What's new

Halos 470,000 sakong asukal, nakatago lang sa 3 bodega sa Cagayan de Oro

Nasa 466,142 sakong asukal ang nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa isang milling company sa Cagayan de Oro, ayon sa pahayag ng Malacañang nitong Miyerkules.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ang nasabing asukal ay natuklasang nakaimbak sa tatlong bodega ng Crystal Sugar Milling Inc. sa North Poblacion.

“Isinagawa ang operasyon base na rin sa intelligence report na nagsasabing ang may-ari nito ay sangkot sa malawakang hoarding ng mga supply ng asukal,” pahayag ni Cruz-Angeles.

Sinabi ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng ahensya, aabot sa 264,000 sako nito ay naibenta na ng kumpanya, gayunman, nananatili pa rin ito sa kanilang bodega.

Wala umanong maiharap na dokumento ang kumpanya na nagpapatunay na naibenta nila ang lagpas kalahati ng nakaimbak na asukal.


Matatandaang kinumpiska ng BOC ang mahigit sa ₱220 milyong halaga ng asukal sa magkakasunod na pagsalakay sa Pampanga at Bulacan kamakailan

SUGARR.png
 

Attachments

kaya talaga kontrolin ng malalaking tao ang presyo ng isang produkto. parang ganyan lang tapus pag nag mahal ng sobra saka nila ilalabas. pinagsasamantalahan ang crisis ng asukal. mga ganid sa pera
 
corruption mula sa ordinaryong tao hanggang sa taas, kawawa yung mga lumalaban nang patas sa buhay.
nakakalungkot lang isipin para bang pinagkaisahan nila ung gobyerno...

tama boss...sila sila lang din ngdedeclare ng crisis...iniiba lang ung sitwasyon
kaya talaga kontrolin ng malalaking tao ang presyo ng isang produkto. parang ganyan lang tapus pag nag mahal ng sobra saka nila ilalabas. pinagsasamantalahan ang crisis ng asukal. mga ganid sa pera

o
Hay kakabili lang namin ng asukal sobrang mahal talaga 80 pesos :'(
overpriced naman yata yan boss..nag agree naman sila na Hanggang 70 lng ung price ng asukal
 
Last edited:
Grabe pa la talaga patong ng nabili namin 80php isa aw
grabe ung sampung peso na patong...naalala ko ung probinsya ng partner ko...lahat ng tinda may patong..para bang lahat ng produkto na itininda nila may pamasahe...malayo kasi ung lungsod kung saan sila mag grogrocery para sa tindahan pero grabi ung patong..sobra..
 
may kinalaman kaya ang politiko dito? yung mga nakalaban ni BBM na mga oligarch na humahawak ng malalaking shipment? conspiracy theory hehe naisip ko lang kung halimbawa eh sila lang talaga nag kokontrol para bumagsak lalo ekonomiya ng pilipinas para maisisi sa presedente tapus papabagsakin hahaha over thinking siguro pero what if diba?
 
pwede yan lods..walang imposible sa sinasabi mo..lahat ng connected...lalo na may kapangyarihan..iba pa naman mindset ng mga taong to...feeling untouchable..
may kinalaman kaya ang politiko dito? yung mga nakalaban ni BBM na mga oligarch na humahawak ng malalaking shipment? conspiracy theory hehe naisip ko lang kung halimbawa eh sila lang talaga nag kokontrol para bumagsak lalo ekonomiya ng pilipinas para maisisi sa presedente tapus papabagsakin hahaha over thinking siguro pero what if diba?
 
may kinalaman kaya ang politiko dito? yung mga nakalaban ni BBM na mga oligarch na humahawak ng malalaking shipment? conspiracy theory hehe naisip ko lang kung halimbawa eh sila lang talaga nag kokontrol para bumagsak lalo ekonomiya ng pilipinas para maisisi sa presedente tapus papabagsakin hahaha over thinking siguro pero what if diba?
puedeng posibility yan paps.. parang repeat of marcos administration lang noong 1970s-early 80s

tapos itong talamak na kidnapping ngayon...

yellowtards strikes again?

:unsure:
 
Back
Top