What's new

From pulis to NPA. Ganito ba dapat ang standards ng mga palabas?

gooroog

Eternal Poster
Established
Joined
Jan 23, 2011
Posts
562
Reaction
282
Points
329
From pulis to NPA. Ganito ba dapat ang standards ng mga palabas? Yung turuan tayong magrebelde sa gobyerno? Funded siguro ng mga lefts itong palabas na to kaya hanggang ngayon pinapalabas pa rin kahit na wala nang nanonood.

Credits: Kapuso Warriors Original
1656600071117.png
 
Attachments

No'ng nanood ako ng Money Heist, hindi ko naman inisip na gusto akong turuan ng serye na magnakaw. No'ng nanood ako ng Supernatural, hindi ko naman inisip na gusto akong turuan ng serye na mag-ghost hunting o maghanap ng mga demonyo sa labas. Marami na 'kong napanood na international films na may kwentong Mafia o characters na assassin(s) pero wala naman akong criminal record. 🤣

Ang dapat itaas sa Pilipinas ay standard(s) patungkol sa edukasyon dahil kung edukado ang tao hindi naman basta-basta maiimpluwensyahan ng mga fictional na palabas lalo na kung wala namang makatarungan na rason. Napakababaw naman mag-isip kung ang tanging takeaway sa haba ng serye na 'yan ay "tinuturuan ka lang magrebelde" at wala man lang napulot na aral o kwento. Problema mismo ng tao 'yon kung hindi marunong mag-separate ng fiction sa reality at kargo dapat ng magulang o nakatatanda kung paano gabayan ang mga bata sa panonood.
 
Nasa tao kasi yan kung gusto ba nya o hindi. At tsaka di mo ba pansin na halos lahat nang mga bahasa sa mga gawain îllégâl ay mga professional at educated, kung hindi man mga gifted? Example nlang ay mga politicians, eh san ka ba makakita nang politikong wlang pinagaralan. May free-out-of-jail card pa, marami pang ipon sa offshore accounts.

Gusto ko nga matuto at magindulge sa mga ganyan, eh ano ba nmn ang magagawa ko, keyboard warrior at employee lang ako. Kaya medyo tama ka rin sa 2nd statement mo, dapat tlga educated at bahasa kasi pag di mo alam ginagawa mo, presinto tlga hantungan mo.
 
Last edited:
Alisin na nila yan at palitan ng anime or documentary
 
patok kasi yung my pagka "rebelde" na istorya, yung istorya nang ina-api... lalambot talaga puso nang karamihan.

karamihan talaga sa art community sa pinas ay "left leaning", kaya naisipan nila dati yang "NPA kambal ni kardo" plot.

pero sa tingin ko, nagkataon lang na naging popular na ang anti-communist sentiment.. pero ang script dati sa Ang Probinsyano na NPA kambal ni Cardo ay matagal na naisip o nasa isipan nang mga writers nang Ang Probinsyano.

in short, hindi intended.
 
Nasa tao kasi yan kung gusto ba nya o hindi. At tsaka di mo ba pansin na halos lahat nang mga bahasa sa mga gawain îllégâl ay mga professional at educated, kung hindi man mga gifted? Example nlang ay mga politicians, eh san ka ba makakita nang politikong wlang pinagaralan. May free-out-of-jail card pa, marami pang ipon sa offshore accounts.

Gusto ko nga matuto at magindulge sa mga ganyan, eh ano ba nmn ang magagawa ko, keyboard warrior at employee lang ako. Kaya medyo tama ka rin sa 2nd statement mo, dapat tlga educated at bahasa kasi pag di mo alam ginagawa mo, presinto tlga hantungan mo.
Yung iba kasi edukado nga pero nasilaw sa pera at kapangyarihan kaya gumagawa ng ilegal hahaha yun ang kadalasang rason. Pero edukadong nagrebelde dahil lang nakanood ng serye sa TV??? Utang na loob. Sino bang tao ang may pera, edukado, at nasa matinong pag-iisip na tipong nakanood lang ng Money Heist ngayon tapos gigising kinabukasan at magdedesisyon nang magnakaw sa bangko at maghahatak ng mga kaibigan? :ROFLMAO:

Totoo, p're. May mga pulitikong hindi sapat at tugma ang educational attainment sa posisyon na meron sila ngayon. Ang dami nga nila. Nakakatawa nga eh kasi mas marami pang qualifications at requirements na hinahanap sa normal na Pilipino kapag mag-aapply ng trabaho kesa sa mga pulitiko na "magpapatakbo" ng bansa. Basta may pera, sikat, anak ni ganito, o di kaya kapamilya ni gan'yan okay na. Yung ibang pulitiko kung kailan nasa posisyon na tsaka pa lang mag-aaral "para raw pagsilbihan ang mga Pilipino nang maigi" tapos matotouch naman mga tao. Hahaha. What if may doktor na tsaka pa lang mag-aaral ng medisina kung kailan doktor na siya? O di kaya janitor na tsaka pa lang matututong maglinis kung kailan janitor na siya? Matotouch din ba mga tao? Hindi, 'no? Hahaha. Mukhang mas mababa ang set expectations ng mga tao sa pulitiko.
 
Nanunuod pa rin ako ng Pokémon anime up to now, pero ni minsan never naman naitanim sa isip ko na maging Pokémon Master maski nung bata pa lang ako... 🤣
 
ung bida na lang nag iimbento ng role nya jan paikot ikot na lang d na natatapos kaya pag 8pm na pinapatay ko na lang ung tv namin
 
Similar threads

Back
Top