What's new

Daily Bread (September 25 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"HUWAG MAGSAWANG MAGPURI SA DIYOS"
(AWIT 145 : 1-3)
"Ang kadakilaan ng Diyos ko at Hari, aking ihahayag,
di ko titigilan magpakailanman ang magpasalamat,
2 aking pupurihi't pasasalamatan siya araw-araw,
di ako titigil ng pasasalamat magpakailanman.
3 Dakila ka, Yahweh, at karapat-dapat na ika'y purihin;
kadakilaan mo'y tunay na mahirap naming unawain."
TAYONG mga anak ng Diyos na tinubos ng Panginoong Hesus sa ating kasalanan, at dinala sa buhay na malaya at puno ng pagbabago ay hindi dapat tumigil sa pagpupuri sa Diyos... Ito ang sinabi ng may akda ng (Awit 145) 1Ang kadakilaan ng Diyos ko at hari, aking ihahayag, di ko titigilan magpakaylanman ang magpasalamat... Dahil batid niyang si Yahweh ay karapatdapat pasalamatan, kulang ang kilos maging salita sa paghahayag ng pasasalamat sa Diyos na may akda ng buhay natin... Kaya araw araw purihin natin Siya, at huwag tayong tumigil sa pagpapasalamat sa Diyos. Siya ay karapat dapat na purihin... Hindi natin maaarok ang Kanyang kabutihan at kadakilaan. Kapatid kailan mo huling napuri at sinamba ang Diyos? Kailan mo Siya huling pinasalamatan,? Nawa gawin mo na ngayon, habang may lakas pa at hininga.
PURIHIN NATIN AT PASALAMATAN SI YAHWEH!!!


Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

About this Thread

  • 1
    Replies
  • 691
    Views
  • 2
    Participants
Last reply from:
imren06

Online statistics

Members online
1,240
Guests online
4,019
Total visitors
5,259
Back
Top