What's new

Daily Bread (October 9 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
KUNG TAYO'Y KALUGOD-LUGOD
*(1JUAN 3:22) *
TINATANGGAP natin ang anumang hilingin natin sa Kanya dahil sinusunod natin ang Kanyang mga utos at ginagawa ang nakalulugod sa Kanya.
Pagpalain po tayo ng Dios mga kapatid muli po tayong magnilay ng Salita ng Dios.
Paano ba natin makakamit ang ating mga kahilingan sa Dios? Ayon po sa ating talata tinatanggap natin ang anumang hilingin natin sa Kanya dahil sinusunod natin ang Kanyang mga utos. Samakatuwid kung nais nating tugunin ng Dios ang ating mga kahilingan ang dapat lang nating gawin ay sundin ang Kanyang mga utos. Gawin din natin ang anumang bagay na nakalulugod sa Kanya.
Kung tayo po ay hindi sumusunod sa utos ng Dios at hindi po tayo namumuhay ng kalugod lugod sa Kanya hindi po natin makakamit ang lahat ng ating mga kahilingan, dahil hindi po tayo kinaluluguran ng Dios.. Kapatid nais mo bang makamit ang lahat ng iyong kahilingan? Maging masunurin ka at mamuhay ng kalugodlugod sa Dios.
Muli pagpalain po tayong lahat ng Dios ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top