What's new
  • Welcome to PHCorner forums. Take a moment to sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Ganto ba talaga sa mundo

oOkunTV

Established
Joined
Nov 24, 2019
Messages
531
Reaction
77
Nung bata tayo kelangan natin magaral para sa future natin ngayon natapos na tayo sa pagaaral kelangan magtrabaho para mabuhay.
Talaga bang curse nato sa mundo? Pag wala ka namang trabaho tingin na ng iba mga kalat sa mundo? Parang nakakaumay na pakinggan paulit ulit nalang ang nangyayari sa lahat ng tao na para bang itoy isang sumpa.
Pinanganak ba tayo para may mapatunayan sa iba? Di naman kasi lahat ng walang trabaho eh mga tamad mga walang pinagaralan May tinapos akong isang kurso pero sa tagal ng panahon mula bata hanggang pagtapos ng kolehiyo narealize ko parang di naman ako naeexcite na maging mayaman at sanay rin nmn ako sa hirap na isang kahig isang tuka d naman ako naiiingit sa mga yaman ng iba. Para wala na akong gana sa mundo parang need ko ng inspirasyon sa ngayon iba na kasi talaga ang nararamdaman ko parang wala na akong nakikitang makabuluhan sa mundo.SKL haha
 

oOkunTV

Established
S
stredaleve
right now ikakamatay mo yang ganyang pag iisip so for now just continue living alam mo naman bata kapa at marami kapang hindi alam kaya nga kapag nagpatiwakal ka paano mo pa malalaman yung mga bagay na hindi mo pa alam baka may secreto kapang hindi nalalaman tulad nalang ng purpose ng buhay na ito ako kasi medyo alam ko yung purpose ng buhay sa mundo gusto mo bang malaman?
 

oOkunTV

Established
I second this advice.. Best motivation na nabasa ko today ♥️
Yes tama pero aminado nman ako na kelangan talaga magtrabaho pero d parin ba sapat yung makakain ka 3 beses sa isang araw at masayang nabubuhay ?
 
1 Comment
P
PHC-Ssamu
For me sapat na po yan.. Just as dubu have said sa taas, live your life without giving a fck what others says.. By doing so, you can definitely enjoy your everyday life and eat your three times a day meal peacefully.. All of this is considering that you are still single, cause having a partner and children will definitely change your mindset pero di na yun kasama sa thread mo, so I'll stop na with this..
 

drhyten17

Established
kung babasahin mo ang sulat ng mangangaral sa biblya ang buhay ay walang kabuluhan hinihintay nalang natin ang paghuhukom
 
D
DIABLO69
Walang kabuluhan nga sabi ni Haring Solomon yan. Take note ah... natikman nya lahat. Marami syang kayaman at chikabebes pero lahat yun bali wala.

Pero eto ending nyang sulat nya na yan na Ecclesiastes.

Ecclesiastes 12:13

Now all has been heard; here is the conclusion of the matter: Fear God and keep his commandments, for this is the duty of all mankind.

Tagalog

Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao.
 

stredaleve

Established
hahahah natawa ako pareho tayo ng feelings tungkol sa walang gana sa mundo pero ambitious ako yun lang eh parang patay ako di ko ma explain in nature na ambitious ako pero may pumatay sakin pero buhay pako lol diko talaga ma explain

naisip ko narin yang naisip mo na oo nga nung bata tayo sa paningin ng bata ang ganda ng mundo sa paningin ng matanda walang problema ang bata pero meron tayong problema nuon pero nung tumanda tayo napag isip natin na yung problema natin nuon ay hindi matatawag na problema ngayon dahil nag mature na tayo napaka dali ng buhay nuon ngayon ang pangit pala ng mundo ang daming masasamang pag iisip ng tao kahit ako masama ako akala ko ako na pinakamasama meron pa palang mas masama sakin at hindi pala talaga ako masyadong masama ano ba to philosophy psychology na sinasabi ko oho
 
11 Comments View more comments…
H
Haba

Si Cristo po nagsasalita jan hindi po aq, ang work na tinutukoy nya ay un mga pinagagawa sa atin ng Dios, plz see Efesian 2:10
 

soloveresk

Established
Ganon talaga ts. Maganda ilaan mo nalang oras mo sa mga bagay na makakapagpasaya sayo tapos wag kang makinig sa sasabihin ng iba basta kung ano yung mga gusto mong gawin at sa tingin mo ay sasaya ka go for that.
 
