What's new

Daily Bread (October 16 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"MATEO 11:24"
Lahat ng mga bagay na inyong idinadalangin at hinihingi, ay magsisampalataya kayo na inyong tinanggap na at inyong kakamtin.
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Ang pananampalataya ay napakahalaga sa ating pananalangin, sa ating paghingi at paglilingkod sa Dios. Wala namang tao na walang pangangailangan, kahit ang mga mayayaman at tanyag na tao ay may mga needs. Hindi nga lang pinansiyal o materyal ang kailangan nila. Kawaniwan ay kapayapaan, kagalingan, at pagiingat sa kanila ng Dios. Ang mga karaniwang tao at salat sa buhay ay nananalangin din ng ganito, subalit mas malimit ang hinihingi ay pang materyal at pinansiyal na pangangailangan.. Subalit anoman ang ating mga pangangailangan, idalangin natin ito at hingin sa Dios, at sa pamamagitan ng ating pananampalataya ay angkinin natin na ito ay natanggap na natin. Hindi mo pa hawak pero inaangkin mo na na tinugon na ng Dios. Dahil ang pananampalataya ay paniniwala sa mga bagay na hindi pa natin nakikita o nahahawakan. Sabi ng (Hebreo 11:1) 11" Ang pananampalataya ay katiyakan na mangyayari ang ating mga inaasahan, at paninindigan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita." Ang kabaligtaran ng pananampalataya ay pagaalinlangan o pagdududa na mangyayari ang ating hinihingi. Tindigan natin at tayuan ang ating pananampalataya na gagawin ng Dios ang ating hinihingi sa Kanya ayon sa Kanyang kalooban. Mga kapatid sabi po ng ating talata,
Magsisampalataya kayo na inyong tinanggap na, at ito ay inyong kakamtin. Kaya kapatid angkinin mo na ang katugunan sa iyong mga panalangin.
Sumaating lahat ang biyaya at pagpapala ng Dios ngayon at magpakailanman, sa Pangalang ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top