What's new

Closed Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan

Status
Not open for further replies.

Caterina

Honorary Poster
Joined
Jun 12, 2020
Posts
106
Reaction
37
Points
138
Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at tapat na mga Kristiyano, pananagutan at obligasyon nating lahat na ialay ang ating isipan at katawan para sa katuparan ng tagubilin ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral salamat sa kapangyarihan ng Diyos. Kung ang mga isipan at katawan natin ay hindi para sa tagubilin ng Diyos at hindi para sa matuwid na dahilan ng sangkatauhan, sa gayon ang ating mga kaluluwa’y hindi magiging karapat-dapat sa mga taong naging martir para sa tagubilin ng Diyos, mas hindi karapat-dapat sa Diyos, na naglaan sa atin ng lahat ng bagay.

Nilikha ng Diyos ang mundong ito, nilikha Niya ang sangkatauhang ito, at bukod dito Siya ang arkitekto ng sinaunang kulturang Griyego at sibilisasyon ng tao. Ang Diyos lamang ang umaaliw sa sangkatauhang ito, at ang Diyos lamang ang nagmamalasakit sa sangkatauhang ito gabi’t araw. Ang pag-unlad at paglago ng tao ay hindi mapaghihiwalay mula sa kapangyarihan ng Diyos, at ang kasaysayan at hinaharap ng sangkatauhan ay hindi mailalabas mula sa mga disenyo ng Diyos. Kung ikaw ay isang tunay na Kristiyano, kung gayon ikaw ay tiyak na maniniwala na ang pagbangon at pagbagsak ng anumang bayan o bansa ay nangyayari ayon sa mga disenyo ng Diyos. Diyos lamang ang nakakaalam sa kapalaran ng isang bayan o bansa, at Diyos lamang ang kumokontrol sa landasin ng sangkatauhang ito. Kung ang sangkatauhan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung ang isang bayan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung gayon ang tao ay dapat na yumuko sa Diyos sa pagsamba, magsisi at umamin sa harap ng Diyos, o kung hindi, ang kapalaran at hantungan ng tao ay hindi maiiwasang magtapos sa sakuna.

Magbalik-tanaw sa panahon ng arko ni Noe: Ang sangkatauhan ay lubhang tiwali, lumayo sa pagpapala ng Diyos, at hindi na pinangangalagaan ng Diyos, at naiwala na ang mga pangako ng Diyos. Sila ay nanirahan sa kadiliman, na wala ang liwanag ng Diyos. Kaya sila ay naging likas na mahalay, pinabayaan ang kanilang sarili na maging napakasama. Ang ganitong mga tao ay hindi na maaaring makatanggap ng pangako ng Diyos; sila ay hindi karapat-dapat na masaksihan ang mukha ng Diyos, o kaya ay marinig ang tinig ng Diyos, sapagkat tinalikuran nila ang Diyos, isinantabi ang lahat ng Kanyang ipinagkaloob sa kanila, at kinalimutan ang mga turo ng Diyos. Ang kanilang puso ay lumihis papalayo nang papalayo mula sa Diyos, at dahil dito, sila ay naging ubod ng sama higit sa lahat ng katwiran at pagkatao, at lalong nagiging masama. Kaya sila ay naging mas malapit sa kamatayan, at sumailalim sa poot at kaparusahan ng Diyos. Si Noe lamang ang sumamba sa Diyos at umiwas sa kasamaan, at sa gayon narinig niya ang tinig ng Diyos, at narinig ang mga tagubilin ng Diyos. Kanyang itinayo ang arko ayon sa mga tagubilin ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., at tinipon ang lahat ng uri ng buhay na nilalang. At sa ganitong paraan, sa sandaling ang lahat ng bagay ay handa na, pinakawalan ng Diyos ang Kanyang pagwasak sa mundo. Si Noe lamang at ang pitong miyembro ng kanyang pamilya ang nakaligtas sa pagkawasak, dahil sumamba si Noe kay Jehova at umiwas sa kasamaan.

