Help Gilmore o Shopee/Lazada

Aequia

Eternal Poster
Established
Please help an indecisive person here 😂 Saan po ba mas maganda bumili ng computer parts kung sa gilmore ba o lazada/shopee? Nagkakalayo po ba ang presyo sa physical store sa gilmore vs online?

And pahingi naman po ng tips sa pagbili ng parts no knowledge sa ganito, first time magbibuild ng pc at nanood na rin sa yt ng vids (sobrang overwhelming lol). May mga nakita akong processor online na mura kaso oem pala kaya napapaisip rin ako hahaha.
 
Ay oo nga pala sir, yung processor na nirecommend niyo po sa akin may integrated graphics na (tama ba yung term? 😆)? Kagaya ng ryzen 5 3400g? Sorry medyo nalilito lang.
 
Nako po kung sa gilmore pa naman isasama ko yung mama ko kasi magaling maghaggle hahaha. Ayaw namin yung mga ganyan lalo na yung sunod nang sunod, di makapag-antay na magtanong yung buyer 😂 Given na wala akong alam sa mga specs nakakatakot talaga lol baka maulit uli yung pagbili namin sa mall ng intel pentium laptop na ang mahal.
 
[XX='Aequia, c: 484057, m: 906480'][/XX] Meron na yun IGPU (Integrated Graphics Processing Unit). Mas maganda nga lang IGPU ni 3400g for better gaming, and mas maganda upgrade path niya compare sa binigay ko sayo.
 
Okay lang po hehe thank you! Temporary lang naman siguro mag upgrade na lang ako sa susunod. Ang sinuggest kasi ng ibang kaphc natin dito ryzen 5 3400g o kaya ryzen 5 2600, kaso sa sobrang tinaas ng presyo lumalagpas ako sa budget ang sakit sa ulo.
 
May nabasa po ako somewhere sa group yata ni bermor na yung nexus m2 may onting issue sa airflow tama po ba? Or okay lang para sa build ko? Kung magpapalit ako alternative okay po ba yung rakk hawani airflow?

Tsaka po sa psu, nakita ko sold out yung bequiet sa dynaquest wala ako mahanap sa shopee/lazada, okay po ba ang coolermaster 550w 80+ bronze?
 
[XX='Aequia, c: 484084, m: 906480'][/XX] Ako din po kasama ko yung papa ko nung pumunta ako ng gilmore tapos wala din akong alam sa specs ng laptop noon kaya di ko alam kung worth ba yung specs sa price nya 😂
 
Kaya nga eh kaya pag pupunta dapat alam muna yung price range ng parts para di maloko. Tapos libot-libot muna baka may mas mababa pa sa ibang shop 😂
 
[XX='Aequia, c: 484209, m: 906480'][/XX] Magkaiba ung nexus at sa nilagay ko. Maganda airflow nung nilagay ko.

You can actually contact ung store for parts availability. Kung wala talaga pwede na rin yan coolermaster 550w.
 
Tecware Nexus M2 Ultra mATX TG Case kasi yung nakalagay na name sa dynaquest kaya nalito. I'll email them na lang thank you so much po!! Malaking tulong to hehe mas napalagay yung loob ko kung anong susundin sa build na sinuggest sakin.
 
May dalawa sila website. eto isa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. Kung hindi ka marunong mag assemble, mas maganda kung sa isang store ka na lang bibili para doon muna ipa-assemble at para sure kung gagana lahat ng binili. Nagbibigay naman sila ng discount kapag bumili ka ng buo.
 
Bilhin mo nalang itong 6 month old laptop ko boss.

Asus X409FL
Original price P38,000
Windows 10, 64-bit, core i5, 8th gen

Bad: cr4cked os v1709, missing 3D video controller, mabilis macharge 1 hour lang pero 1 hour 30 minute lang din battery.

Good: okay performance, nagagamit ko buong araw kahit sa high resolution graphics at demanding 3d softwares, ito din ginagamit ko sa zoom pag may seminar online, and best of all, mabibili mo at a much lower price kesa original price nito at under warranty pa ng 6 months na pwede matransfer.
 

Attachments

Last edited:
Hi thank you sa offer pero may laptop na rin po kasi ako eh. Try mo po yan ibenta sa fb marketplace/groups o di kaya sa tipidpc yata yun.
 

Similar threads

Back
Top