What's new

Daily Bread (October 26 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
. "KAYO ANG ILAW NG SANLIBUTAN".
(MATEO 5:14-20)
14 “Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lungsod na nakatayo sa ibabaw ng burol ay hindi maitatago. 15 Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay inilalagay iyon sa ilalim ng banga. Sa halip, inilalagay iyon sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay. 16 Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.”
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Tayong mga alagad ni Kristo ang ilaw ng sanlibutan, kung talagang tayo ay ilaw hindi natin ito dapat itago. Kailangang malaman ng mga nasa kadiliman na tayo ay ilaw upang maliwanagan sila. Sabi sa verse 15,walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay ilalagay ito sa ilalim ng banga. Walang maliliwanagan at walang silbi ang ilaw na nakatago. Dapat ito ay inilalagay sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay... Tayo din naman dapat nating pagliwanagin ang ating ilaw, huwag kukurap kurap o patay sindi. Magsilbi nawa tayong mabuting patotoo bilang alagad ng Panginoong Hesus. Paano gagawin? Ipakita natin ito sa ating mabubuting gawa, kapag nakita ng mga tao ang kagandahan ng ating mga ilaw papupurihan nila ang Dios at mahihikayat natin silang lumapit din sa pinagmumulan ng ating liwanag, walang iba kundi ang Panginoong Hesus na siyang ating dakilang ilaw. Mga kapatid pagliwanagin natin ang ating ilaw, inaasahan ng Panginoong Hesus na hindi natin ipagkakait sa iba ang liwanag na natamo natin sa Kanya.
Sumaating lahat ang biyaya at pagpapala ng Dios, sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top