Pagkatapos ay tumingin sa kasalukuyang panahon: Ang ganitong matuwid na tao na kagaya ni Noe, na kayang sumamba sa Diyos at iwasan ang kasamaan, ay tumigil na sa pag-iral. Ngunit ang Diyos ay may magandang-loob pa rin sa sangkatauhang ito, at pinawalang-sala ang sangkatauhan sa huling panahong ito. Hinahanap ng Diyos yaong inaasam na Siya’y magpakita. Hinahanap niya ang yaong may-kakayahang makinig sa Kanyang mga salita, yaong hindi nakalimutan ang Kanyang tagubilin, at inihahandog ang kanilang puso at katawan sa Kanya. Hinahanap Niya yaong masunurin tulad ng mga batang nasa harap Niya, at hindi Siya kinakalaban. Kung ikaw ay di-nahahadlangan ng anumang puwersa sa iyong debosyon sa Diyos, kung gayon titingnan ka ng Diyos na may pabor at ipagkakaloob sa iyo ang Kanyang mga pagpapala. Kung ikaw ay may mataas na katayuan, marangal na reputasyon, saganang kaalaman, saganang ari-arian, at suportado ng maraming tao, gayon man ay hindi pumipigil sa iyo ang mga bagay na ito na humarap sa Diyos para tanggapin ang Kanyang pagtawag at ang Kanyang tagubilin, para gawin kung ano ang hinihingi ng Diyos sa iyo, kung gayon ang lahat ng iyong ginagawa ay magiging pinakamakabuluhan sa lupa at ang pinakamatuwid sa sangkatauhan. Kung tatanggihan mo ang tawag ng Diyos para sa kapakanan ng katayuan at ng iyong mga sariling layunin, lahat ng iyong gagawin ay susumpain at kamumuhian pa ng Diyos. Maaaring ikaw ay isang presidente, o isang siyentipiko, isang pastor, o isang elder, ngunit gaano man kataas ang iyong katungkulan, kung umaasa ka sa iyong kaalaman at kakayahan sa iyong mga ginagawa, kung gayon ikaw ay palaging magiging bigo, at palaging mawawalan ng pagpapala ng Diyos, sapagkat ang Diyos ay hindi tumatanggap ng anumang iyong ginagawa, at hindi ka Niya binibigyan ng isang matuwid na propesyon, o tinatanggap na ikaw ay gumagawa para sa kapakinabangan ng sangkatauhan. Sasabihin Niya na ang lahat ng bagay na ginagawa mo, ay upang gamitin ang kaalaman at lakas ng sangkatauhan upang alisan ang tao ng pag-iingat ng Diyos, at upang tanggihan ang mga pagpapala ng Diyos. Sasabihin Niya na dinadala mo ang sangkatauhan patungo sa kadiliman, patungo sa kamatayan, at patungo sa simula ng isang pag-iral na walang mga limitasyon na kung saan nawalan ang tao ng Diyos at ng Kanyang pagpapala.

