What's new

PHC-Chastity

Eternal Poster
Established
Joined
Dec 14, 2015
Posts
699
Reaction
235
Points
319
Nakapila ako sa Mcdo, Zabarte tapat ng Olympus, kanina mga 6:30pm para bumili ng dinner. Yung babae sa harapan ko umiiyak, nahulog daw yung P1,000 na pambayad niya sa takeout order niya. Tinanong ko siya kung saan niya nahulog pero ‘di raw niya alam. Tinanong ko yung kahera kung magkano lahat order niya, sabi ng kahera P470 lahat. Sabi ko sa kanya ako na lang magbabayad. Tuwang-tuwa yung babae at napayakap pa sa akin. Binigyan ko rin siya ng P100 pang-taxi niya kasi malakas ang ulan.

Palagi tayong tumulong sa ating kapwa. Ang biyaya ay babalik din. Kagaya niyan bago ako pumasok sa Mcdo, nakapulot ako ng P1,000 sa pintuan.
 

Similar threads

Back
Top