[XX='dearth, c: 1063459, m: 500388'][/XX]
Susmaryosep, iniwasan ko nga yang h* h*, nabansagan mo pa rin
.
Pero seriously speaking, mahina yung effectiveness ng media ngayon para direktang maunawaan ng karamihan ang dapat nilang malaman, paniwalaan at gawin. Puro kasi half-truths, nag-iiwan ng marami pang tanong at halu-halong saloobin sa publiko. Pati gobyerno ganoon din, urong-sulong yung mga hakbang kaya nahuhuli sa takbo ng pagharap sa problema kaya nalusutan tayo ng kasalukuyang surge infections. Damay lahat sa bawat pagkakamali. Yung "human nature" ng karamihang Pilipino sa resulta ng katagalan ng pandemya ang isang malaking dahilan kung bakit din tayo humantong sa ganitong kalagayan.
Karamihan ng mamamayan ay unti-unting nawalan na ng tiwala dahil di tayo sanay mabuhay na may quarantine restrictions. Dahil sa patuloy na "stress" naligaw na sa katotohanan yung ilan, nadadala sa ingay ng popular mainstream media imbes na siyasatin yung tunay na balita sa mga respetadong sources. Mahirap yon para sa mga nasiraan na ang loob, salat sa kaalaman at walang malay kung saan nila hahanapin yung mga impormasyong dapat sana nilang mabasa, mapanood o marinig.
Ang impormasyon naman tungkol sa COVID-19 ay laging nagbabago ayon sa walang tigil na pag-aaral kaya swerte yung updated. At kahit kailan, walang "magic bullet" sa ganitong klaseng pandemya, pero karamihan ay nadadala sa mga balitang wala namang matibay na ebidensiya at nagtitiwala lang dahil sa popularidad o umaasa sa milagro. Masisisi mo ba sila? Hindi. Dahil lahat tayo ay dumadaan din sa ganyang sitwasyon in our life. Kaya yung namamahala lamang ng " health security" ng bansa (sa ayaw at gusto nila) ang laging "accountable", kasama yung "information dissemination" at di lamang pisikal na kalusugan natin. Yan yung nakaatas na tungkulin nila bilang kasapi ng IHR (International Health Regulations) at ng national government (na maraming ahensiyang hawak ng DOH). Malaki rin ang responsibilidad ng WHO dahil sila yung namamahala sa buong mundo. Since yung WHO ay di naman nag-aapprove ng vaccines, yung Pilipinas (at mga low-middle income na bansang tulad natin) ay dependent lang sa "WHO prequalifications of vaccines" para tayo makabili sa manufacturers. The rest of the COVID-19 response efforts ay nasa balikat na ng ating gobyerno. Their success and failure depends on it, eka nga. Yan yung hierarchy ng responsilidad sa pandemic ngayon. Etsa-pwera yung common folks kahit pa sabihing pasaway. May paraan naman para sila ay kontrolin.
Masuwerte tayo ngayon, sanda-makmak na vaccine brands ang pinondohan para labanan ang SARS-COV2. Maraming "recipes" (types) na pagpipilian, at meron pang mga susunod na brands, revisions na darating - parang free net ng PHC na may no-load /with load variants. Noong kasagsagan ng SARS atbp., ni isa ay wala - katay! Wala na siguro tayong dapat inaangal pa kundi magpaturok na habang "libre" pa ... he he - basta pasok kayo sa 18 - 59 yrs. old for Sinovac, +18 yrs old bracket ng AstraZeneca, +16 yrs old bracket ng Pfiser-BioNTech as example. Basahin niyo na lang yung NITAG-RESO2.pdf ng DOH or INTERIM NATIONAL IMMUNIZATION TECHNICAL ADVISORY GROUP FOR COVID-19 VACCINES RESOLUTION NO. 2 at iba pang infos dito (
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.) para sa ibang detalye. Ito yung dapat alamin for this vaccination program.