What's new

Example and proof of scoffers

i choose you rattata

Established
Joined
Mar 20, 2022
Posts
861
Reaction
4,777
Age
109
nasa huling mga araw na tayo at alam niyo yan at alam niyo rin na hindi niyo alam kung kailan mag tatagal ang mga huling araw bago dumating ang wakas alam niyo rin naman na porket sinabing huling mga araw hindi ibig sabihin nito ilang araw nalang wakas na
2 Peter 3:8 KJV: But, beloved, be not ignorant of this one thing, that one day is with the Lord as a thousand years, and a thousand years as one day. ADB1905: Datapuwa't huwag ninyong kalimutan, mga minamahal, ang isang bagay na ito, na ang isang araw sa Panginoon ay katulad ng isang libong taon, at ang isang libong taon ay katulad ng isang araw.

Mark 13:32 KJV: But of that day and that hour knoweth no man, no, not the angels which are in heaven, neither the Son, but the Father. ADB1905: Nguni't tungkol sa araw o oras na yaon ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama.

isa na ang example at patunay itong section na ito ng forum pinamumugaran ng mga scoffers everytime na mag crecreate ka ng religious topic lumilitaw sila gaya ng pagkakasabi ⇩

2 Peter 3:3-4 Knowing this first, that there shall come in the last days scoffers, walking after their own lusts, And saying, Where is the promise of his coming? for since the fathers fell asleep, all things continue as they were from the beginning of the creation.

2 Pedro 3:3-4 Na maalaman muna ito, na sa mga huling araw ay magsisiparito ang mga manunuya na may pagtuya, na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita, At magsisipagsabi, Saan naroon ang pangako ng kaniyang pagparito? sapagka't, buhat nang araw na mangatulog ang mga magulang, ay nangananatili ang lahat ng mga bagay na gaya ng kalagayan nila mula nang pasimulan ang paglalang.
 

cosmic wanderer

Established
most religious cult members practices "scoffing" but in passive aggressive way. saksi ako sa mga ugali nang mga nag sisimba tuwing sabado "no absent" pero sa facebook andaming ka-away at my persecution complex pa na drama.
 

OPM The KinG

Established
sino ba yang sinasabi mong mark at peter ts? para sa akin kahit wala yan sila pwede naman mamuhay ng tahimik, at intindihin nalang ang mundo na ating ginagalawan tru science, kung mangyaring magka totoo yang sinasabi mong wakas, wala tayong magagawa kung yan talaga mangyayari, tulad ng mga dinosaurs million years ako na tinamaan na asteroid ang ating planeta, kung tayo yun noon wala rin tayo magagawa, pero ngayon ginagawan ng paraan ng mga scientist na baka pwede na nating maiwasan na mag extinct tayong mga tao hindi dahil sa tolong ng mark at peter na yan, sa mga sinusulat nila wala akong nakikitang way na makapag prevent sa sinasabi mong wakas, basta nalang wakas, dapat tayong mga tao hahanap din ng solusyon, mag advance, wag nating pabayaan na hanggan dito nlng tayo sa earth, ang laki ng kalawakan na posibleng pwede nating ma explore, dapat focus tayo sa science, marami pa pweding mangyari kaysa basta nlng mag wakas. kung sakaling mag wakas man e wala tayo magagawa, atleast kahit mn lang subukan nating mga tao, hindi yung basta nlng
 

Asherah Goddess

Established
Depende sa tao kung pa paano niya na pe perceived. Katulad na lamang na para sa tao na iyon ay nagsasabi lang naman siya ng truth and nothing but the whole truth pero para sa ilan tao na extremely religious ay mina-mock na para sa kanila ang kanilang bible, lalo na sa ilan tao na maraming alam sa bible verse. You see depende iyon sa motibo ng puso at damdamin ng tao diba? Nasa motibo lang naman ng tao iyon.

Katulad ko. Aaminin ko na ginagawa kong fun-fun ang ilan discussion pagdating sa religious topic. The reason why ginagawa kong fun na lang siya dahil ang una ay ayaw ko na e-take seriously ang religious discussion dahil religious nga diba? Andoon ang point kase na pwede ma frustrate ang isang tao lalo na kapag meron siyang gusto mangyari sa sitwasyon na hindi naman mangyayari or posibilidad na magkaroon ng away dahil sa religious discussion and so idinadaan-daan ko na lang sa fun o sa biro o ginagawa ko na lang na light hearted discussion para hindi naman extremely serious.

Dagdag na hindi naman din ako religious although naniniwala ako na ang deity ay nag-eexist pero walang religion. E minsan na hindi ko alam na nakaka offend na pala sa kanila kung kaya ang tangi defend nila ay ang bible verse patungkol diyan. Patungkol sa tao na nag ma mock ng bible.

Magkaiba kase ng paniniwala and so hindi talaga ma e expect na meron mag-e exist na ganoon tao inocently na para sa religious tao ay mina-mock na ang kanilang pinakamamahal na biblia.

Katulad na lamang sa animal worship. E diba noon unang panahon ay wino-worship ng mga tao ang animal or napaka-sagrado ito and so na kapag halimbawa, ginawa ng tao na fun-fun ang pusa o tipong ipinagloloko, well, para sa ibang tao na nag wo worship ng animal ay consider na ang ginagawa ng tao na iyon ay pag-mock sa kanilang pinakamamahal na sacred animal while ang tao na iyon ay para sa kanya na its okay lang sapagkat hayop lang naman siya. Walang kaso ika nga.

