What's new

Daily Bread (September 5 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
(Lucas 18:1-5)
"Ang Biyuda at ang Hukom"
18 Isinalaysay ni Jesus ang isang talinghaga upang ituro sa kanila na dapat silang laging manalangin at huwag mawalan ng pag-asa. 2 Sinabi niya, “Sa isang lungsod ay may isang hukom na walang takot sa Diyos at walang iginagalang na tao. 3 Sa lungsod ding iyon ay may isang biyuda. Lagi siyang pumupunta sa hukom at sinasabi, ‘Bigyan po ninyo ako ng katarungan sa aking usapin.’ 4 Tinanggihan siya ng hukom sa loob ng mahabang panahon, ngunit nang magtagal ay sinabi ng hukom sa sarili, ‘Kahit ako'y walang takot sa Diyos at walang iginagalang na tao, 5 ibibigay ko na ang katarungang hinihingi ng biyudang ito, sapagkat lagi niya akong ginagambala at baka mainis pa ako sa kapupunta niya rito.’” 6 At nagpatuloy ang Panginoon, “Pakinggan ninyo ang sabi ng masamang hukom na iyon. 7 Ngayon, ipagkakait kaya ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang na dumaraing sa kanya araw-gabi? Sila kaya'y paghihintayin niya nang matagal? 8 Sinasabi ko sa inyo, agad niyang ibibigay sa kanila ang katarungan. Ngunit sa pagbabalik ng Anak ng Tao, may daratnan pa kaya siyang mga taong may pananampalataya?”
" ANG LAYUNIN NG TALINGHAGA"
tal. 1 Isinalaysay ni Jesus ang isang talinghaga upang ituro sa kanila na dapat silang laging manalangin at huwag mawalan ng pag-asa.
a). Upang turuan sila (Marcos 4:2)" at sila'y tinuruan niya ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga talinhaga."
Ang Panginoong Hesus ay dakilang guro, lahat ng bagay ay itunuturo Niya sa mga alagad.
At nagtuturo Siya ayon sa Kanyang halimbawa.
b). Na dapat lagi silang manalangin ( Pray consistently)
Dahil ang mga alagad ay alam ni Lord na hindi consistent pagdating sa panalangin. (Mateo 26:36-45) Isinama ni Jesus ang kanyang mga alagad sa isang lugar na tinatawag na Getsemani. Sinabi niya sa kanila, “Dito muna kayo't mananalangin ako sa dako roon.” Ngunit isinama niya sina Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo. Nagsimulang mabagabag at maghirap ang kanyang kalooban, kaya't sinabi niya sa kanila, “Ako'y puno ng hapis na halos ikamatay ko! Maghintay kayo rito at samahan ninyo ako sa pagpupuyat!” Lumayo siya nang kaunti, nagpatirapa siya at nanalangin, “Ama ko, kung maaari po, ilayo ninyo sa akin ang kopang ito ng paghihirap. Ngunit hindi po ang kalooban ko, kundi ang kalooban ninyo ang mangyari.” Nagbalik siya at dinatnan niyang natutulog ang tatlong alagad. Sinabi niya kay Pedro, “Talaga bang hindi kayo makapagpuyat na kasama ko kahit isang oras man lamang? Magbantay kayo at manalangin upang huwag kayong madaig ng tukso. Ang espiritu'y nakahanda ngunit ang laman ay mahina.” Muli siyang lumayo at nanalangin, “Ama ko, kung hindi po maaaring maialis ang kopang ito malibang inumin ko, mangyari nawa ang inyong kalooban.” Muli siyang nagbalik at nakita na naman niyang natutulog sila, sapagkat sila'y antok na antok. Iniwan niyang muli ang tatlong alagad at siya'y nanalangin, at iyon din ang kanyang sinabi. Nagbalik na naman siya sa mga alagad at sinabi sa kanila, “Natutulog pa ba kayo at nagpapahinga? Dumating na ang oras na ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa mga makasalanan..... Tulad ng mga alagad marami sa atin hindi nagagawa ang talagang regular na pananalangin, kung kailan lang maisipan, at kung minsan ay nagmamadali pa.At inaantok pa.
c). Huwag mawalan ng pag asa. (Don't lose hope)
Kapag matagal ng ipinagpipray at hindi tinutugon nawalan na ng pag asa,
"hindi na ko magppray kasi hindi naman totoong tumutugon ang Dios.
Ilang taon na akong nagppray pero hindi pa natutugon ang panalangin ko, titigil na lang akong magpray."
Tinuturuan tayo ng Panginoon na huwag mawalan ng pag asa at maging consistent sa pananalangin at maging matiyaga pag ganito tayo tiyak na diringgin ng Dios ang ating mga panalangin. PURIHIN ANG PANGINOONG HESUS!


Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top