What's new

Daily Bread (September 17 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
" HUWAG MAGMATAAS"
(Mateo 23:12).
Magandang Balita Biblia
12 Ang nagmamataas ay ibababa, at ang nagpapakumbaba ay itataas.”
Isang mapag palang araw po sa ating lahat, muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Ang pagmamataas ay ugaling hindi kinalulugdan ng Dios, kahit si Lucifer ay ibinagsak ng Dios dahil sa pagmamataas.. Sabi ng ating talata ang sinumang nagmamataas ay
Ibaba... Huwag pairalin ninuman ang pagmamataas, tiyak na ibabagsak ng Dios ang sinumang nagmamataas, maging mapagpakumbaba tayo, kung paanong ang Panginoong Hesus ay nagpakababa dapat ay ganoon din tayong mga anak Niya. Mga magulang at kapatid, kung magiging mababa tayo, itatataas po tayo ng Dios, tayo ay Kanyang pararangalan sa Kanyang kaharian.. Kahit hindi mapansin ng tao ang ating mga ginagawa, ay huwag po tayong malungkot may Dios na nakakakita ng ating ginagawang paglilingkod. Kung maghahangad tayo na tayo ay mapansin at mapapurihan, ito ay isang tanda ng pagmamataas, kung may nagagawa man tayo na mabuti o malaking paglilingkod sa ating kapwa at sa Dios hayaan nating ang Dios ang mabuntunan ng lahat ng papuri, hindi po masamang magpasalamat sa mga taong nakikita ang ating paglilingkod, ngunit huwag nating kalilimutang ibigay o ihandog sa Dios ang papuri at kaluwalhatian.. Kung tayo ay magpapakumbaba itataas tayo ng Dios, hindi ibig sabihin nito ay magpaapi tayo o magpaagrabyado.. Kundi ilagay natin ang ating sarili sa maka Dios na kalagayan.. Huwag magmataas o maging mayabang dahil hindi po ito kalulugdan ng Dios.
Pagpalain po tayo ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top