What's new

Daily Bread (September 24 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
FB_IMG_1664323614280.jpg



Marami ang nagnanais na makamit ang kaloob ng pagsasalita ng ibat ibang wika. At maraming church ang isinasagawa ito. At wala pong mali dito lalo na kung ginagawa ito nang may kaayusan. Sina Pablo man at ang mga unang alagad ay nagsalita din ng ibat ibang wika. Subalit ang babala ay huwag lang po tayong mag asam na makapagsalita lamang ng ibat ibang wika. Sabi ni Pablo makapagsalita man ako ng ibat ibang wika ng mga tao at mga anghel ngunit wala naman akong pag ibig, para lang akong batingaw na umaalingawngaw o pompiyang na tumataginting... Sinasabi dito ni Apostol Pablo na kahit marami kang kaloob kahit pa nagsasalita ka ng ibat ibang wika, kung wala ka namang pag ibig ito ay useless at walang kabuluhan.. Ang pagibig ang pinakamahalaga na ating pakanasaing taglayin natin, maraming nagsasalita ng ibat ibang wika, gustong gustong makamit niya ito, pero teka kumusta ang ating relasyon sa ating kapwa? Mahal ba natin ang ating kapwa? Mahal ba natin ang Diyos,? Baka sa loob ng simbahan nagsasalita ka ng ibat ibang wika pero paglabas mo ng simbahan ang dami mong kaaway at wala kang makasundo. Tandaan po natin na hindi natin maloloko ang Diyos alam Niya kung sino tayo sa kanyang harapan. Ang pagsasalita ng ibang wika ay mahalaga, subalit higit na mahalaga ang pag ibig, pagibig sa kapwa at higit sa lahat pag ibig sa Dios. Mas mainam pang umibig kaysa magsalita ng ibang wika na hindi naman nakikita sa buhay ang kahulugan nito. Purihin Ang Diyos!.


Pastor Ombie Lontoc
 

Attachments

About this Thread

  • 0
    Replies
  • 944
    Views
  • 1
    Participants
Last reply from:
Pamintangdurog04

Online statistics

Members online
1,104
Guests online
5,096
Total visitors
6,200
Back
Top