo na Diyos ang “lumalang ng lahat ng mga bagay.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


Bukod diyan, itinatag ng Diyos “ang mga batas ng langit,” mga pisikal na batas na umuugit sa materya at enerhiya, mga batas na pinag-aaralan pa rin ng mga siyentipiko. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang kaniyang disenyo ay kumpleto at may layunin, anupat nagtagumpay siya sa layuning likhain ang lupa para panirahan ng napakaraming uri ng nabubuhay na bagay.


Disenyo at Sentido Komun


Bilang panghuli, kailangan nating isaalang-alang ang paggamit ng sentido komun. Tungkol sa kredibilidad ng iba’t ibang teoriya ng siyensiya, ganito ang sinabi ni John Horgan, manunulat hinggil sa siyensiya: “Kapag hindi tayo nakatitiyak sa ebidensiya, huwag tayong mahiyang gamitin ang ating sentido komun bilang patnubay.”


Makatuwiran nga bang sabihin na ang buhay ay basta na lamang lumitaw dahil sa mga puwersa ng kalikasan? Bagaman napakapopular ng teoriya ng ebolusyon, maraming matatalinong tao, pati na mga siyentipiko, ang kumbinsido na may isang matalinong Maylalang. Isang propesor sa siyensiya ang nagsasabing “ang karamihan sa mga tao ay makatuwirang naniniwala na may nagdisenyo ng mga nabubuhay na bagay.” Bakit kaya? Marami ang tiyak na sasang-ayon sa sinabi ni apostol Pablo: “Bawat bahay ay may nagtayo.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Saka sinabi ni Pablo ang lohikal na konklusyon: “Siya na nagtayo ng lahat ng bagay ay ang Diyos.” Batay sa sinasabi ng Bibliya, hindi nga makatuwirang sabihing dapat na may disenyador at tagapagtayo ang isang bahay at pagkatapos ay maniwalang basta na lamang lumitaw ang isang komplikadong selula.


Ganito ang sabi ng Bibliya tungkol sa mga ayaw maniwalang may isang Disenyador at Maylalang: “Ang hangal ay nagsabi sa kaniyang puso: ‘Walang Jehova.’” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Dito, pinagsasabihan ng salmista ang mga hindi pa nakukumbinsi. Ang isang tao ay maaaring madala ng kaniyang personal na opinyon at hindi ng katuwiran. Sa kabilang dako naman, mapagpakumbabang kinikilala ng isang marunong at nakauunawang tao na umiiral ang Maylalang.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


Para sa maraming palaisip na indibiduwal, matibay ang ebidensiyang mayroon ngang Kataas-taasang Disenyador.


Puwede Mong Makilala ang Disenyador


Kung sinasabi nating tayo’y dinisenyo, bakit kaya tayo dinisenyo? Ano ang layunin ng ating buhay? Kung siyensiya lamang ang aasahan, hindi tayo makakakuha ng kasiya-siyang sagot. Pero kailangan ang nakakakumbinsi at kasiya-siyang sagot sa mahahalagang isyung ito. Malaki ang maitutulong ng Bibliya sa bagay na iyan. Ipinakikilala nito si Jehova hindi lamang bilang Maylalang kundi isa ring Tagapaglayon, ang isa na may magagandang dahilan sa lahat ng kaniyang ginagawa. Isinisiwalat ng Kasulatan ang layunin ng Diyos para sa mga tao, anupat nagbibigay sa atin ng kinabukasan at pag-asa.


Pero sino nga ba si Jehova? Anong uri siya ng Diyos? Inaanyayahan ka ng mga Saksi ni Jehova na kilalanin ang ating Dalubhasang Disenyador bilang isang tunay na persona. Malalaman mo ang kaniyang pangalan at ang kaniyang mga katangian at pakikitungo sa mga tao. Sa pagbabasa ng kaniyang Salita, ang Bibliya, malalaman mo kung bakit hindi lamang natin dapat hangaan ang kaniyang mga kagila-gilalas na disenyo kundi dapat din natin siyang luwalhatiin bilang ang Disenyador.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 
Last edited:
Gusto mo Makita ang tunay TS magsuri Ka suriin ang bawat ISA at magtanong Ka doon SA pinagsusurian mo para masagot ang tanong mo! Yun Lang po :)
 
Pinalaki ako pre makadiyos ng tatay ko pero pre unti unti kong narerealize sa reyalidad may diyos nga ba? Tignan mo yung paligid lets say sumusunod ka nga sa kautusan niya pero guaranteed ba na di ka tatamaan ng virus?
 
love god with all your heart mind and soul..don't lose hope mga ka ph corner

keep safe po aku lahat ..
 
Pinalaki ako pre makadiyos ng tatay ko pero pre unti unti kong narerealize sa reyalidad may diyos nga ba? Tignan mo yung paligid lets say sumusunod ka nga sa kautusan niya pero guaranteed ba na di ka tatamaan ng virus?
Okay lang maging mapagmasid brow, at maganda yung curiosity. Tama yang ginagawa mo na mapagmasid ka. Ang mali ay yung HIHINTO ka na sa pag-alam ng sagot at doon nalang mag conclude na "walang Diyos dahil kung may Diyos eh di sana walang kaguluhan sa mundo at walang pandemic" kasi yaan ang pinakamadaling conclusion e kung ayaw mo mag research dahil yan ang sinasabi ng ibang hindi na naghanap ng sagot.

Anyway, may sagot ang bible at pinapaliwanag ng bible mismo kung bakit nangyayari ang lahat ng kaguluhan sa mundo, including itong pandemic na to. Ang kailangan mo lang ay pag-aralan mabuti ang bible. Kung interesado ka malaman yan at magiging humble ka lang, malalaman mo ang sagot at pwede natin pag-usapan yan sa oras at araw na available ka :)
 
Lahat ng tao pre tinatamaan kahit tagasunod ka
Natural lang yan brow. Tignan mo yung mga apostol noon. Apostol na sila mismo ni Jesus pero namatay parin sila, sa bilangguan man o sa ibang paraan. Nakaranas din ng pagdurusa yung mga lingkod ng Diyos noon.

Hindi naman parang "bullet proof" or "pandemic proof" kapag naniwala ka sa Diyos brow. May dahilan kung bakit nangyayari itong mga to, at nasa bible lahat ng sagot jan :)
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top