What's new

Daily Bread (October 4 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
(1 TESALONICA 5:9-11 9)
Hindi tayo pinili ng Diyos upang bagsakan ng kanyang poot, kundi upang iligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 10 Namatay siya para sa atin upang tayo'y mabuhay na kasama niya, maging buháy man tayo o patay na sa kanyang muling pagparito. 11 Dahil dito, palakasin ninyo ang loob ng isa't isa at magtulungan kayo tulad ng ginagawa ninyo ngayon.
ANG LAYUNIN NG PAG BABALIK NI KRISTO
Tinawag tayo ng Diyos hindi upang parusahan kundi upang iligtas.
May kaparusahang naghihintay sa mga hindi dumirinig sa kanyang mga salita. May kaparusahan sa mga hindi mananampalataya. May kaparusahan sa mga hindi susunod sa kanyang kalooban.
Tinawag tayo ng Diyos upang iligtas, sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Kung ganoon, may kaligtasang naghihintay na ibibigay ng Diyos sa mananampalataya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. At kung ito’y sa pamamagitan ni Cristo, dapat lamang na huwag nating kalilimutan na ang pagsunod kay Cristo ang tanging paraan ng kaligtasan. Namatay siya para sa atin, Ito ay para sa mga nananampalataya at sumusunod sa kanyang kalooban at utos. Ang kanyang kamatayan ay para sa mga taong naniwala sa kanyang mga salita at turo upang tayo’y mabuhay na kasama niya.
Ito’y ang pagkabuhay na mag-uli sa kanyang pagbabalik sa mundong ito upang kunin ang mga sumunod at naniwala sa kanyang mga itinuro buhay man tayo o patay sa Kanyang. pagbabalik. Isang makahulugang bahagi ng ating buhay ang magaganap sa atin.. Ang pagparito niya’y hindi natin alam kung kailan kung buhay pa tayo o patay na... Ang tiyak na bagay ay ito: siya’y darating, at dapat tayong matiyagang maghihintay. Ito’y katiyakan ng kanyang muling pagparito. Siya’y darating! Dahil dito patuloy kayongmagpaalalahanan. Anong paalaala ang sinasabi dito? Ito ay ang tungkol sa Panginoon, sa pananampalataya, sa matuwid na landas, sa buhay na ayon sa kagustuhan ng Diyos, sa buhay kay Cristo. Kaya ang utos sa atin habang naghihintay tayo ay magtulungan... Anong uri ng pagtutulungan ang binabanggit dito? Ito ay hindi lamang sa pisikal na kalagayan kundi sa espiritual, isang pagtutulungan na may kalakip na pagmamahal at malasakit.Tulad ng ginagawa ninyo ngayon sabi ng mga talata. Nakita ni Pablo ang kanilang ginagawa at sinasabi niya na ipagpatuloy iyon... Ang kanyang ipinanga-ngamba ay kung sila’y hindi magpatuloy sa kanilang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa.
Sa ating buhay, pansinin natin ang lahat ng ito. Huwag nating kaligtaan ang katotohanang darating ang Panginoon, at kung siya’y darating, dapat lamang na ito’y ating paghandaan. PURIHIN ANG PANGINOONG HESUS! MARANATHA! Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top