What's new

Help Family problem

Nezhaaaa

Forum Veteran
Elite
Its almost 4 months bago ako magkaroon nang stable job way back covid starts wala akong work hanggat nakita ko na yung work na para sakin nag pursigi ako kumayod ng husto ang problema lang dito. Yung erpat ko nangako saken na magtutulungan daw kameng apat mama ko at papa ko at ako kasi bunso kong kapatid nag aaral pa mag cocollege na and then ilang years na ren wala parin siyang work this December nangyaring hindi maganda kaganapan naghangad sya gumala ngayung pasko, ginawa ko naman nag ambag ako pang noche buena at namili ng mga regalo isang beses tinanggihan ko ang hiling nya tutal naman kasi isip ko nakapag family bonding na kame kompleto ang noche buena wala na ako ibang hinangad para mapasaya pamilya ko.. Ginawa nya nagalit dahil hindi nakagala kesyo di naman daw ako gagastos ng malaki pero gusto nya ganitong lugar tayo mag stay saan tayo kakain andaming hiningi. Ako tong nag mamanage kung magkano bubudgetin eh sakto ubos na pera ko sa hinanda ko pang christmas. Ngayon nag iisip ba ako kung bubukod nalang ba ako mag isa kaya ko naman mamuhay mag isa dahil isa akong graphic artist kaya ko naman kumita ng forty something alam nyo na baka kasi bawal bangitin ayun need ko lang advice
 
Naiintindihan kita sa sitwasyon mo at sa mga pinagdadaanan mo ngayon. Mahirap talaga ang paghahanap ng trabaho, lalo na sa panahon ngayon na apektado tayo ng pandemya.

Sa tingin ko, mahalaga na maiparating mo ang nararamdaman mo sa iyong erpat. Subukan mo na magpaliwanag na ginawa mo ang lahat ng makakaya mo para mabigyan sila ng magandang pasko. Ipaliwanag mo rin na wala ka nang sapat na pera para sa mga hinihingi niya at hindi mo naman intensyon na hindi pumunta sa mga lugar na gusto niya. Maaring hindi niya lamang naintindihan ang sitwasyon mo kaya siya nagalit.

Kung mayroon kang planong magbukod, mahalaga rin na maitanong mo sa sarili mo kung handa ka na ba talaga. Isipin mo ang mga pangangailangan mo, ang mga gastusin, at ang kakayahang mabuhay nang mag-isa. Mahalaga rin na paghandaan mo kung paano mo mapapalakas ang iyong negosyo bilang graphic artist upang matustusan ang iyong pang-araw-araw na pangangailangan.

Maaring makatulong sa'yo ang pag-uusap sa iyong pamilya, malaman ang kanilang mga saloobin at magkasunduan sa mga ito. Maaaring kailanganin niyo lang magkaroon ng malalim na pag-uusap para mas maintindihan ang bawat isa.

Kung kinakailangan, maaaring maghanap ka rin ng mga suportang grupo o kaibigan na makakatulong sa'yo sa mga pagkakataon na kailangan mo ng guidance at payo. Mahalaga rin na maging matatag ka at magpatuloy sa pag-abot ng iyong mga pangarap.

Tandaan mo na sa bawat desisyon na gagawin mo, ikaw pa rin ang may kapangyarihan at karapatan sa iyong buhay. Sana makahanap ka ng tamang landas na magbibigay sa'yo ng kaligayahan at tagumpay.
 
Nakakalungkot lang kasi andito na ako sa point na tutulungan ko siya sa requirements ang arte nya mamili ng work kesyo mahirap daw at andaming sinasabe... May work naman nanay ko kaya naman nya buhayin kame nung covid season nangyari 2 years ako walang work
 
Pag-isipan mo muna ng mabuti TS bago gumawa ng desisyon, wag na wag kang mag dedecide ng basta basta or bugso lang ng damdamin mo
Mas maganda padin pag naka bukod na idol if kaya mo naman go
Kaya ko naman bumukod mag isa
Hindi ko alam kung nadadala lang ako bugso ng damdamin ko e pero anlakas parin manghingi erpat ko ayaw na talaga maghanap ng trabaho

Kung mag request ng regalo gusto pa mamahalin kung ano lang kaya ko ibigay yun lang kaya ko ibigay sila pa ang galit ang demanding na ren kasi
 
Kaya ko naman bumukod mag isa
Hindi ko alam kung nadadala lang ako bugso ng damdamin ko e pero anlakas parin manghingi erpat ko ayaw na talaga maghanap ng trabaho

Kung mag request ng regalo gusto pa mamahalin kung ano lang kaya ko ibigay yun lang kaya ko ibigay sila pa ang galit ang demanding na ren kasi
kahit pa hindi ganyan yung erpat mo ay dapat ka pa ding bumukod, you should be independent boss, wag makitira
 

Similar threads

Back
Top