What's new

Help DFA Passport Appointment

markienza

Honorary Poster
nag online passport appointment ako tapos mag dadalawang araw na hindi pa din nadating yung email nila patungkol kung paano mo babayarang yung online appointment, ang mahirap pa nyan araw araw nauubos yung slot nawawala na yung date na gusto mo. sadya ba ganon? ano ba yun kung mag expire yung ginawa mo online uulit ka ulit? tapos yung prefered na date wala na slot. hays...
 
Oo boss yan din gusto ko makapag trabaho abroad, ang hirap na nga ng buhay dito, kung hindi sa qualifications, sa requirements naman pahirapan. Yung pagasikaso palang ng requirements halos maubos na yung budget mo para makapag apply lang.
 
tumawag ako kanina sa helpdesk nila, kasi nagbook ulit ako kanina, pero 3rd attempt "payment failed". so ang advise sa akin tumawag ako sa satellite office (which is binigay number ung direct line) na ginagawan ko ng appointment, since ofw ako, pwede daw ako sa courtesy lane. pag 4th attempt wala pa din bukas, tatawagan ko na ung satellite office, at kung maaaring umiyak pako sa telepono para magpabook, gagawin ko, mabigyan lang ako ng slot, hehe
 
kahot na imiyak ka pa bhie, gobyerno yan, madaming kuskos balungos na nangyayari, kaya i recommend kung may senior ka talagang kasama sa bahay, kuhanan mo na din ng passport para both kayo papasukin agad. Kapag kasi senior bhie, kahit walang appointment, basta mag-apply ng passport diretso agad. Pero if wala, paki-usapan mo talaga ng matindi yung nasa satellite. Kailangan kaawa awa o kaya kung kaya mong awayin, awayin mo pero it depends Kung feel mo medyo mahina kausap mo, then go.
 
[XX='jiwookimna, c: 697731, m: 1739620'][/XX] subukan ko muna tol yung itawag sa satellite tutal naman kasama sa courtesy lane ang ofws at yun naman ang sabi sakin, basta may proof ako ipapakita. i-uupdate ko kayo mga lods kung ano kahihinatnan. sa lunes pako makakatawag at yun kasi ay may opisina. ppost ko dito. super salamat sa mga payo.
 
Hello mga LODI!!! ok na passport! Priority nila ang OFWs. Since seafarer ako, sa courtesy lane ako, pero need pa din ng appointment para ipakita sa loob, ang ginawa ko nagemail lang ako sa satellite office na preferred ko. Sunday/Monday nagemail ako, Tuesday kinabukasan (kahapon), schedule ko agad, nagreply sila agad. Mabilis lang din pag nasa loob na, less than an hour tapos na ang process. Less than 50 lang din ang mga tao sa appointment, controlled nila ngayong pandemic. Wala lang, share ko lang naman ang good news. Thank you mga lodi! Mabuhay!!
 

Similar threads

Back
Top