Comment
Ts hindi kataka taka yan kasi matagal ng ipinagpauna ng salita ng Dios yan dalawang libong taon na ang nakakalipas


2 Timoteo 3:1 Datapuwa't alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib.
2 Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan,
3 Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti,
4 Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios;
5 Na may anyo ng kabanalan, datapuwa't tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito.
 
Last edited:
Comment

newflames03

Limited Access
ito tanungin mo sa sarili mo. bakit kaylangan mo pang mag pakahirap para lang mabuhay, kung sa bandang huli mamamatay ka lang din naman 😢
Ibig sabihin bigyan mu ng katuturan yung buhay mu ------?
Hahahahahahahahahahahahahahahaha
- kung sa papaanung paraan ?-

Xmpre hnd mu alam yun ang totoo!!!
 
Last edited:
1 Comment
M
Master_butin
hindi mo yata na gets ahahahah
 

moonlight12

Established
Sa tingin ko isa ito sa toxic culture ng pinoy, na dapat sundan mo ang so called path which is mag aral at magtrabaho. At once na lumihis ka jan eh mag iiba na ang tingin sayo, parang najjudge tayo based sa outcome ng buhay, that's why i find it toxic. Hindi lahat ng tao ay ipinanganak ng pantay pantay, mayrong mga nasa taas at nasa baba kaya sana kung maaari, iwasan nating manghusga. Kung anuman ang estado natin sa buhay, subukan natin maghanap ng ikakasaya sa kanya kanya nating mundo.
 
1 Comment
D
DIABLO69
Tama ako nga walang trabaho pero sarap buhay. Nabrainwash maraming pinoy na kailangan mo mag-aral tapos mag empleyado. Ni hindi tuloy bumibili ng stocks at walang mga paupahan. Gising mga pinoy walang milyonaryong empleyado lang!
 

oOkunTV

Established
right now ikakamatay mo yang ganyang pag iisip so for now just continue living alam mo naman bata kapa at marami kapang hindi alam kaya nga kapag nagpatiwakal ka paano mo pa malalaman yung mga bagay na hindi mo pa alam baka may secreto kapang hindi nalalaman tulad nalang ng purpose ng buhay na ito ako kasi medyo alam ko yung purpose ng buhay sa mundo gusto mo bang malaman?
ano yun
 
Comment

oOkunTV

Established
sakin kasi ano ngayon kung mahirap ako ? oo may pinagaralan ako nakapagtapos ng 5 year course sa kolehiyo pero d ibig sabihin nun gsto ko maging mayaman masaya ako sa buhay ko gsto ko lang enjoyin ang buhay ko habang kaya pa kasi pagtumanda na aanhin ang kayamanan..at buhay ko din nmn to bat pa may ibang tao makikialam dko nmn sila inaaway.sabihin natin concern ang ibang tao pero kailngan ba ipilit nila ang gsto nila para sakin ?? para ano maimpress sila sakin?para maging proud ?kelangan ba maging mayaman ka para maging proud sila sayo???
ganto na tlga ako magisip d ako bolakbol na tao maayos po mga grades ko at di po ako tarantadong tao nauumay na lang talaga ako sa mundo.
 
D
DIABLO69
TS, Wala kang dapat patunayan sa iba. It looks like immature ka pa sa bagay na iyan. Naapektuhan ka pa ng peer pressure. Hindi yan ang mundo kundi ang mundo lang sa isip mo. Base lang yan sa views mo. Enjoy Earth, Enjoy life. Take a new perspective.
 
lutang pa ako idol kaya di ko muna masagot yang tanong mo ,pero interesado ako dyan.kwentuhan tayo sa reply next time pag ok na ako 🤣.
 
