What's new

Halos 470,000 sakong asukal, nakatago lang sa 3 bodega sa Cagayan de Oro

Nasa 466,142 sakong asukal ang nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa isang milling company sa Cagayan de Oro, ayon sa pahayag ng Malacañang nitong Miyerkules.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ang nasabing asukal ay natuklasang nakaimbak sa tatlong bodega ng Crystal Sugar Milling Inc. sa North Poblacion.

“Isinagawa ang operasyon base na rin sa intelligence report na nagsasabing ang may-ari nito ay sangkot sa malawakang hoarding ng mga supply ng asukal,” pahayag ni Cruz-Angeles.

Sinabi ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng ahensya, aabot sa 264,000 sako nito ay naibenta na ng kumpanya, gayunman, nananatili pa rin ito sa kanilang bodega.

Wala umanong maiharap na dokumento ang kumpanya na nagpapatunay na naibenta nila ang lagpas kalahati ng nakaimbak na asukal.

Matatandaang kinumpiska ng BOC ang mahigit sa ₱220 milyong halaga ng asukal sa magkakasunod na pagsalakay sa Pampanga at Bulacan kamakailan

SUGARR.png
 
Attachments

Nabasa ku din to sa dyaryo knina. Hays ang hirap na nga ng buhay ng mga simpleng mamamayan katulad natin, lalo pa tayong pinapahirapan ng mga kurap at mga buwaya ang tataba na nga ng mga bulsa nila, lalo pa nilang pinapataba. Kaya tuloy mga bilihin ngaun halos lahat ginto na wala ng mura.
 
kayod nlng talaga tsaka asa ng kunti sa gobyerno kung may solution ba sila sa mga inanitan na oligarko
 
Nabasa ku din to sa dyaryo knina. Hays ang hirap na nga ng buhay ng mga simpleng mamamayan katulad natin, lalo pa tayong pinapahirapan ng mga kurap at mga buwaya ang tataba na nga ng mga bulsa nila, lalo pa nilang pinapataba. Kaya tuloy mga bilihin ngaun halos lahat ginto na wala ng mura.
Baka kasabwat ang mga DILAWAN para pabagsakin govt. ni PBBM ..
 
Sadya yung pagtago ng asukal. Less supply, high price. Saka nila ilalabas pag mataas na.
minsan naman ismuggle pa labas ng bansa tapos nag decide na mag import ang Pinas ipapasok ulit sa mas mataas na presyo..utakan na lang talaga..
 
ang mas malalim na dahilan nito ay ang pakikialam ng mga capitalistang dayuhang bansa sa pangunguna ng USA gamit ang ibat ibang NGO na kanilang binuo kasama ang CIA at nag susulsul sa mga mapagsamantalang mga PIlipino, gusto nila tumaas lahat ang bilihin para ang mahihirap na bansa ay manatiling mahirap at para sila ay manatili sa taas at patuloy na alipinin ang mga mahihirap na bansa. Ang style nila ay pautangin tayo ng $pera tapos sila naman ay uutang din sa atin by way of foreign reserves, so parang pinapautang din nila ang sarili nating pera at tumutubo dito.
 
wonder kung ano ginagawa nila dun sa mga nakukuha nilang smuggled items and products. parang walang nababalita kung saan napupunta. parang yung mga shabu lang sa pulis na sila sila rin ang nagbebenta
 
Back
Top