Parang katulad ng seks. E diba noon unang panahon na ang seks ay sagrado at pinapahalagahan? So sa mga tao na gumagawa ng seks ay kinakailangan done in spiritually ke kasal ang tao o hindi but now- literally now, hindi na sagrado ang seks kaya tingnan niyo naman as in. Ginagawa-gawa na lang bilang sexual objectification. Meron ng property at ownership na para siyang object na kanya at kanya lamang hanggang sa kaduluhan ng mundo pagkatapos panay reklamo pa to the maximum level kapag hindi na vlrgin in general speaking. So hindi na siya sagrado at wala na siyang value so ang puso at damdamin ng tao na nandidiri sa ganyan ay inocently, they do not do anything wrong sa ganoon beliefs while sa ilan tao na iba ang paniniwala ay they would think na para sa mga tao na ganoon ang beliefs na keyso ipinagdidirian ay para sa kanila ay para siyang ginagawang basura na lamang.

Ganyan at ganyan din katulad sa ipinaliwanag dito sa thread topic.
 
Last edited:

uploader74

Honorary Poster
sino ba yang sinasabi mong mark at peter ts? para sa akin kahit wala yan sila pwede naman mamuhay ng tahimik, at intindihin nalang ang mundo na ating ginagalawan tru science, kung mangyaring magka totoo yang sinasabi mong wakas, wala tayong magagawa kung yan talaga mangyayari, tulad ng mga dinosaurs million years ako na tinamaan na asteroid ang ating planeta, kung tayo yun noon wala rin tayo magagawa, pero ngayon ginagawan ng paraan ng mga scientist na baka pwede na nating maiwasan na mag extinct tayong mga tao hindi dahil sa tolong ng mark at peter na yan, sa mga sinusulat nila wala akong nakikitang way na makapag prevent sa sinasabi mong wakas, basta nalang wakas, dapat tayong mga tao hahanap din ng solusyon, mag advance, wag nating pabayaan na hanggan dito nlng tayo sa earth, ang laki ng kalawakan na posibleng pwede nating ma explore, dapat focus tayo sa science, marami pa pweding mangyari kaysa basta nlng mag wakas. kung sakaling mag wakas man e wala tayo magagawa, atleast kahit mn lang subukan nating mga tao, hindi yung basta nlng
"dapat focus tayo sa science" - what Science? Evolution based, using MILLIONS of years time scale?
IF we're going to follow that "so-called Science", we are mislead.

By the way, the science we knew since Elementary to High School - really contradicts most Bible truths.

Tama POST ni TS.
 

Asherah Goddess

Established
uploader74
Well, kapag sinabi mo na "by the way, the science we knew since Elementary to High School - really contradicts most Bible truths" ay una, kapag nagko-contradict ang science sa bible then why believe in bible kung nagko-contradicts lang pala sa science samantalang ang science is a fact while bible is more on ideology based on feelings and emotions na isinulat ng mga tao unless ang gagamitin is "faith" lamang dahil kapag faith ay feelings and emotions lang siya.

Kaya nga, meron ng ilang Theist na sinasama ang science sa bible upang lumabas na fact siya at dahil fact siya, the bible is truth daw but kahit meron ilan Theist na isinasama ang science sa bible ay meron ilan Theist na disagree dahil naniniwala ang ilan Theist na nag di disagree na keyso nililimitahan daw ng tao ang kapangyarihan ni God, kung kaya hindi nila ini-include ang science sa bible.

Ang para sa akin, dati-rati, naniniwala ako na mag co-exist ang science at bible pero ngayon ay hindi na dahil kung sakaling meron explaination ng Adam and Eve kuno based on science daw which is meron ako nabasa post dito sa Traditions and Beliefs, e dapat meron associated sa human evolutions pero ganoon din. Ayaw rin paniwalaan ang human evolutions katulad ng homosapiens. Ang gusto paniwalaan ay existing ng Adam at Eve in bible. Ayaw talaga nila bitawan ang Adam at Eve pagkatapos ang dinosaur rin ay pa paano e-aassociate iyon sa bible? Pati Noah's ark na pa paano siya nakagawa ng napakalaki ark at ilagay ang mga hayop at mga tao sa buong mundo? Literally buong mundo! Imagine buong mundo na mga tao na sasakay sa ark ni Noah which is ang human ay consist of billions around the world (naipaliwanag na rin siya)- I mean talaga lang kung sakaling gagamit tayo ng critical thinking. Alam ko ang sasabihin ng ibang tao, "have faith. lahat posible pagdating kay God. magkakasya silang lahat."

Meron natagpuan na concrete evidence katulad ng skulls sa ilalim ng lupa kung kaya naniniwala ang scientist patungkol sa human evolutions. Ang iba mga concrete evidence ay inilalagay sa musuem kung saan kapag meron trip for educational purposes ay dinadalo ng teacher with students ang mga ito upang pag-aralan.

Dapat....... sakaling the bible is the only truth at ang science ang nagko-contradict sa bible at feel na science is not the truth dahil nagko-contradict nga ay it is better huwag na lang mag-aral sa school or better patanggalin na lang ang science curriculum in school which is hindi pwede mangyari iyon dahil meron ng ilang tao na gusto gawin securalist ang school na ayaw nila ihalo sa curriculum ang bible sapagkat mas nag re rely ang ilan sa kanila pagdating sa science curriculum.

Hindi nakakapagtaka noh? Meron ako nakatapat na sobrang religious at ang galing niya sa bible verse pero hindi siya nakapagtapos sa pag-aaral. Sa sobrang niya maka-bible ay gusto niya tanggalin ang science sa school dahil sabi niya, mas nagpapaniwala raw kase ang tao sa science kaysa sa bible. Noon, meron ako nakatapat na tao na ganoon. Hindi nakapag-aral at ang feeling ko nga ay wala rin pangarap ang tao na nakatapat ko dahil ang pagiging ambitious raw is also a sin in the bible so tipong hirap sila sa pera- mga ganoon.​
 
Last edited:
Top