Make sure na gusto mo talaga yung course dahil mahirap yan. Maraming beses kang panghihinaan ng loob, lalo na kung nasa university ka na nagtatanggal bawat sem.
Anyway, hindi ako cpa graduate pero nag-fundamentals kami.
Yang kay gloria rante madali maintindihan, kaya maganda for fundamentals. Iniyakan ko ang accounting nung freshman year ko. Kasi unang beses ko yon maramdaman na sobrang nakaka-overwhelm siya.
Higit sa lahat, sipagan mo. Magbasa ka. Magpunta kang library. Use that extra hour in watching yt vids (maganda yung channel na filipino accounting). Sumama ka sa mga taong hihilain ka pataas; yung tutulungan ka mag-aral. Magtanungan kayo.