What's new

Closed Facts you!

Status
Not open for further replies.

DAILY POSTS

Honorary Poster
Joined
Aug 29, 2017
Posts
179
Reaction
82
Points
139
Age
27
images?q=tbn:ANd9GcTV1RXlAndzVrWFqsTqirkHzOStPaIJABEXAp3qh5-DJF1u4mbspu6RNF8W.jpg
Deities of Philippine Mythology
"Si Venus? Goddess siya ng Roman Myth diba? Love, beauty, desire, ***, fertility, prosperity and victory yung function niya."
"Si Zeus, Siya yung pinakamalakas!"

Greek and Roman Gods and Goddesses na naman? Paano naman yung Philippine Deities? May kilala ba kayong iba bukod kay Bathala?

Well, Lets start na isa-isahin sila.

1. BATHALA- supreme God of Being at pinaniniwalaang Sinaunang Tagalog at Hari ng mga Diwata. Iniuugnay siya kay Kristo kung pananampalatayang Kristyano ang pagbabasehan.

2. AMANIKABLE- Masungit na Diyos ng Karagatan. Siya din ang gumawa ng sigwa (bagyo) sa karagatan dahil nabigo ang pag-ibig niya kay maganda.

3. SITAN- tagabantay ng kasamaan at ng mga kalukuwa roon. Kapilas (Kasama) ni Satanas.

4. IDIYANALE- Diyosa ng mabuting gawain. Kabiyak ni Dimangan.

6. DIMANGAN- Diyos ng magandang ani. Katipan ni Idiyanale.

7. LAKAPATI- Diyosa ng pagkamayabong at ang pinakamaintindihin o pinakamaunawain. Ayon sa iba siya ay isang "hermaphrodite". Katipan ni Mapulon.

8. MAPULON- Diyos ng panahon. Katipan ni Lakapati.

9. MAYARI- Diyosa ng buwan at isa sa tatlong anak na babae ni Bathala. Sinasabing may isang mata lang.

10. TALA- Diyosa ng mga bituin. Kapatid ni Mayari at anak ni Bathala.

11. HANAN- Diyosa ng umaga, ang kumukumpleto sa tatlong anak na babae ni Bathala.

12. DUMAKULEM- tagabantay ng mga bundok. Anak ni Dimangan at Idiyanale. Asawa ni Anagolay.

13. ANAGOLAY- Diyosa ng mga nawawalang bagay. Asawa ni Dumakulem.

14. APOLAKI- Diyos ng araw at patron ng mga mandirigma. Anak ni Anagolay at at Dumakulem.

15. DIAN MASALANTA- Diyosa ng pag-ibig, paglilihi, panganganak at protektor ng mga umiibig. Siya din ang pinakabata sa lahat ng Deities.

16. MANGGAGAWAY- Isa sa apat na kinatawan ni Sitan. Nagdudulot ng sakit. Naghuhugis tao at nagpapanggap na manggagamot.

17. MANISILAT- Isa din sa apat na kinatawan ni Sitan. Naghihiwalay ng masasaya at buong pamilya. (Tukso)

18. HUKLUBAN- Isa pa sa apat na kinatawan ni Sitan. May kakayahan na magpalit sa kahit na anong anyo ang gustuhin niya. Sa isang taas o kumpas lamang ng kanyang kamay ay kaya niyang patayin ang kahit na sino at pagalingin ang sarili.

19. MANGKUKULAM- Kaisa- isang lalaki na kinatawan si Sitan. Nagpasiklab ng apoy at gumawa ng masamang panahon.

20. AMAN SINAYA- Isa sa mga kasama ni Bathala. Diyosa ng karagatan at tagapagtanggol ng mga mangingisda.

21.GALANG KALULUWA- Diyos na gala. Pinakamalapit na kaibigan ni Bathala. "Winged God"

22. ULILANG KALULUWA- Isang Diyos na pinatay ni Bathala dahil nilinlang(niloko) niya ito.

Like naman po dyan :)
source: wikipedia
 

Attachments

Status
Not open for further replies.
Back
Top