What's new

Closed Eleksyon 2019: GG Philippines

Status
Not open for further replies.

CrusaderFox

Eternal Poster
Joined
Oct 27, 2017
Posts
791
Reaction
1,825
Points
478
Pansin ko lang nang tignan ko ang poll dito sa phc nang sino ang dapat na manalo sa pagkasenador, namayagpag ang pangalan nila bato dela rosa, imee marcos, bong go, bong revilla, lito lapid at iba pa.

Pilipinas gising po! Kailangan natin sa senado ay yung gagawa ng mga batas at hindi videokebar o studio ang senado. Gagawa doon ng batas at alam ko tapos na ang eleksyon pero hindi pa po huli ang lahat para mas maging mapanuri po tayo. Piliin po natin ang karapatdapat sa susunod. Wag tayo magpapadala sa vote buying o sa kungn sino ang sikat. Kailangan po antin ang tapat na mamumuno sa bansa. Tignan nyo po ang credentials o mga nagawa ng mga nangunguna ngayon sa bilangan at ikumpara ito sa mga nagawa ng hindi nakapasok tulad ni neri colmenares at chel diokno. Hindi ba't deserve nilang makapasok?

Pilipinas gising po! Tama na po ang pagbubulagbulagan tayo-tayo rin po ang magsisisi at mahihirapan sa huli. Bakit natin papaswelduhin ang mga kurakot at walang nagawa sa kanilang termino. Nakakalungkot lang. We deserve better PH!
 
Sawa na nga kami sa otso diretsu.. Yung partido nila na matatalino, ilang taon na nakaupo sa Gobyerno.. Example ni Roxas.. Ilang sangay ng Gobyerno ang kanyang Naupu.an? Ano ba ginawa nila? Si duterte kabago bagong Umupo sa Pinakamataas na sangay ng Gobyerno pero kita mo naman marami ng ginawa ano pa kaya kapag tumagal?.
Ngayung maraming nanalo na team duterte asahan niyu na ang pagbabago #DeathPenalty at #Federalsim
 
Gusto nila ng pagbabago pero pagdating sa pagboto ganon ganon nalang
 
Sawa na nga kami sa otso diretsu.. Yung partido nila na matatalino, ilang taon na nakaupo sa Gobyerno.. Example ni Roxas.. Ilang sangay ng Gobyerno ang kanyang Naupu.an? Ano ba ginawa nila? Si duterte kabago bagong Umupo sa Pinakamataas na sangay ng Gobyerno pero kita mo naman marami ng ginawa ano pa kaya kapag tumagal?.
Ngayung maraming nanalo na team duterte asahan niyu na ang pagbabago #DeathPenalty at #Federalsim
Hindi ko po sinasabi na otso diretso ang dapat na manalo ang sinasabi ko po ay mahlaga ang bawat boto natin. Hindi nman porket hindi kapartido ni duterte ay kontra na sakanya. Yung mga ibang senador na tumakbo may mas bagay naman na posisyon para sakanila at may mas bagay naman na maupo sa senado kesa sakanila.

At saka ung ibang mga batas na nagawa sa senado noon ay hindi kasi gaanong nababalita hindi tulad ng mga nagagawa ng pangulo an nababalita kasi siya ang may pinakamataas na posisyon
 
Let's see na lang po sa magagawa nila sa kanilang termino. Their performance will greatly affect the result of the upcoming presidential election on 2022. Tingnan na lang natin kung may magaganda ba silang magawa within 3 years before matapos termino ni PDuts
 
Bakit po ba tayo bumoboto dahil po ba kapartido ito ng pangulo? Bakit ba tayo bumoboto dahil ba sikat ang dapat manalo? Bakit ba tayo bumoboto diba para sa pagbabago? Ngayon kung mananatiling kulong ang isip natin at hindi mamumulat sa katotohanan. Paano nalang ung mga inaabuso, aabusuhin parin? Walang mangyayaring pagbabago kung tayo sa sarili natin ayaw nating magbago.
 
Let's see na lang po sa magagawa nila sa kanilang termino. Their performance will greatly affect the result of the upcoming presidential election on 2022. Tingnan na lang natin kung may magaganda ba silang magawa within 3 years before matapos termino ni PDuts
Yun na nga lang ang magagawa natin. Pero malaki na yong 3 taon. Kung 1 oras nga pinanghihinayangan natin. Wag nalang natin sila gawing poon na sasambahin.
 
Oo nga paps. Kada halalan ba pareparehas yung mga tumatakbo hindi naman diba? Ang problema kasi sa mga pilipino sarado tayo lagi para sa pagbabago kaya hindi tayo umuunlad.
Kaya nga zero ang otso diretsu, dahil gusto ng mga pilipino mga bagong partido naman ang mag lingkod sa bayan. Wag kayu mag alala kay Bong Revilla andyan si Duterte kapag magloko yan lagot yan
 
HAHHAAH, Tama. I'm sure hindi na basta-basta makakapagkupit si Revilla. Nasa kanya lahat nakatitig ang mata ng taong bayan. Goodluck na lang sa kanya
 
Kaya nga zero ang otso diretsu, dahil gusto ng mga pilipino mga bagong partido naman ang mag lingkod sa bayan. Wag kayu mag alala kay Bong Revilla andyan si Duterte kapag magloko yan lagot yan
Sayang lang ang mga ibang kandidato na deserve ang pwesto sa top 12. Its a no pa rin kay bong. Hindi dapat sya makapasok sa 12. Tignan nalang naitn anong magagawa ng partido ni du30.
 
Im Pro DDS at Against dn ako kay BongRevilla na dapat c Wille Ong or Gadon ang sa Slot nya. Pero wag na mag alala kapag mangupit yan sampal aabutin nya kay Du30
 
sana nga mawala si revilla sa top 12. taena wala man lang masabi na plataforma sa mga tv ads niya. sumayaw lang ng budot ang walang hiya magkakapwesto pa sa senado. wala din akong makitang BILL or BATAS na niya siya ang author. gising pilipinas!
 
ang malupit dun si pinuno at at si budots..hanep naman tlaga mga noypi..lesser evil sige..pero lesser evil at useless wag nmn po
 
no bias sa mga kulay-kulay at sa mga tumatakbo pero di ko alam bakit tuwang tuwa kayo na wala manlang pumasok sa otso diretso na deserving naman. pano magkakaron ng pagbabago kung lumang mga senatoriables din ang mananalo? HAHA pinagpalit pa ng mga mas nkakarami yung mga lawyers na may mas alam sa batas dun sa mga magnanakaw. GOODLUCK NA LANG SAATIN.
 
or yung vp niyong abogada. ihave three daughters all girls? utak abogado bayun? mothers day para sa ina? diko nga maramdan yung hayop nayun
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top