Malakas dati Globe way back 2011/2012. Yan din kasi unang nagka-laptop kami at bumili ng broadband. Pero gaming lang ako noon kasi di pa ako marunong mag-dl. Lakas dati kahit sa tanghali, e ang linalaro ko War Commander sa FB na MMORTS. Yung 50 pesos noon sulit. Ngayon iba na. Kung sana affordable yung promos nila at sulit, kokonti ang kakapit sa katulad ni SKY. Pero hindi e. Sana lang pumasok na 3rd Telco. Malakas loob ng Globe at Smart kasi duopoly. Pag may competition na na totoo, theoretically gaganda offers nila.