What's new

Guide for choosing Kathrein

taurexn

Eternal Poster
Established
Joined
Mar 29, 2022
Posts
1,265
Solutions
11
Reaction
473
Points
313
Ang Kathrein antenna modules ay considered yan as professional antenna na gawa ng Kathrein-Werke Germany - tanging company na sikat sa larangan ng pagbuo ng broadcasting antenna, Gawa po yan sa pure aluminum na isang di-electric material na maganda ang performance sa signal transmission. Yun nabibili sa online ay mga pinaglumaan ng sector panel ng mga cell sites ay dahil nag upgrade ng backhaul at nagbabago ng size mula malaki hanggang paliit pero kahit magbago from gsm to 4g lte to 5g ay pareho pa rin ang signal wave pattern at nagbabago lang sa frequency. Ang petals nyan ay nagsisilbing reflector at yun bakal sa gitna ay feeder element, bale sa isang flower ay equivalent sa 2 antenna kaya MIMO antenna yan. kung 2 flower ay magiging 2x2 at tataas ang dbi. Kung gagamit ng multi-tester ay may masusukat na more or less 50 ohms na napaka importante sa impedance matching ng antenna sa source ng signal.

ada.jpg


Sa pagpili ng kathrein ay depende sa target frequency, example band 41 ay 2600MHz at based sa table ay nearly sa 2500MHz at yun 1/4 wavelength nya ay 30mm bale ang pipiliin mong kathrein na yun diagonal length ay 30mm ang haba.... kung titingin sa online picture kunghindisure sa diagonal length ay pwede gumupit ng papel halimbawa 6cm at 6cm ang length/width at dito ay maaring sukatin yun diagonal length.

Lahat ng design ng lte antenna ay naka based sa quarter (1/4) wavelength kaya napagkasya yan sa loob ng smartphone. Kapag paliit yun anntenna ay pataas ang frequency pero hindi effective sumagap sa lower frequency. Halimbawa ang lte band 28 700MHz ay kailangan ng 107..1 mm diagonal length kaya malaking Kathrein module ang kailangan. Pero pansinin nyo na mas malayo ang naabot na signal ni band 28 pero hindi kabilisan ang internet speed. Nasa higher frequency ang gigabit internet speed lalo na yun 5G na nasa 3500MHz (low latency) kaya maliit ang antenna module nito at limited lang ang effective range ni 5G signal at kailangan ng maraming tower para mapalawak ang coverage.



dsdsds.jpg

26d63e85f22e06007baaab1a8433f178.jpg

sg-11134201-23010-whur9jcn4omvb2.jpg



Kung duda kayo, ito yun lab testing sa performance ng Kathrein, search nyo sa y t si Andrew McNeil - Kathrein Sector Antenna Elements 3G 4G LTE video


Ngayon, ano ang pinaka magandang gawin sa Kathrein module? Ang pinaka the best gawin dyan ay gawin nyo itong feeder horn sa parabolic grid, kung walang budget sa parabolic grid ay pwede gumupit ng aluminum screen gamit sa screen door. Yun Kathrein module kailangan ipasok sa plastic na lagayan para hindi mangitim ang aluminum metal sa init at ulan, Yun sukat ng parabolic screen kung DIY ay ibased nyo sa focal point calculator. Search nyo lang yun app apk via google search. Yang app ang magbibigay ng sukat kung gaano kalayo ang Kathrein module sa base ng parabolic grid. Parang flashlight na kailangan tama ang focus sa bombilya para malayo ang maibato ng ilaw kasi ang lte signal ay may behavior bilang wave-light pattern. Magaan lang ang module at pvc pipe lang ang pangtukod ko sa feeder


Screenshot_20240521-131630.jpg

aaa.jpg

20230815_064748.jpg

111.png
 

Attachments

Last edited:
Back
Top