What's new

Help Gusto ko po umalis sa work

Dr Doofenshmirtz

Eternal Poster
Hello po. Advice naman dyan mga boss. Di ko kasi kaya yung position ko sa job ko po. Company po sya at agency po yung nagforward ng application ko. Fresh grad po ako at walang alam sa kalakaran o process kung ano gagawin ko now. 1 week palang ako kaya iniisip ko habang maaga pa, umalis na ko. Ayokong mag-awol kasi may contract akong pinirmahan at may fee na 5k kapag di ko tinapos yung kontrata. Tama po bang mag-ask sa boss ko kung pwede lumipat sa ibang position? Nagkaka-anxiety attack po ako at pressure sa expectation ng iba sakin. Mahina ako pagdating sa emotion, kaya gusto ko lang sana peace of mind. Thank you po sa time nyo.
 
Wala parang nag a-assist sayo paps sa work mo? kasi alam ko pag parang fresh grad ka, wala kapa talaga alm sa work, so dapat may superior ka na parang tutularan or magtuturo sayo sa mga bagay bagay jan, mas ok sigurong makausap mo yung parang nag m-manage ng work jan para sa ganyan kesa ma stress ka kakaisip
 
Wala parang nag a-assist sayo paps sa work mo? kasi alam ko pag parang fresh grad ka, wala kapa talaga alm sa work, so dapat may superior ka na parang tutularan or magtuturo sayo sa mga bagay bagay jan, mas ok sigurong makausap mo yung parang nag m-manage ng work jan para sa ganyan kesa ma stress ka kakaisip
Bago po kasi sa company nila yung position ko. Kaya di rin ako matulungan ng ibang employee kung papaano ko mai-establish yong process ng work ko. Ang ginagawa ko nalang nagre-research po ako para magkaroon ng idea kaso everytime na gagawa na ako ng plan - related sa decision making kasi yung trabaho ko like planner po ganon, ina-atake na ako ng anxiety, feel ko kasi hindi tama yung ginagawa ko, tsaka takot po ako sa mismong manager director taas kasi ng expectation nya sakin tapos strict. Na-pressure po talaga ako. Di ko alam kung ano uunahin kung pag-aralan. Anyway tom lalakasan ko talaga yung loob ko para makausap yung manager about sa concern ko

sa una mahirap naman talaga lahat. pero try mo pag aralan, intindihin . normal lang yan sa una . dumaan naman lahat dyan . Try mo ng isang buwan. tapos saka ka mag desisyon kung itutuloy mo pa ba o hindi na .
Nag-try naman akong pag-aralan yung trabaho ko kaso wala talaga eh. Sakin talaga may kulang/problema. Tsaka ayoko paabutin ng isang buwan po kasi sabi nila makakapaghulog na daw ng contribution yung company mas mahirap daw yun.
 
Last edited:
normal sa una yan bossing, tao lang tayo, normal na mag kamali o may maling magawa sa process. hindi tayo code or makina na pwedeng i terminate kapag mali ang process. saka TS, imposibleng walang may alam sa job postion mo, mag tanong ka sa hiring manager mo, kung bagong job position yan, malamang sila din ang nag establish kung ano ang dapat na job description nyan. remember, siguro kaya ka nila na hire kase nakitaan ka ng potential nung interview mo palang. wag ka mag resign, sobrang bago mo palang. delikado sa record yan. hehe
 
Lahat lods, dumadaan sa hirap. Walang madaling trabaho lods. Need mo lang motivation, ilagay mo sa pockets of experience mo yqn, hanggang makahanap ng trabahong aagkop sa skill mo.

Ako rin na graduate ako ng Pol-Sci, nakapasa na sa Civil service, walang backer hindi nakapasok kahit sa job order. Kaya una kong trababaho ko merchandiser ng isang taon, taga-Salo muriatic acid at tagakalakal ng bad-order na product, kahit mabaho at nakakatetano yung trabaho, okay lang experience, naawa si lord, hayun nasa power plant na. Patience, perseverance and timing yan lods. Wag mong kakalimutan magdasal at humingi ng guidance kay lord.
 
Maging honest na lang sa boss lods, i explain nang mabuti sitwasyon
Kung pwede change position, OK
Kung ibang company naman, wag mag resign habang walang lilipatan, mahirap kumita e
 
TS, piece of advise:
HEALTH IS WEALTH

kung di ka healthy or malakas anxiety mo, hindi para sayo yan. umalis ka na. mas maganda maagapan mo anxiety mo, madaming opportunities sa corporate world. don't settle se isang company na hindi mabuti sa kalusugan mo.

Madami pa dyan. Trust me.
 
Pag naa-anxiety attack ka mejo mahirap na talaga mag focus sa work. Ang new job mo ba ay related sa course mo?
Siguro magandang gawin is kausapin mo yung agency muna. Explain mo situation mo. Bka may mabigay silang afvise ano pwede mo gawin. Bale client nila ang pinapasukan mo so malamang alam nila ano magandang way to fix your issue.
 

Similar threads

Back
Top