What's new

Guro patay 2 sugatan sa vehicular accident sa Matalam Cotabato

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang guro at sugatan ang dalawa nitong kasama sa vehicular crash sa probinsya ng Cotabato.


Nakilala ang nasawi na si Haresh Dan Yusop.32 anyos,guro at residente ng Barangay Kayaga Kabacan Cotabato.


Ayon sa ulat ng pulisya matulin umano ang takbo nang minamanehong kotse ng biktima at sumagi sa center island sa Barangay Poblacion Matalam Cotabato.


Hindi na nakontrola ng driver ang manobela ng kotse kaya bumangga ito sa nakaparadang ten wheeler truck.


Binawian ng buhay si Yusop habang naisugod sa pagamutan si Shirly Ramos at isang menor de edad na sakay ng Toyota Wigo.


Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Matalam PNP sa naturang pangyayari.

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

3.jpg
 

Attachments

Last edited by a moderator:
Back
Top