Pansin ko lang nang tignan ko ang poll dito sa phc nang sino ang dapat na manalo sa pagkasenador, namayagpag ang pangalan nila bato dela rosa, imee marcos, bong go, bong revilla, lito lapid at iba pa.
Pilipinas gising po! Kailangan natin sa senado ay yung gagawa ng mga batas at hindi videokebar o studio ang senado. Gagawa doon ng batas at alam ko tapos na ang eleksyon pero hindi pa po huli ang lahat para mas maging mapanuri po tayo. Piliin po natin ang karapatdapat sa susunod. Wag tayo magpapadala sa vote buying o sa kungn sino ang sikat. Kailangan po antin ang tapat na mamumuno sa bansa. Tignan nyo po ang credentials o mga nagawa ng mga nangunguna ngayon sa bilangan at ikumpara ito sa mga nagawa ng hindi nakapasok tulad ni neri colmenares at chel diokno. Hindi ba't deserve nilang makapasok?
Pilipinas gising po! Tama na po ang pagbubulagbulagan tayo-tayo rin po ang magsisisi at mahihirapan sa huli. Bakit natin papaswelduhin ang mga kurakot at walang nagawa sa kanilang termino. Nakakalungkot lang. We deserve better PH!