Mula nang unang magkaroon ang tao ng agham panlipunan, ang isip ng tao ay naging abala sa agham at kaalaman. Doon ang agham at kaalaman ay naging mga kasangkapan para sa pamumuno ng sangkatauhan, at doon ay wala nang sapat na puwang para sa tao upang sambahin ang Diyos, at walang kanais-nais na mga kondisyon para sa pagsamba sa Diyos. Ang posisyon ng Diyos ay lumubog nang lalo pang mas mababa sa puso ng tao. Ang isang mundo sa puso ng tao na walang lugar para sa Diyos ay madilim, walang laman sa kawalang pag-asa. At kaya lumitaw ang maraming panlipunang siyentipiko, mananalaysay, at mga pulitiko upang magpahayag ng mga teorya ng araling panlipunan, ang teorya ng ebolusyon ng tao, at iba pang mga teorya na sinasalungat ang katotohanang nilikha ng Diyos ang tao, upang punuin ang puso at isip ng tao. At sa ganitong paraan, yaong naniniwala na ang Diyos ang lumikha ng lahat ng bagay ay naging lalo pang kakaunti, at yaong naniniwala sa teorya ng ebolusyon ay mas lalo pang dumami ang bilang. Parami nang parami ang mga tao na itinuturing ang mga talaan ng gawain ng Diyos at Kanyang mga salita sa kapanahunan ng Lumang Tipan bilang mga alamat at mga kathang-isip. Sa kanilang mga puso, ang mga tao ay nagwalang-bahala sa karangalan at kadakilaan ng Diyos, sa doktrina na ang Diyos ay umiiral at humahawak ng kapamahalaan sa lahat ng bagay. Ang pagpapanatili ng sangkatauhan at ang kapalaran ng mga bayan at mga bansa ay hindi na mahalaga sa kanila. Nakatira ang tao sa isang hungkag na mundo na iniintindi lamang ang pagkain, pag-inom, at ang paghahangad ng kasiyahan. … Iilang tao lang ang inaako mismo ang paghanap kung saan ginagampanan ng Diyos ang Kanyang gawain ngayon, o hanapin kung paano Niya pinamumunuan at inaayos ang hantungan ng tao. At sa ganitong paraan, hindi namamalayan ng tao, ang sibilisasyon ng tao ay lalo at lalong nawalan ng kakayahang tugunan ang mga kagustuhan ng tao, at mayroon pang maraming tao na nakararamdam na, sa pamumuhay sa gayong mundo, sila ay hindi gaanong masaya kung ihahambing sa mga taong yumao na. Maging ang mga tao ng mga dating napakaunlad na sibilisadong bayan ay nagpapahayag ng mga naturang karaingan. Sapagkat kung walang patnubay ng Diyos, gaano man pakaisipin ng mga pinuno at sosyolohista na maipreserba ang sibilisasyon ng tao, ito ay walang kabuluhan. Walang sinuman ang makapupuno ng kawalan sa puso ng tao, dahil walang sinuman ang maaaring maging buhay ng tao, at walang teoryang panlipunan ang maaaring magpalaya sa tao mula sa kawalan kung saan siya ay namimighati. Agham, kaalaman, kalayaan, demokrasya, paglilibang, kaginhawahan, ang mga ito ay isa lamang pansamantalang pahinga. Kahit na sa mga bagay na ito, ang tao ay hindi maiiwasang magkasala at managhoy sa kawalang katarungan ng lipunan. Hindi mababawasan ng mga bagay na ito ang pagnanasa at hangarin ng tao na tumuklas. Sapagkat ang tao ay nilalang ng Diyos at ang walang katuturang mga sakripisyo at mga pagtuklas ng tao ay maaari lamang humantong sa mas lubusang pagkabagabag. Ang tao ay iiral sa patuloy na kalagayan ng pagkatakot, na hindi malalaman kung paano haharapin ang kinabukasan ng sangkatauhan, o kung paano haharapin ang landas sa hinaharap. Darating ang panahon na kahit ang agham at kaalaman ay katatakutan ng tao, at higit na kakatakutan ang pakiramdam ng kawalan sa kaloob-looban niya. Sa mundong ito, hindi alintana kung ikaw ay nakatira sa isang malayang bayan o sa isang walang mga karapatang pantao, ikaw ay walang lubos na kakayahang takasan ang kapalaran ng sangkatauhan. Ikaw man ang pinuno o ang pinamumunuan, ikaw ay walang lubos na kakayahang takasan ang pagnanais na galugarin ang kapalaran, mga hiwaga, at hantungan ng sangkatauhan. Lalo nang wala kang kakayahang takasan ang nakalilitong pakiramdam ng kawalan. Ang gayong di-pangkaraniwang mga pangyayari, na karaniwan sa buong sangkatauhan, ay tinatawag ng mga sosyolohista na di-pangkaraniwang mga pangyayari sa lipunan, ngunit walang dakilang taong maaaring lumabas upang lutasin ang naturang mga problema. Ang tao, kung sabagay, ay tao. Ang posisyon at buhay ng Diyos ay hindi mapapalitan ng sinumang tao. Ang sangkatauhan ay hindi lang basta nangangailangan ng isang makatarungang lipunan kung saan lahat ng tao ay kumakain nang sapat at pantay-pantay at malaya, kundi ang pagliligtas ng Diyos at ang Kanyang panustos ng buhay sa kanila. Kapag natanggap na ng tao ang pagliligtas ng Diyos at ang Kanyang panustos ng buhay sa kanila, saka lamang malulutas ang mga pangangailangan, kasabikang tumuklas, at espirituwal na kahungkagan ng tao. Kung ang mga tao ng isang bayan o ng isang bansa ay hindi makatatanggap ng pagliligtas at pag-aalaga ng Diyos, tatahak ang bansa o bayang iyon sa landas tungo sa pagkawasak, patungo sa kadiliman, at lilipulin ng Diyos.

