What's new

Daily Bread (September 21 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
PANANAMPALATAYA AT GAWA
(EFESO 2:8-9)
Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y kaloob ng Diyos at hindi mula sa inyong sarili; 9 hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang maipagmamalaki ang sinuman.
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Ang turo ni Pablo( EFESO 2:8-9)
Tayo ay naligtas sa pamamagitan ng regalong kaligtasan ng Dios ito ay sa pamamagitan ng pananampalataya at hindi sa ating mga gawa
Ang totoo, hindi nagkakasalungatan ang itinuturo ni Pablo at Santiago. Ang punto ng hindi pagkakaunawaan na inaakala ng ilan ay ang relasyon sa pagitan ng pananampalataya at gawa. Matatag ang paninindigan ni Pablo na ang kaligtasan ay sa pamamagitan lamang ng pananampalataya (Efeso 2:8-9) samantalang lumalabas sa argumento ni Santiago na ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng pananampalataya na may kasamang gawa. Ang problemang ito ay nabigyang kasagutan sa pamamagitan ng masusing pagaaral sa kung ano talaga ang ibig sabihin ni Santiago. Pinabubulaanan ni Santiago ang paniniwalang ang isang tao ay mayroong pananampalataya subalit wala namang ibinubungang mabuting gawa (Santiago 2: 17-18). Binibigyang-diin lamang ni Santiago ang pangangatwiran na ang tunay na pananampalataya kay Kristo ay nagbubunga ng bagong buhay at mabubuting gawa (Santiago 2:20-26). Hindi sinasabi ni Santiago na ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng pananampalataya at gawa, sa halip kung ang isang tao ay totoong ligtas na, tiyak na makikita ang mabubuting gawa sa kanyang buhay. Kung ang isang tao ay nagaangkin na isa siyang mananampalataya, subalit wala namang mabubuting gawa na nakikita sa kanyang buhay - maaaring wala pa siyang tunay na pananampalataya kay Kristo (Santiago 2:14, 17, 20, 26).
Ang nagligtas sa atin ay pananampalataya sa ginawa ni Kristo sa krus ng kalbaryo at ito ay kumpleto na at walang kulang, kailangan lang ay panaligan ito at ipamuhay ang buhay na binago na ni Kristo.. Isang araw makikita natin ang resulta ng ating mga pananampalataya
PAGPALAIN po tayo ng Dios ngayon at magpakaylanman sa pamamagitn ng pananampalataya sa bugtong na Anak ng Dios, kay Kay Cristo Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top