What's new

Daily Bread (September 22 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"ANG TUNAY NA KAYAMANAN"
(KAWIKAAN 23: 4-5)
4Huwag mong pagurin ang sarili sa pagpapayaman; pag-aralan mong umiwas doon. 5Sapagkat madaling mawala ang kayamanan, ito'y simbilis ng agila sa paglipad sa kalawakan.
Isang bagay na pinapaalala sa atin ng ating talata, huwag daw tayong magpakapagod sa pagpapayaman, pag aralan nating umiwas doon. Pinagisiipan ko itong mabuti, mayroon bang tao na ayaw yumaman? Lahat tayo ay nagnanais guminhawa ang buhay,.. lahat tayo marahil ay nagnanais na yumaman. Hindi ako magiging totoo sa aking sarili kung sasabihin ko na ayaw kong yumaman.. Hindi po masama ang maging mayaman, ang sinasabi po ng salita ng Dios ay huwag po tayong magpakapagod sa pagpapayaman, pag aralan daw nating umiwas dito.. Kasi kapag ibinuhos natin ang ating buong lakas, oras at buhay sa pagpapayaman maraming bagay ang mawawala sa atin, ang iba ay nawawalan na ng oras sa pamilya, mawawalan ng oras paglilingkod sa Dios, at minsan nawawalan tayo ng panahon maging sa ating sarili. May mga anak na kulang sa atensiyon ng magulang dahil bising busy sa paghahanap buhay, ang katwiran ay idinudulot namang lahat ang pagagailangan ng anak. Kaya maraming mga anak na hinahanap ang kakulangang ito sa labas ng kanilang tahanan... Ang kayamanan sabi ng ating talata ay madaling mawala ito'y simbilis ng agulia sa paglipad sa kalawakan.. madaling maglaho sa isang iglap lang..kaya naman pinapaiwas tayo ng Dios sa ganitong kalagayan, dahil napakasaklap na kabiguan na ikaw ay naging mayaman pagkatapos ay biglang mawawala at babalik ang buhay sa kahirapan, maraming pagsisisi ang kahaharapin. Ang pinakamainam nating gawin ay magimpok ng kayamanan sa langit, ito ang sinasabi ng mga talata sa aklat ng (Mateo 6:19-34) "19 Huwag kayong mag-ipon para sa inyong sarili ng kayamanan dito sa lupa na kung saan maraming ***** at kalawang ang naninira. Nanakawin din ang mga ito ng mga magnanakaw." 20 Sa halip, mag-ipon kayo ng kayamanan sa langit dahil doon ay walang ***** at kalawang na sisira, at wala ring mga magnanakaw. 21 Ito ay sapagkat kung saan naroroon ang inyong kayamanan ay naroroon din naman ang inyong puso." kung saan naroroon ang ating puso naroon din ang ating kayamanan.. Kung ang ating puso ay narito sa pagpapayaman sa mundong ito, pang dito lang sa mundo ang hantungan ng ating buhay at puso.. Subalit kung ang ating puso ay naroon sa mga kayamanang panglangit pang langit din ang kahahantungan ng ating buhay at puso.. Mga magulang ko at kapatid hindi po masama ang magpayaman, subalit kung ito ay maglalayo sa Dios at sa iyong pamilya, mas mainam pang mamuhay tayo ng simple na buo ang pamilya at malapit sa presensiya ng Dios.
PURIHIN ANG DIYOS!


Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top