Marahil ang iyong bayan ay kasalukuyang yumayabong, ngunit kung pinapayagan mo ang iyong mga tao na maligaw papalayo sa Diyos, kung gayon ang iyong bayan ay matatagpuan ang sariling unti-unting pinagkakaitan ng mga pagpapala ng Diyos. Ang sibilisasyon ng iyong bayan ay lalong tatapak-tapakan, at hindi magtatagal ang mga tao ay titindig laban sa Diyos at susumpain ang Langit. At kaya, hindi alam ng tao, ang kapalaran ng isang bayan ay madadala sa pagkawasak. Ang Diyos ay magbabangon ng mga makapangyarihang bayan upang harapin ang mga bayang naisumpa ng Diyos, at maaaring alisin pa ang mga ito sa ibabaw ng lupa. Ang pagbangon at pagbagsak ng isang bayan o bansa ay nababatay kung ang mga tagapamahala ay sumasamba sa Diyos, at kung inaakay nila ang kanilang mga tao na maging mas malapit sa Diyos at sambahin Siya. At gayunman, sa huling kapanahunang ito, dahil sa ang mga taong tunay na naghahangad at sumasamba sa Diyos ay mas nagiging kaunti, ibinibigay ng Diyos ang natatanging pabor sa mga bayan kung saan ang Kristiyanismo ay ang relihiyon ng estado. Tinitipon Niya ang mga ito upang bumuo ng iilang matuwid na kampo ng mundo, habang ang mga bayang ateista o yaong mga hindi sumasamba sa tunay na Diyos ay nagiging kalaban ng matuwid na kampo. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay hindi lamang may isang lugar sa sangkatauhan na kung saan maaaring magsagawa ng Kanyang gawain, ngunit may mga bayang nakamtan na maaaring gawin ang matuwid na awtoridad, upang magpataw ng mga pagbabawal at paghihigpit sa mga bayang iyon na tinatanggihan ang Diyos. Ngunit sa kabila nito, marami pa ring mga tao na hindi lumalapit upang sumamba sa Diyos, sapagkat ang tao ay lumihis nang napakalayo sa Kanya, at ang Diyos ay wala sa isipan ng tao sa matagal nang panahon. Ang nanatili lamang sa lupa ay ang mga bayan na gumagawa nang may pagkamatuwid at nilalabanan ang di-pagkamatuwid. Ngunit ito ay malayo mula sa mga kagustuhan ng Diyos, sapagkat walang namumuno sa bayan ang papayagan ang Diyos na mamuno sa kanilang mga tao, at walang partidong pampulitika ang titipunin ang kanyang mga tao upang sambahin ang Diyos; nawala ang Diyos sa Kanyang nararapat na lugar sa puso ng bawat bayan, bansa, namumunong partido, at maging sa puso ng bawat tao. Kahit na ang matuwid na pwersa ay umiiral sa mundong ito, ang pamunuan kung saan ang Diyos ay walang lugar sa puso ng tao ay marupok. Kung wala ang pagpapala ng Diyos, ang mga pampulitikang arena ay mabubuwal sa kaguluhan at magiging mahina laban sa pag-atake. Para sa sangkatauhan, ang kawalan ng pagpapala ng Diyos ay katulad ng kawalan ng araw. Gaano man kasipag ang mga namumuno na gumawa ng mga kontribusyon sa kanilang mga tao, walang pagtatangi sa kung gaano karaming matuwid na panayam ng sangkatauhan ang ganaping sama-sama, wala sa mga ito ang makapagpapaganda ng kalagayan o makapagbabago ng kapalaran ng sangkatauhan. Naniniwala ang tao na ang isang bayan kung saan ang mga tao ay pinapakain at dinaramitan, kung saan sila ay nakatirang magkasama nang matiwasay, ay isang mahusay na bayan, at ang isang may mabuting pamumuno. Subalit hindi sa palagay ng Diyos. Siya ay naniniwala na ang isang bayan kung saan walang sinuman ang sumasamba sa Kanya ay isa sa dapat Niyang lipulin. Ang paraan ng pag-iisip ng tao ay masyadong salungat sa Diyos. Kaya, kung ang pinuno ng isang bansa ay hindi sumasamba sa Diyos, ang kapalaran ng bansang ito ay magiging isang trahedya, at ang bansa ay walang patutunguhan.

Hindi nakikibahagi ang Diyos sa pulitika ng tao, gayon pa man ang kapalaran ng isang bayan o bansa ay kontrolado ng Diyos. Kinokontrol ng Diyos ang mundong ito at ang buong sansinukob. Ang kapalaran ng tao at ang plano ng Diyos ay malapit na magkaugnay, at walang tao, bayan o bansa ang hindi saklaw ng kapangyarihan ng Diyos. Kung ang tao ay nais na malaman ang kanyang kapalaran, kung gayon dapat siyang humarap sa Diyos. Pangyayarihin ng Diyos na yaong sumusunod at sumasamba sa Kanya ay sumagana, at siya’y magdadala ng pagbagsak at pagkalipol sa mga taong lalaban at tatanggi sa Kanya.

