What's new

Daily Bread (November 6 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"KAMI'Y PAGPALAIN"
(AWIT 90:17)
"Ang aming gawain nawa'y pagpalain.
Panginoon naming Dios, kami sana'y pagpalain, magtagumpay nawa kami sa anumang aming gagawin.
MAPAGPALANG araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Bilang mga anak ng Dios, tungkulin nating itagubilin sa Dios ang lahat ng bagay, lalo na ang lahat ng ating gagawin. Huwag tayong kumilos at humakbang ng para sa ating sarili lamang, dahil lahat ng pagpapala ay nanggagaling sa Dios... Hilingin natin sa Dios na bawa't gagawin natin ay pagpalain Niya. Ang tagumpay na ating natatamo ay ihandog din natin sa Kanya, sa lahat ng aspeto ng ating buhay ay si Yahweh ang gawing gabay at taga panguna.. Kung nadagdagan ang ating sweldo purihin natin ang Dios at ibigay natin ang ating kaloob at handog sa Kanya. Sa bawat promosyon, pag angat sa katungkulan pagpasa sa mga exams para sa mga estudyante, huwag ninyong kalilimutan ang Dios sa lahat ng ito.
Ang buhay natin ay para sa Dios at umiinog ang mundo kasama tayo dahil Siya ang may tangan nito nararapat lamang na ilagak sa may akda ang lahat lahat na mayroon tayo.
Mga magulang ko at kapatid, isapuso po natin ang paalalang ito ng Dios, hilingin nating lagi na sa bawat hakbang natin ay pagpalain at ingatan tayo ng Dios. Pasalamatan at dakilain natin Siya sa lahat ng panahon ng ating buhay.
Ang pagpapala ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top