Comment

Haba

Established
Kulang ka po siguro sa spiritual life, do you read Bible? Plz read JAMES 2:26 yan po ang sagot sa naramdaman mo ngaun kung bkit parang may kulang parang may hinahanap ka na di mo alam kung ano.
 
Comment

BlueBerry16

Established
Baka hindi naman nila ineexpect na maging mayaman ka ts. Maybe yung pinaghuhugutang mong mga tao na yan e maybe because they just want to see you grow.

Hindi naman pwedeng puro saya lang. Hindi pwede na kuntento kana sa buhay mo hindi ka gagawa ng paraan para mapaunlad ang sarili mo. Hindi naman tayo habang buhay na sarili lang ang iniintindi. Isipin mo rin ang future. There will come a time na magkakapamilya ka. Hindi naman kailangan maging mayaman actually. Naniniwala din ako don, pero sometimes we have to sacrifice or magpursigi sa buhay para makeep natin yung happiness ano mang pagsubok ang pagdaanan natin balang araw.

Anddd....

Dont listen to others. Just do what makes you happy as long as nasa tama ka naman ;)
 
Last edited:
S
stredaleve
i see po nasa personality at mood mo
 
ganyan din inisip ko dati TS .. nakakapraning haha,, ung sasabihin mo paulit ulit ah ,gising trabaho kaen uwi tulog... tapos para sa akin ahh.. naisip ko ako pala ung may kulang. kasi ganito talaga.. dapat habang paulit ulit ung mga nangyayari araw araw dapat kahit papaano maisingit mo din ung mga bagay na magpapangiti sayo kahit saglit lang.. dati pag gising ko. putek ito nnaman kain nnaman ligo pasok sa office sermon etc.. tapos tulog nnaman haha,, ngayon iba na ginagawa ko..
pag ka gising ko ,, yes nakita ko nnaman sila mama at papa, ano kaya trip nila ngayong araw? may ipapabuhat ba sila, ipapawalis,, iuutos etc. tapos ligo sayaw sayaw ahahha, tapos pasok sa work saksak earphones patugtug habang nagbabike swabe sarap. tapos pag dating office kita ko nanaman ung muka ng boss ko haha ayan gawin mo to, gawin mo yan.. syempre ako naman.. sige O.T naman eh hahahah, tapos pag uwi excited na ako sa maalat na luto ng ermats ko ahaha tapos nuod tv tapos laro laro tulog.. ayan.. tapos pag may naisip akong gawin, gagawin ko , bili ako burger saka coke, foodtrip enjoy. kausapin kaibigan makipagtawanan solb, makipagkulitan kay crush ayiiii!! relax lang matagal pa tayo dito sa mundo , kahit ba kung bukas mamatay tayo wag ka din malungkot basta alam mo gagawin mo best mo para maging masaya ka habang naglalakad ka sa mundong ibabaw.
and don't forget to like and subscribe sa channel ko and i-ring ung bell hahaha charot
 
N
oo boss, un lang naman maging masaya lang.. kesa kung problema lang palagi wala aa, iiyak kalang bago matulog.
 
Kung wala kng plano magkaroon ng sariling pamilya at kuntento kna talaga sa kung ano ka ngayon, well wag knang magsumikap. Pero again, tanungin mo ang sarili mo hanggang jan ka nlang ba? Aasa nlang sa pamilya mo kahit pangkain at pamasahi hihingi kpa? Yang dalawang tanong lang muna paps Godbless! 😊
 
Comment

Online statistics

Members online
1,866
Guests online
2,097
Total visitors
3,963

Forum statistics

Threads
1,018,462
Messages
17,436,765
Members
1,488,867
Comments
715,772
Attachments
1,151,285
Profile posts
96,538
Top