mga idol help naman po pano po kaya gumawa ng isang website na katulad ng lazada. kaya po ba ito gawin ng 2 months? at san po ako magsisimula para gawin ito? sana po matulongan nyu ako mga idol. maraming maraming salamat po.
yung 2mo na sinasabi mo. Bat di mo gawing 2days.. Anjan naman si shopify.. sakit sa ulo yang sinasabi mo if dika expert mag code.. Sa design palang puyat kana patay kapa. Hahahaha
yung website po kayang kaya isang araw, ang problema dyan ay gaano kaganda ang kailangan mo sa designs, and second yung website contents na ilalagay mo, tulad ng lazada ba kamo? syempre uupload ka din ng mga items, input ka din ng sangkatutak na informations sa database at links links links at marami pang iba.
sa tanong mo na website kung kaya 2months? actually 1 araw lang o baka wala pa up na ang website, kaso kung palalawakin mo, baka kulangin ang 2months, ang daming pages niyan, kung kasing tulad ng lazada perse, mga 4months yan pulido na yan, nakalatag na lahat bago i-publish.
Kung from scratch medyo malaking trabaho pero kung ready made na. Maraming mga e-commerce website na ready made like Magento or OpenCart. I've used both sa mga projects ko and madali siyang iinstall at i-customise. PHP ang language so kung gusto mong baguhin ang mga functionalities kailangan mong matuto nung language. Kailangan mo lang webhosting. Kung pangthesis you can use IIS or Tomcat or Lamp