![4a5e43ce644eaefcadd7673f35591d5b.jpg](/proxy.php?image=https%3A%2F%2Fs1.postimg.org%2F3nkaungr1r%2F4a5e43ce644eaefcadd7673f35591d5b.jpg&hash=e63d9cceb09bd824152474854f8d2127)
"Hanap"
Napagod na ako dati pa
Ang maghanap sa nawawala
Sa tuwing bawat araw na aking
Pilitin mang di ito aminin
Ang mga nais kong sabihin
Sa taong labis kong hangarin
Na sana'y ito'y mapansin
Bigyan sana , kunting pagtingin
Oo ikaw, ikaw na nga
Yung tinutukoy kong nawawala
Hanggang ngayon pa ba naman?
Wala ka paring sawa sa taguan?
Oo heto, heto ako
Ang labis nangungulila sa pagkasabik sayo
Bakit sa dinami-dami nang tataguan mo
Ay napili mo pang ako ang pagtaguan mo
Hinahanap kita syempre ika'y nawawala
Batid ko na itong damdamin ko'y alam mo na
Sa tuwing kausap ka'y anong ligayang nadarama
Ngayo'y lungkot at pagkasabik pagkat wala ka na
kung tulog ka
Kung saka-sakali mang magbago pa ang isip mo.
Narito lamang ako't maghihintay sayo
Dahil sa lahat nang nakausap ko
Walang katulad ang isang katulad mo
Mad`ThePoetMotivator
Last edited: