What's new

Daily Bread (September 28 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"MAY HIHIGIT PA BA KAY YAHWEH?"
*(AWIT 91:9) *
Sapagkat si Yahweh ang iyong ginawang tagapagsanggalang, at ang pinili mong magliligtas sa iyo'y Kataas-taasan.
Isang mapagpalang araw po muli ang aking bati sa ating lahat mga kapatid.
Wala na nga tayong makikitang pinakamalakas, pinakamatibay, pinakamatatag na tagapagsanggalang at tagapag-ligtas kundi ang ating Dios na si Yahweh.. Kaya naman kung minsan ay nakakalungkot na isiping sa mga panahon ng ating mga mabibigat na suliranin at pagsubok ay kung kani-kanino pa tayo tumatawag at tumatakbo., Ang sabi ng ating talata ang ginawang tagapagsanggalang niya ay si Yahweh
At ang kaniyang piniling tagapagligtas ay ang Kataastasan... Doon pa lang sa salitang Kataas-taasan ibig sabihin ay pinakamataas, walang makadadaig, walang makahihigit Siyang pinakamakapangyarihan.. Kung ang Dios ang ating piniling tagapagsanggalang at tagapag-ligtas sino pa kaya ang makagagalaw sa atin? Ligtas tayo sa kamay ng Dios, dahil wala ng mas hihigit pa sa Kanya.. Siya ang ating matibay na muog na hindi maigugupo o magigiba ninuman.. Kaya kanino ka pa tatakbo? Kanino ka pa magtitiwala? Mas pipiliin pa ba natin ang iba na mas mababa ang kalagayan kaysa kay Yahweh? Kung si Yahweh ang iyong tagapag-ligtas at tagapagsanggalang tiyak na hindi kama-aano, dahil tiyak na ligtas ka sa kamay ng Makapangyarihang Dios.
Ang pagpapala at pagiingat ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top