Alalahanin ang pangyayari sa Biblia noong ginawa ng Diyos ang pagkawasak sa Sodoma, at isipin din kung paano naging isang haligi ng asin ang asawa ni Lot. Gunitain kung paano ang mga tao ng Ninive ay nagsisi sa kanilang mga kasalanan sa tela ng sako at abo, at gunitain kung ano ang sumunod matapos ipinako ng mga Judio si Jesus sa krus 2,000 taon na ang nakakaraan. Ang mga Judio ay pinatalsik mula sa Israel at tumakas patungo sa mga bayan sa buong mundo. Marami ang pinatay, at ang buong bansang Judio ay napasailalim sa mga wala pang katulad na pagwasak. Ipinako nila ang Diyos sa krus—gumawa ng isang kahindik-hindik na krimen—at inudyukan ang disposisyon ng Diyos. Sila ay pinagbayad sa kanilang ginawa, pinabata sa kanila ang mga kinahinatnan ng kanilang mga pagkilos. Hinusgahan nila ang Diyos, itinakwil ang Diyos, at sa gayon sila ay nagkaroon lamang ng isang kapalaran: na parurusahan ng Diyos. Ito ang mapait na kinahinatnan at kalamidad na dinala ng kanilang mga pinuno sa kanilang bayan at bansa.

Ngayon, ang Diyos ay bumalik sa mundo upang gawin ang Kanyang gawain. Ang Kanyang unang hinintuan ay ang engrandeng pagtitipon ng mga namumunong diktador: ang China, ang matatag na balwarte ng ateismo. Nagkamit ang Diyos ng isang grupo ng mga tao sa pamamagitan ng Kanyang karunungan at kapangyarihan. Sa panahong iyon, Siya ay tinutugis ng namumunong partido ng China sa lahat ng paraan at sumailalim sa matinding pagdurusa, na walang lugar sa pamamahinga ng Kanyang ulo at hindi makahanap ng sisilungan. Sa kabila nito, ipinagpapatuloy pa rin ng Diyos ang gawaing Kanyang binabalak: Binibigkas Niya ang Kanyang tinig at ipinapalaganap ang ebanghelyo. Walang sinuman ang makakaarok sa pagka-makapangyarihan sa lahat ng Diyos. Sa China, isang bansa na itinuturing ang Diyos bilang isang kaaway, ang Diyos ay hindi kailanman tumigil sa Kanyang gawain. Sa halip, mas maraming tao ang tumanggap ng Kanyang mga gawain at salita, dahil ginagawa ng Diyos ang lahat ng Kanyang makakaya upang iligtas ang bawat isa at ang bawat miyembro ng sangkatauhan. Pinagkakatiwalaan namin na walang bansa o kapangyarihan ang maaaring pumigil sa kung ano ang nais ng Diyos na makamit. Yaong mga humahadlang sa gawain ng Diyos, nilalabanan ang salita ng Diyos, ginugulo at pinapahina ang plano ng Diyos sa huli ay parurusahan ng Diyos. Siya na lumalabag sa gawain ng Diyos ay ipadadala sa impiyerno; anumang bayan na sumusuway sa gawain ng Diyos ay wawasakin; anumang bansa na tumututol sa gawain ng Diyos ay mawawala mula sa daigdig na ito, at titigil sa pag-iral. Hinihikayat Ko ang mga tao ng lahat ng bansa, bayan, at kahit industriya na makinig sa tinig ng Diyos, masdan ang gawain ng Diyos, bigyang-pansin ang kapalaran ng sangkatauhan, sa gayon ginagawa ang Diyos na kabanal-banalan, ang pinaka-kagalang-galang, ang pinakamataas, at ang tanging pinag-uukulan ng pagsamba sa sangkatauhan, at nagbibigay-daan sa buong sangkatauhan na mabuhay sa ilalim ng pagpapala ng Diyos, tulad ng mga inapo ni Abraham na nabuhay sa ilalim ng pangako ni Jehova, at tulad nina Adan at Eva, na orihinal na ginawa ng Diyos, na nabuhay sa Hardin ng Eden.

Ang gawain ng Diyos ay tulad ng makapangyarihang umaalimbukay na alon. Walang sinuman ang maaaring pumigil sa Kanya, at wala ni isang maaaring magpahinto sa Kanyang mga yapak. Tanging ang mga taong nakikinig nang mabuti sa Kanyang mga salita, at mga taong naghahanap at nauuhaw sa Kanya, ang maaaring sumunod sa Kanyang mga yapak at tanggapin ang Kanyang pangako. Ang mga taong hindi gagawa ay isasailalim sa napakahirap na kalamidad at karapat-dapat sa kaparusahan.

————————————

Ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. araw – ang pangangailangan para sa buhay at espiritu ng mga Kristiyano. Mangyaring i-click ito at basahin.



Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. anumang oras!
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top