Katulad ng sinabi ni bingjalz, maliit lang pinagkaibahan sa performance ng integrated graphics o APU (Radeon HD 8550G) ng AMD A8-5550M CPU kaysa sa NVIDIA GT 710 na graphics card mo basi sa mga general benchmarks, kaya hindi mo na kailangan yan isaksak.
Sa basics muna tayo. Assuming nagawa mo na to:
- BIOS reset
- Uninstall lahat ng driver sa APU (Radeon HD 8550G) at driver ng NVIDIA GT 710
- Install mo ulit ang driver ng APU (Radeon HD 8550G), yun lang. Walang NVIDIA driver dapat.
Download mo yung Radeon HD 8550G driver galing sa official website ng AMD, ako na pumili sa tamang driver nito para sayo
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.
Tanggalin mo ang GT 710, gagamitin mo lang yan sa ibang pagkakataon.
Isaksak mo ang ang VGA, HDMI o anong input sa display mo sa motherboard mo mismo, para ang gagamitin input sa monitor ay yung output nanggagaling sa integrated graphics ng CPU. Tapos na?
Ang sunod na pakiramdam ko dito ay baka mayroong short sa case. Ilabas mo lahat ng components galing sa case.
Subukan mo lang na yung power supply, motherboard + CPU + RAM at storage device (SSD, HDD) lang ang nagagamit, para ma-narrow down natin ang mga problema. Pagkatapos niyan, ilagay mo ang GT 710 at tignan mo anong nangyayari.
Pwede mo na rin isaksak ang front panel connectors para ma-power on mo, or manwal mong i-short ang dalawang pin sa power switch header ng motherboard. Again, dapat nasa labas lahat ng case, maghanap ka ng tamang lagayan.
Please let me know how it goes.